TOXIC: Fifteen

40.7K 897 59
                                    




          

ITINULAK NIYA SI Terence sa abot ng makakaya niya. Hindi pwede na sa tuwing magkakalapit sila ay sa ganoong tagpo sila hahantong. Isa pa ay naguguluhan na rin siya sa ikinikilos nito. His acts and words don't match at all.


His words are harsh but his actions aren't. Naguguluhan siya. Pero isa lamang ang sigurado siya ng mga sandaling iyon, that what they are doing was wrong. Una ay may kasintahan ito habang siya naman ay minsan ng sinabi na si Jules ang pakakasalan niya.


"Terence, do you even know what you are doing? Namamangka ka sa dalawang ilog! If you wanted to have sex with me so badly, break up with Gigi." Matigas niyang sabi na nagpahinto rito.


"Fine. But you have to marry me after that."


Napailing siya. "This is not you, Terence. Iyong Terence na nakilala ko ay ibang iba sa Terence na nasa harap ko ngayon. You're ruining your memories in my heart, Terence." Lumayo siya kay Terence to compose herself.


"You're making me lose control, Rei. Ikaw pa lang... ikaw pa lang ang nakagawa sa akin nito at sa'yo palang ako nabaliw ng ganito. When you left me without a word back then, iniisip ko kung ano ba ang nagawa kong mali. Pero kahit na ano ang gawin kong pag-iisip, hindi ko malaman ang sagot. I'm not a saint but I can say that I am a good man. I have to be for Meg. But after you left me, I started to questioned myself but found no answer until you came back and fucking ruin my senses again."


She was taken aback. She knows how good he is but she never expected Terence to be this honest. Parang biglang may dumagang mabigat na bagay sa dibdib niya dahil sa sinabi nitong iyon.


She stared at him for a long moment. Mula noon hanggang ngayon, Terence didn't change at all. He's still a good man at kahit yata anong gapang ang gawin niya para maabot ito ay hindi niya magagawa dahil sa bawat pag-angat niya ay mas umaangat rin ito sa mundong ginagalawan nila.


"And I might ruin everything you have if you will keep me with you, Terence." Malungkot niyang pahayag.


"Ano ba ang ikinatatakot mo, Rei? Tell me so I could do something about it."


"Let's stop this, Terence. I'm sorry but I won't let you get near me again." Iniwan na niya ito roon and she was thankful na hindi na siya kinulit pa ni Terence hanggang sa matapos ang gabing iyon.


"DID YOU ENJOY the party?" inirapan niya si Jules. Mukhang kagagaling lang nito sa pagbabasketball dahil pawisan pa ito.


"When did I ever enjoy a party?" balik tanong niya.


"Sungit! Kung ako si Terence, hindi kita yayayaing magpakasal."


Tinaasan niya ito ng kilay na nagpasibangot rito. "But you are not him, Jules Timothy Vijandre. Or should I call you, Timmy?"


"Shut up." Anitong nilagpasan siya at kumuha ng bottled water. "Don't you ever call me like that. Kinikilabutan ako."


Natawa na lamang siya. Ayaw na ayaw nito na tinatawag na Timmy dahil naaalala daw nito iyong unang babae na nambasted sa kaniya.


Naupo si Jules sa tapat niya at pinanood siyang gumawa ng sandwich. "Are you sure about us, getting married?" kaswal na tanong ni Jules sa kaniya.


Natigilan siya at napatitig rito. "Jules, alam mo iyong nangyari sa atin sa States. Kahit anong gawin ko na baguhin ang sarili ko, na iahon ang sarili ko, parang hindi na iyon matutupad at ayokong mandamay pa ng ibang buhay. I know I'm being unfair to you but this will be the last favor that you could do to me."


With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon