"Love forgives."
Ethan's POV
Papunta na kami ngayon sa hospital kung nasaan ang iba. Naiwan ang ilan doon para makipag-usap sa mga pulis.
Cindy... huwag kang bibitaw. Ayos lang sa akin kahit na araw araw mo akong sigawan, sapakin, at pagtripan... basta please... huwag mo lang akong iwan....
Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon, halo halong galit, lungkot, at sakit. Kapag may nangyaring masama sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang mga taong may gawa nito maski ang sarili ko.
Mahal na mahal ko si Cindy... mahal na mahal.
"Dude." Tinanguan ko si Kevin pagkadating nila. Kanina pa kami naghihintay dito. Nasa operating room si Cindy, Lovely, Lyka, at Lindon. Nasa Emergency room naman si Nay Linda at Inno. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kaba.
Makalipas ang sampung minuto ay nagpaalam muna ako para magpunta sa chapel.
"Punta muna akong chapel. Tawagin niyo ako agad kapag may emergency." Tinanguan nila ako bago ako tumalikod. Habang si Mark ay tahimik lang na nakayuko. Pareho kami ng nararamdaman, alam ko. Parehong nag-aagaw buhay ang mga mahal namin sa operating room.
Habang naglalakad ako papuntang chapel ay wala akong ibang inisip kung hindi ang mga kasamahan namin at si Cindy.
Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag may nangyaring hindi maganda sa mahal ko... tanda ko pa noon kung paano ko siya nakilala.
"Hoy! San ka bumili niyan?" napatingin ako sa tumawag ng hoy sa akin, ang maldita naman ng batang 'to!
Tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan niya din ako ng kilay. Sino ba 'tong batang 'to?
Andito kami sa bahay ng friend nila mommy, is this girl their daughter? She's wearing a floral dress and her hair's in a messy bun. I think she is. Alangan namang kapitbahay lang nila 'to, diba?
"Tinitingin-tingin mo? Nagtatanong ako o." Napatingin ako sa chocolate bar na hawak ko, is this what she is talking about? Napangisi ako. Bat ko sasabihin? Pikunin kaya ang isang 'to? Maasar nga.
"Store." I said. Napakunot ang noo niya. Nagpipigil naman ako ng tawa dahil sa reaksyon niya.
"Hoy batang payat! Maraming tindahan dito! Bahala ka na nga dyan! Iyo na yang chocolate mo!" Agad siyang nagmartsa palayo kaya humagalpak na ako ng tawa. She's pissed!
Napatigil ako sa pagtawa ng may doll shoes na tumama sa mukha ko. What the! Tumingin ako sa batang babae ng bigla niya akong binelatan atsaka tumakbo palayo. Ugh!
Napangiti ako ng maalala ko yung unang pagkikita namin. Umpisa pa lang nakuha niya na kaagad ang atensyon ko. I love her guts. I love her words. I love everything of her. Damn.
Lumuhod ako sa harapan niya. Siya... siya lang ang makakatulong sa amin ngayon. Hindi ako, hindi ang mga kaibigan ko, hindi ang mga doktor. Kahit gaano pa kagaling ang mga doktor na nasa ER at OR ngayon, kung gusto niya ng kunin ang mga taong nandoon ay wala kaming magagawa. Pero nakikiusap ako... wag muna... please... huwag muna...
Mark's POV
Hindi ako mapakali sa harapng OR. Bakit ba ang tagal nilang lumabas? Ganoon ba kalalim yung bala para hindi nila agad 'yon makita!? Damn it!
"Doc..."
Napatayo ako ng tuwid. Agad na lumapit ang mga babae sa doktor. Nanatili naman ako sa pwesto ko.
"How's our friends?" Tanong ni Avon.
"They're fine now. Naagapan naman sila, muntik ng maubusan ng dugo yung dalawa, buti na lang ay mayroon kami ng type ng dugo nila. Ayos na yung tatlo. Natanggal na namin ang bala sa katawan nila at ililipat na namin sila sa mga rooms nila mamaya."
![](https://img.wattpad.com/cover/12394998-288-k622528.jpg)
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Teen FictionLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...