Thirty five: Last day

5K 202 2
                                    

Lyka's POV

"Lykaaaa. Hanap ka ni Ice!" Natigilan naman ako sa pagkain nung marinig ko yung pangalan niya.

"Ehem, mukhang dumadamoves na yung boys ha. Una si Kevin, sunod si Clifford at Mark. Mukhang ikaapat 'tong si Ice ha." Nagtawanan sila sa sinabi ni Cindy, napairap na lang ako. Pinipigilan ko ang ngumiti kahit na sa totoo lang e kanina pa gustong mapunit nitong mga labi ko para makangiti. Hindi ko alam kung ano bang gayuma ang pinainom nitong si Ice sa akin at pakiramdam ko e gusto ko lagi siyang nasa tabi ko.

Pero bakit niya ba ako hinahanap? Ano nanamang kailangan ng mokong na yon? Kagabi halos mabwisit ako ng dahil sa mga pang-aasar niya. Ang yabang yabang niya, at ang landi pa. Ang sarap paliparin nung mga bato sa tabi ko papunta sa mukha niya. Wag kayong mag-alala, kalmado pa ako.

Kumain muna ako ng isa pang subo sa pancake ko bago tuluyang tumayo at magpunta sa may pintuan. Tiningnan pa ako ni Lovely ng kakaiba habang nakangisi. Ano nanaman bang iniisip nito? Nung kaming dalawa na lang ni Ice ang naiwan pinilit kong maging poker face at magmukhang kalmado. Kasi, sa totoo lang hindi ako mapakali ngayong nasa tabi ko siya, parang kinakabahan ako.

Ilang minuto na kaming tahimik, nakatingin lang ako sa pader kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya o kung saan man siya nakatingin.

"Uh...." pag-uumpisa niya kaya napatingin na ako sa kanya, nagkakamot siya sa may batok niya at nakatingin sa kabilang gilid niya. Nahihiya ba siya? Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa iniisip ko, nahihiya ba siya sa akin? Bakit? At bakit ba ako nakangiti? Kinikilig ba ako?

"Uh, ano... uhm, mamaya." Napatigil siya saglit atsaka bumulong "Damn nagpractice naman ako kanina pero bat dinadaga na ako ngayon?" Ano daw?

"Ano?" Agad naman siyang napatingin sa akin, "Ah, mamaya. After lunch. Labas tayo," napakunot naman agad ako ng noo. Labas? After lunch?

"Hmm, for sure kasama din ng iba yung ibang boys. Uh, si Lovely niyaya yon ni Mark. Si Lindee magkasama na sila ni Cliff and the others balak silang yayain nung iba." Mahabang explanation niya, mas lalo pang kumunot yung noo ko. Tiningnan ko siya, parang hindi siya mapakali. Ganyan din kaya yung itsura ko kanina? Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya nagulat ako, nanlaki din naman yung mga mata niya. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Okay. After lunch." Sabi ko at tumalikod,

"After lunch." Narinig ko pang bulong niya bago ko tuluyang masarado ang pinto. Napangiti na ako ng tuluyan nung masiguro kong sarado na ito. Shit, ano ba to?

"Bat ka nakangiti?" Muntik na akong magmura sa biglaang pagsulpot ni Cindy, nakataas pa yung kilay niya at sinusuri ako. Umiling na lang ako atsaka dumiretso ulit sa loob para kumain ng pancake.

Gaya ng sinabi ni Ice, niyaya nga nung iba pang boys sina Cindy. Pero hindi isa-isa. Magkakasama sila mamaya, kaming anim lang ang mahihiwalay. Niyaya ba ako ni Ice ng date?

"Lovely dalian mo! Kanina pa nasa labas nitong room si Mark!" Sigaw ni Kylie, aligaga namang nag-ayos si Lovely atsaka lumabas nitong room. Sumunod naman yung mga babae, paniguradong mang-aasar nanaman ang mga 'yon. Napailing na lang ako, ang tagal kasing mag-ayos nung babaeng yon. Buti na lang ako at kanina pa nakaayos. Hindi ako excited.

"Dali na Lovely! Alis!"

"Bye! Enjoy kayooo!"

"Mark ingatan mo yan ha? Alam mo na, medyo tanga."

"HAHAHAHAHA!"

"Grabe kayo!"

"Pfft. Yeah, I will."

Narinig ko pa yung tawa nilang mapang-asar at kinikilig. Wag sana nilang gawin sakin yan mamaya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Ice, inasar asar nanaman nila ako bago ako tuluyang makalabas ng kwarto. Alam nilang crush ko si Ice kaya sobrang kilig talaga nila ngayon. Mas kinikilig pa nga sila kesa sa akin e, sa sobrang kilig nila ginawa din nila sakin yung ginawa nila kay Lovely. Hinatid nila ako sa pinto kung saan paglabas ko ay nakita kong nakasandal si Ice sa may pader atsaka nakapamulsa. Bakit ba ang gwapo ng isang 'to? Ngumiti siya sa akin na ikinagulat at ikinakilig naman nila.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon