Chapter 25
Catthy Vasquez
Simula nung nalaman naming pumasa kami sa cheering team naging busy na kami sa school. Tsaka sa kakapractice ng cheer, nakakapagod yung mga ginagawa namin, tapos ang hihirap pa. Ilang weeks na din kaming member ng cheering team at ang bait nilang lahat samin maliban kila Kylie.
Ni minsan hindi nila kami pinansin o kinakausap man lang, buti nga ngayon eh hindi na sila gumagawa ng gulo, siguro nagsawa na din sila.
"Announcement!" Tumunog nanaman yung speaker, at sino ba naman ang maingay na laging nag aannounce gamit ang speaker? Si ate dasuri lang naman eh. Naging close na din namin siya, tuwing lunch nandun kami sa ofice niya at dun kumakain,
"All of the cheering squad members please go to our gymnasium now. I repeat, all of our cheering squad members please go to our gymnasium now." Gaya nga ng sinabi ni ate dasuri ay nagpunta na kaming gym, excuse naman kami eh, boys lang ang natira sa room namin.
Nagpractice lang kami buong maghapon at masakit sa katawan ah, "Okay guys! Konting push na lang at mapeperfect na natin! So kitakits bukas!" paalam ng beki na nagtuturo samin. Niligpit na namin yung mga gamit namin hind na kasi kami nakauniform ngayon naka PE uniform na kami.
Unti-unti ng nagsisisalisan yung mga kamembers namin dito sa gym hanggang sa kaming walo na lang ang natira. Ako, Lovely, Cindy, Lyka, Kylie, Krystal, Avon, at Yuri.
"Kausapin na natin sila." biglang sabi ni Lyka kaya tumango na lang kami, sya ang naunang lumapit kila Kylie at sumunod naman kami.
"Pwede ba namin kayong makausap?" Mahinahong tanong ni Lovely, napatingin samin yung impakta girls at napatigil din sila sa pagkukwetuhan nila.
"What do you want?" mataray na sagot ni Yuri.
"Gusto lang naman naming ayusin kung ano mang gulo meron tayo eh." sabi ni Cindy
"Gulo? Ayos? Bakit kaya hindi yung sarili niyo muna yung ayusin niyo?" Krystal
"Hindi namin kayo maintindihan! Pilit niyong sinaabi na plastic kami! Eh hindi naman!" Cindy
"Anong hindi!? Plastic kayo!" Avon
"Pano kami naging plastic ha? naging kaibigan niyo na ba kami?" totoo naman diba? Wala silang karapatang pag-sabihan kami ng plastic dahil hindi naman namin sila naging kaibigan.
Napatigil sila sa sinabi ko, ewan ko pero parang nakonsensya naman ako. Nakayuko lang sila habang nakafist yung mga kamay nila. Galit sila? Bakit? dahil sa sinabi ko? E ano bang mali sa sinabi ko? Wala naman eh. Diba?
"Ha-ha-ha." Nagulat ako ng biglang sarcastic na tumawa si Kylie, pero ang mas ikinagulat ko ay nung nakita kong may luha na pumatak galing sa mga mata niya, b-bakit siya umiyak? Sobra ba talaga yung sinabi ko?
"Oo nga naman. Hindi niyo naman kami naging kaibigan eh, kaya sino ba naman kami para pagsalitaan kayo ng ganon?" Dagdag pa niya. Umiiyak na din sila Yuri at yung dalawa, teka? Ano bang ikinaiyak nila sa sinabi ko? Dapat nga barahin pa nila ako eh, diba? Napatingin naman ako sa mga kasama ko at gaya ng reaction ko ganun din ang naging reaksyon nila.
"B-bakit ba kayo umiiyak?" Tanong ko, Pero hindi nila ako pinansin at lumabas na lang na gym.
***
"Ano kayang problema nila? Nasaktan ba talaga sila sa sinabi mo kanina Catthy?" Sabi ni Lovely habang kumakain ng piattos, nandito kami ngayon sa kwarto ko, magmomovie marathon sana kami kaso nauwi sa foodtrip. Wala din si Lindee, nag overnight siya sa bahay ng kaklase niya dahil may mga gagawin at tatapusin pa daw sila.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Dla nastolatkówLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...