Lyka Padilla
"May nakakatawa ba sa sinabi ni Lovely?" Takang tanong ni Cindy pero umiling lang yung mga kasama namin sa bahay. Mukhang natakot sila dito kay Cindy, habang si Cindy naman ayon nakataas pa din ang kilay. Natural niya na kasing reaksyon yan, kaya akala tuloy ng karamihan mataray siya at suplada. Pero sabagay. Totoo naman.
Pagkatapos naming kumain, tumayo na kami at ililigpit na dapat yung mga pinagkainan namin ang kaso pinigilan kami ng mga kasama namin sa bahay.
"Ma'am kami na po." sabi nung isa. Sa totoo lang hindi ako sanay na tinatawag na ma'am pero siguro kailangan ko ng masanay.
"Ayaw nyo ba ng tulungan?" Nagtatakang tanong ni Lovely. Umiling nanaman yung mga KB short for Kasama sa bahay. Ang haba haba naman kasi eh. Wala naman kaming magagawa kaya hinayaan na lang namin sila.
Umakyat na lang kami sa taas at inaantok na din ako nakakapagod kaya ang bumiyahe. Kumusta na kaya si Inno? Ano ba yan wala pa ngang isang buong araw na hindi ko nakikita si inno eh miss ko na agad siya? Bakit ba kasi hindi na lang siya sumama dito? Kasya naman kami eh, malaki naman tong bahay na 'to.
"Goodnight," Sabay sabay naming sabi bago makapasok sa kanya-kanya naming kwarto. Kaya natawa tuloy kami.
Pagsara ko ng pinto huminga ako ng malalim. Iniikot ko yung mata ko sa buong kuwarto ko. Ang ganda talaga at ang laki. Ang kaso nasanay na kasi ako na sama-sama kami ng mga pinsan ko sa iisang kwarto. At alam ko namang kailangan lahat ng hindi namin nakasanayan ay makasanayan na namin ngayon.
Nagpunta ako doon sa Cabinet malapit sa TV dito sa kwarto. Alangan naman kasing sa sala diba? Ay! Nahahawa na ata ako kay Cindy -___-. Kumuha na lang ako ng damit na pantulog. Maghihilamos na ako at magsisipilyo. Antok na antok na talaga ako. Magpapahiga na muna ako para bukas kung sakaling madaming ggawin eh may lakas ako.
***
Napamulat naman ako bigla! Akala ko naman ano na yung maingay na tunog ng tunog. Ang astig talaga sa kwarto na 'to di ko man lang napansin na may orasan pala ako dito. Kahit naman kasi sa probinsiya may alarm clock eh. Meron din kami kaso nasira sa tyange lang kasi namin binili yun eh. Tig 50 pesos.
Bumangon na ako at nagpuntang CR para maghilamos ng mukha at magtooth-brush. Kumusta kaya tulog nila? Gising na din kaya sila?
Paglabas ko ng CR napagisipan kong bumaba alasais pa lang naman ng umaga, maglilinis pa kami sa baba kaya dapat siguro gisingin ko na din sila. Pagbukas ko ng pinto kasabay namang bumukas yung pinto ng kwarto ng mga kaibigan ko. Mukhang kakagising lang din nila.
"Good morniiiiiiiiiiiiiiing!" Kahit kailan talaga maingay pa din tong si Lovely.
"Good morning din."
***
Pagbaba namin nagpunta agad kami sa kusina at naabutan doon si Nay Linda at Lindee na nagluluto.
"Hm. ang bango naman!" sabi ni Catthy
"Oo nga. Ano po bang niuluto niyo ni Lindee?" Tanong naman ni Lovely
"Pagkain malamang, anong gusto mong lutuin nila? Papel at lapis?" Kahit kelan talaga 'tong si Cindy.
Hindi na lang sumagot si Lovely at inirapan si Cindy. Sa aming apat silang dalawa talaga ang madalas magbangayan.
"Ang aga-aga." sabi ko sabay upo.
"Nagluluto kami ng sinigang mga ate, ^____^" Masiglang sabi naman ni Lindee kaya tumango tango na lang kami at inantay silang matapos.
Napansin ko namang wala na yung mga kasama namin sa bahay. Asan kaya sila?
"Asan po yung mga kasama natin sa bahay?" Tanong ko
![](https://img.wattpad.com/cover/12394998-288-k622528.jpg)
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Teen FictionLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...