HABANG TUMATAGAL, lalong lumalaki ang atraksyong nararamdaman niya para kay Terence. Alam niya, ramdam niya na ganoon rin ito sa kaniya dahil sa bawat tingin na ipinupukol nito sa kanya ay ramdam niya ang pagnanais nitong lumapit sa kaniya.
Magmula noong insidente sa kotse ay dumistansya na ito sa kaniya. Labis niyang pinagsisihan ang ginawa niya noon pero huli na yata para magsisi siya dahil magmula noong sabihin nito na didistansya na ito sa kaniya ay iyon na nga ang ginawa nito.
She didn't know that he's a man of his words. Damn it! Dapat ay masaya siya na may lalaki na tulad nito pero hindi, dahil lihim niyang ipinapanalangin na sana ay walang isang salita si Terence... na sana ay baliin nito ang binitawang salita.
Sa inis niya ay nag-cutting class siya para pagtaguan si Terence. Hindi naman siya umaasa na hahanapin siya nito pero nadismaya pa rin siya dahil nang sumapit ang gabi ay hindi man lang ito nagte-text o tumatawag para itanong kung nasaan siya. Kaya sa halip na umuwi ay dumiretso siya sa bar kung saan dati siyang nagpa-part time as waitress.
Hindi naman talaga siya umiinom. Sinubukan lang niya ngayon kaya nang makaramdam na siya ng pangangapal ng pisngi at pag-iinit ng pakiramdam ay tumayo na siya at nilisan ang bar na iyon.
"Bwisit kang Terence ka. Akala mo kung sino kang gwapo. Hindi kita hahabulin kahit maghubad ka pa sa harapan ko. Titingnan lang kita tapos... tapos... mamanyakin. Tama! Ganun lang!" tumawa siya na parang baliw habang naghihintay ng taxi nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya.
Iniikot niya ang paningin sa paligid pero nahilo lang siya dahil sa ginawa kaya itinigil na niya at nag-focus na lamang sapagpara sa mga dumaraang taxi.
"Mga bwisit kayo! Kung ayaw ninyong magsakay, pakamatay nalang kayo! Bwisit!" wala kasing humihinto sa kaniya. Dinukot niya ang wallet sa bag at iwinagayway. "May pambayad ako kaya hintuan nyo na ako!"
Naupo siya sa tabi ng poste ng makaramdam ng pagkahilo at ilang minute pa lang siyang nakaupo roon nang may pares ng sapatos na huminto sa harap niya. Tiningala niya ang may ari niyon para lang lalong mainis.
"Bakit ka nandito? Umuwi ka na."
"Let's go."
Itinayo siya ni Terence at walang kahirap hirap na kinaladkad papunta sa nakaparadang sasakyan. Hindi nila sasakyan iyon dahil kulay puti iyon at sa pagkakaalam niya ay puro itim ang sasakyan ng mga Vijandre.
Kaagad siyang hinila ng antok pagkapasok sa loob ng sasakyan ni Terence. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa lamig ng aircon o sa mabangong amoy ng loob ng sasakyan nito. O baka naman si Terence ang naamoy niya?
She woke up in an unfamiliar room. Iba na rin ang suot niyang damit kaya bigla siyang kinabahan at pinakiramdaman ang sarili para lamang mabigla nang may maramdaman siyang gumalaw sa tabi niya.
"You're awake." Anang baritonong boses na iyon na sa maiksing panahon ay kilalang kilala na ng pandinig niya... pati na rin ng puso niya.
"Anong... anong ginawa mo? Binihisan mo ako? Nakita mo na ang... ang..."
"No. Hindi ako."
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...