Seven: Mansion

8.8K 304 4
                                    

Lovely Dianne Lacosta

Hindi pa din ako makapag-isip ng maayos dahil sa pagkagulat nung sinabi nila nay Linda na kami ang may ari ng tutuluyan namin sa manila. Waaaaaah! Ibig sabihin non mayaman kami? Waaaaaaah!

"Mga apo, totoo yun, kayong apat ang may ari ng mansion."

Paanong nangyari yun? Eh isinilang naman kaming mahirap lang hindi ba? Isinilang kaming nakatira sa hindi sosyaling bahay. Tapos bigla bigla eto malalaman naming may-ari kami ng isang mansion sa manila?

Napatingin ako kila Lyka at katulad ko parang hindi pa din nila lubos maisip na totoo lahat ng mga sinasabi nila Inno sa 'min. Pero totoo nga ba yon?

"So siguro naman okay na lahat? Aantayin na lang namin kayo sa manila okay?" Hindi talaga gumagana ng mayos yung utak ko. Huwaaaa! Huhuhu~

"Okay po. Ingat po kayo." Narinig kong sabi nila Cindy pero nanatili pa din akong nakatulala. Hindi ko naman kasi maintindihan anong sinasabi nila. @0@

"Uyy, Aalis na daw sila nay Linda! Magpaalam ka na aba." Bulong sa akin ni Catthy sabay siko huwaaa. T0T

"Ah----eh bye poooo!"

"Bye mga ate! Bye Lola! I'm so excited to be with the four of you sa pasukan!" sigaw naman ni Lindee. Waaaaah ano kayang magiging buhay namin sa manila?

"Tara na mga babae! At pagod na ang napakaganda niyong inno. Kailangan ko ng magbeauty rest!" Sabi ni Inno at nauna ng maglakad sa'min wahehehehe si inno talaga nagkatinginan naman kaming apat at nagtawanan wahahaha, Nagmana talaga ako kay Inno!

***

Lumipas ang ilang araw at bumalik naman na sa dating gawi yung mga ginagawa at kilos namin. Tawanan, asaran, paglilinis ng bahay, pagbebenta ng meryenda at kung ano-ano pang mga gawain. Siguro sinusulit na namin yung mga araw at oras na nagagawa pa namin to kasi baka lahat ng ginagawa namin dito bawal sa maynila huhuhu~.

"Hm. Malapit na pala ang pasukan guys," Biglang sabi ni Catthy kaya napatingin kami sa kanya nakatambay kasi kami ngayon sa harap ng bahay namin.

"Oo nga no? Ang bilis ng araw, parang kalian lang exam pa lang natin."

"Nakakamiss din yung mga kaklase natin ano?" Buntong hiningang sabi ni Catthy.

"Sinabi mo pa." Sabi naman ni Lyka.

"Susss, namimiss niyo lang sila eh." Pang-asar ko naman wehehehe.

"Asus! Kala mo naman siya di miss si Lindon." Balik asar namang sabi ni Cindy. Hmmmp! Itong si Cindy lagi akong inaaway! Ang samaaaa! >0< Pero syempre hindi ako papatalo. Nyehehehe.

"Syempre naman miss ko na yun! Wala na akong kaaway maliban sa 'yo eh. Nakakasawa ka na kaya kausap huhuhu~"

"Abaaaaa! Ikaw kaya ang MAS nakakasawang kausap. -____-"

"Anynyenye. Miss mo lang si Kris kaya ka nagtataray dyan eh. Wag kang mag-alala, may iba na yun." Wahahahahahaha. Ganito talaga kami minsan pero wala kaming gusto sa mga ugok naming kaibigan, Susmaryosep! Kaibigan lang tingin namin sa kanila no! Uhm. Sige Siguro hinahangaan din nami sila pero wala na talaga maliban dun sa paghangang yun.

"Ikaw ba Catthy? Namimiss mo na si Sander?" biglang tanong ni Lyka kaya napatingin kami kay Catthy na nag-iisip at saba'y ngiti,

"Syempre Lyka, miss ko na din yun si Sander, bestfriend ko eh." Sagot ni Catthy, kahit kailan talaga manhid 'to si Catthy, kawawa naman si Sander ajujuju.

Matapos naming mag-kwentuhan at asaran napag-isipan na naming pumasok ng bahay. Bukas kasi mamamasyal kami kasama si Inno. Kasi bukas makalawa ay aalis na kami ditto at pupunta na doon sa mansion na pagmamay-ari raw namin. Kaya susulitin na namin ung araw bukas. Ayaw man naming iwan si Inno wala naman kaming magagawa kasi ayaw niyang sumama samin sa maynila at mas gusto niya daw dito sa probinsiya.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon