Thirty: Flashback

4.9K 198 2
                                    

Chapter 30

Lyka Padilla

Tahimik lang akong nakikinig habang pinag-uusapan nila yung mga pwede naming gawin habang nandito pa kami. Tapos na kaming kumain pero hindi pa din sila tapos na mag-usap.

"Gusto kong mag speed boating!"

"Omg! Gusto ko din!"

"Sige, tapos ilalaglag namin kayo kapag nasa malalim na part na tayo."

"Kung malaglag niyo!"

Paano ba naman sila matatapos e kada may gustong gawin yung isa, kokontrahin nung isa tapos mag-aasaran sila.

Matapos ang ilan pang asaran napagpasyahan nila na bumalik na sa mga kwarto namin para makapagpahinga. Dahil magpapagod nanaman daw kami mamaya. Pagkarating namin sa kwarto namin agad akong nahiga, napagod kasi talaga ako ng sobra. At dahil na din sa pagod ay nakatulog ako kaagad.

Nung magising ako dumiretso na agad ako sa banyo para maghilamos at tooth brush, pagkalabas ko ng banyo gising na din yung dalawa.

"Dumaan dito sila Kylie kanina, mag-ayos na daw tayo at mag-aactivity na tayo mamaya." Sabi ni Catthy, lumapit naman ako sa kama at nakihiga.

Tinotoo nga nila na magi-speed boating kami, medyo kinakabahan ako. First time namin 'to malamang, mayayaman lang ang may kayang magsaya ng ganito.

"Ay palaka!" Nagulat kami nung biglang pumasok sila Yuri sa kwarto kasama si Lindee at Lovely,

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ako, ewan ko. Bigla na lang nila akong hinila papalabas ng kwarto at sinama dito." Nakangusong sabi ni Lovely atsaka duniretso sa tabi namin para humiga. Mag-aalas kwatro na ng hapon, hindi na mainit sa labas at magi-speed boating na kami.

"Alam naming wala kayong dalang damit na pang swimming kaya binilhan namin kayo." Sabi ni Krystal sabay bigay ng paper bags sa amin. Nilabas ko naman yung laman nung hawak kong paper bag at napamura na lang sa nakita ko. Isang super ikling shorts, isang butas butas na damit na kita na yung katawan at isang swimsuit.

"Ipapasuot niyo sa amin 'to!?" Gulat na tanong ni Cindy

Tumango tango lang sila atsaka kami tinulak isa-isa sa banyo para magpalit.

"Papatalo ba kayo sa mga lalaki sa labas? For sure aasarin kayo non."

"Trueee! Sasabihin ng mga yon na kaya ayaw niyong mag swimsuit kasi may bilbil kayo."

"May bilbil naman talaga kami e,"

"Pero maliit yung tyan namin! Tsaka konti lang bilbil namin!"

"O ayun naman pala e, wag na nga kayong KJ! Minsan lang to oh. Daliii."

Sa huli wala din silang nagawa kung hindi ang ibahin ang pinapasuot nila sa amin. Hindi pa kasi talaga kami nakakapagsuot ng ganon, atsaka nakakahiya. Hindi naman kasing ganda ng katawan nila yung katawan namin. Buti pa yung mukha e, maipagmamalaki talaga namin.

Matapos naming mag-ayos ay lumabas na kami at dumiretso sa isa sa mga kubo malapit sa dagat.

"Waaaah. Ang sarap ng hangin!" Sigaw ni Lovely atsaka itinaas yung kamay niya at pumkit. Mukha siyang tanga,

"Talaga? Anong lasa?" Pambabara ni Cindy.

"Lasang hangin," sagot naman ni Lovely atsaka umirap. Natawa na lang kami,

"Tara naaa! Excited na akong may mahulog sa gitna ng dagat." Mapang-asar na sabi ni Kai sabay tingin kila Yuri.

"Whatevaaaah!"

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon