Chapter 23
Cindy Ladesma
"Good morning!" masiglang bati ni Lindee samin habang kami naman mukhang zombie na kumakain ng breakfast. -________-
"Oh, mga hija bakit ganyan ang itsura niyo?" Tanong ni nay Linda tsaka sumalo sa pagkain namin. Ugh! Inaantok pa ako! Anong oras na kasi kaming nakatulog eh, kaninang 1 am lang kaya kami natapos magpractice grabe lang. Medyo mahirap din kasi yung steps na itinuro ni ate dasuri, at grabe ang galing galing niya talaga.
"Paano ba naman nay Linda anong oras na kami nakatulog, inaantok pa kami." Sabi ni Catthy sabay subsob sa mesa, kaya nakigaya na din kami.
"Halata nga," At sabay pa nga ang mag-ina.
***
"No, no, no, yan lang talaga ang naintindihan ko doon sa kanta kahapon." Reklamo i Lovely, recess na namin ngayon at natulog lang kami sa dalawang subjects na napasukan namin, buti na lang at hindi kami sinita ng mga teachers namin.
"Kahit nga ako eh, ano kayang tagalog ng kantang yun no?" sabi naman ni Lyka, hindi kami nagrecess ngayon nandito kami sa kubo nung mga gangster kasi nandun sila sa cafeteria, ayaw nga nilang magpunta ng cafeteria eh pero pinilit namin sila at dahil master nila kami wala na silang nagawa kundi sumunod. Actually hindi ko pinilit si Ethan, sinabi ko lang na, "Dun ka kumain sa cafeteria ngayon." Tapos sumagot siya ng "Yes master!" With saludo effect pa yan.
"Oo nga no, pagkauwi magsearch tayo tagal na din nating di nagiinternet eh, tapos tagal na din nating di nakakapagonline." Catthy
Oo nga no tagal na naming di nage-fb, Hm, medyo madami na din naman yung friends namin eh 700+ na yung akin. Hahaha. Ayoko kasing nagaaccept ng nagaaccept. Kaya masaya na ako sa friends ko.
*RING*
"Tara na sa next class, bell na" Pagkasabi ko nun ay bumaba na kami at dumiretso sa room.
"Good morning class," Bati samin ng advicer namin pero teka mamayang last period pa dapat siya ah? Bakit pumasok na siya dito? Binati na lang din namin siya kahit na medyo naguguluhan kami sa schedule.
"I know nagtataka kayo na ako ang pumasok sa kwarto niyo ngayon, well maghintay lang kayo saglit at malalaman niyo kung bakit." Maya maya biglang tumunog yung speaker.
"Hello everyone! Good morning!" Isang matinis na boses ang maririnig mo sa speaker ng university at alam na alam ko kung kaninong boses yun.
"Dasuri Choi at your service!"
"Aish si ate dasuri talaga! Ano nanaman kayang problema niya!?" Narinig ko pang bulong ni Kevin.
"So hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," Tsaka siya kumanta ng paligoy-ligoy ni Nadine Lustre. Nakisabay na din kami nila Lovely. Nyahahaha.
"Eto na talaga, wala kayong pasok mamayang hapon dahil papanoodin niyo yung audition para sa cheering team!" Nagsigawan naman yung mga estudyante sa labas except kami, ibig sabihin madaming manonood mamaya? Syet na malagkit naman oh!
"Hep hep! Pero walang aabsent! Bawat secretary ng section niyo ay magchecheck ng attendance! At ang mga present ngayong umaga na absent mamayang hapon may punishment! Yun lang." Hala! Grabe naman si ate dasuri, "Pahabol Catthy, Lovely, Cindy, Lyka! Wait niyo ako dyan sa room niyo!"
Nakakahiya! Special mention pa tuloy kami. After ng ilang minuto dumating na din si ate dasuri at nagpaalam na yung teacher namin samin. Wala pa din yung impakta girls kasi busy sila sa pag-aasikaso ng para sa audition mamaya. Pinaayos ni ate dasuri yung mga upuan sa boys para makapagpractice kami dito sa room. Pinasara niya yung pinto at kaming mga section A lang ang nandito sa loob. May speaker na din dito sa room tsaka may flat screen din kasi kami dito kaya hindi na namin kailangang maghanap ng mga gagamitin. Maya-maya tumunog na yung sasayawin namin, ang hirap talaga ng steps na 'to. Nakatingin lang samin yung boys, minsan natutulala di ko lang alam kung bakit.

BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Teen FictionLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...