@Cj_quioz Hi! hehez
I dedicate this chapter to her, natuwa kasi ako sa comments niya :) Haha!
Chapter 26
LOVELY DIANNE LACOSTA
Nanginginig na ako dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. Ano ba yung pumutok na yun na nasa loob ng gym? May tao ba sa loob?
"Ano ba yung p-pumutok?" Nanginginig kong tanong. May multo ba dito?
"Lobo ata eh, tara tingnan natin sa loob." Biglang sabi ni Lyka, Hah!? Papasok kami sa loob!? Ayoko nga baka may mumu pa sa loob eh!
"Wag na! Maiwan na lang ako dito, baka may mumu pa diyan sa loob eh!" Pag-aangal ko,
"Okay, sigaw ka lang kapag may humila sa paa mo ah?" Sabi ni Cindy atsaka sila pumasok sa loob ng gym, tumingin tingin ko sa paligid ng may marinig akong kaluskos,
"Waaaaaaaaah, Hintayin niyo 'ko! Sasama na!" Mabilis akong sumunod sa kanila, pagkapasok namin ng gym wala talga akog makita as in ang dilim. Nung nakababa na kami at nandito na kami sa gitna ng gym parang may tao akong natamaan. Hala! Natatakot na ako!
"Ang dilim, kunin niyo nga mga cellphones niyo para magsilbing ilaw." Sabi naman ni Catthy. Kukunin ko na sana yung cellphone ko ng biglang bumukas yung ilaw. At nagulat ako sa tumambad samin.
"Ano t-to?" Biglang may sumabog ulit at Lumipad yung iba't ibang makukulay na papel.
Madaming tao ngayon ang nandito sa gymnassium, at alam naming mga students din to dito sa school dahil mga nakauniforms pa sila. Ang daming palamuti dito, may mga lobo, may malaking mesa na puno ng iba't ibang pagkain. May apat na malalaking cake na sobrang taas at puro sila chocolate cake na may mga mukha naming apat, teka ano bang nangyayari? Lmapit samin sila Lindee at ang buong section A nandito din si nay Linda at manong driver pati na din yung ibang mga kasama namin sa bahay.
"A-anong nangyayari?" Nauutal kong sabi kay Nark na kaharap ko ngayon, nginitian niya lang ako. Bakit parang ang bait niya sakin ngayon? Ni hindi man lang siya nagsusungit, ano kayang nakain niya? Pakainin ko kaya siya nun araw-araw?
"O-oy ano bang meron!?" Sabi ni Cindy, kanina pa sila nakangiti ah, nakakatakot na pati sila Krystal nakangiti lang, yung totoo? Smiling day ba ngayon? Bakit di kami nasabihan? Ano ba 'to? May mga camera ba dito? trip niyo ba kami? Ganito yung napanuod ko minsan sa TV eh, yung ogags ba yun? ay hindi. Ah basta nakalimutan ko na eh. Maya maya nakarinig na lang kami ng kanta, parang pang party siya pero may naririnig akong happy birthday.... Teka? Birthday.... Hala!
"Mark? Anong date ba ngayon?" Tanong ko sa kanya na kanina pa nakatingin sakin problema nito?
"July 03,"
"Happy Birthday Girls!" Sigaw nila kylie, krystal, avon at yuri, teka totoo ba tong naririnig at nakikita ko? Binabati nila kami at nakangiti pa?
"T-thank you" Sabay sabay naming sabi,
Nakalimutan namin na birthday pala namin ngayon, grabe! Pero sayang wala si Inno. Hinila nila kami sa may gitna nitong Gym kung saan may 16 na upuan na para saming mga section A lamang,ngayon lang ako nakaexperience ng ganito kabonggang birthday party, Promise! hindi kasi kami sanay na naghahanda ng bongga eh, gustuhin man ni inno di naman kami pumapayag, dagdag gastos lang naman kasi yun. Tapos may sariling upuan din sila lindee at nay linda kasama yung iba pa.
Tiningnan ko si Mark, ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga siya, ang ganda nung ngiti niya, Teka? Ano bang to mga nasa utak ko! Hala! Erase! Napatingin sa sakin kaya agad akong umiwas ng tingin baka mamaya anopang isipin ng lalaking yun!
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Ficção AdolescenteLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...