Chapter 22
Lovely Dianne Lacosta
"Oh ano? Sasali tayo?" Sabi ni Catthy matapos ng mahaba niyang sinabi kanina. Grabe tong si Catthy talagang nag speech pa!
Nagkatinginan naman kami at sabay sabay na sumigaw.
"Tara sali tayo!"
***
Second period na namin at simula kanina nung bumaba kami sa rooftop ay hindi na naalis yung ngiti naming apat, kaya yung mga kaklase namin ayun mukhang nagtataka samin.
Wala kasi yung impakta girls eh, kasali sila sa cheering squad diba? Nag-iikot na sila ngayon para iannounce sa mga high school students yung audition para bukas.
"Kanina pa nakangiti yung apat, Nakakatakot sila." Bulong ni Ethan, ewan ko kung bulong yun, abot kasi hanggang sa pwesto namin eh.
"Ewan ko, baka naman may good news lang sa kanila?" Sagot naman ni Ice, Tumango-tango na lang si Ethan sa sagot ni Ice. Yung iba naman nakatingin lang samin. Si Kevin poker face, si Mark nakataas yung kilay. Para talagang bading tong si sungit.
"Bakit kayo nakatingin?" Mukhang nairita nanaman 'tong si Cindy dahil sa pagtitig nila. Ayan tuloy nasungitan sila.
Pagkatapos silang masungitan hindi na sila umimik pa, maya-maya pumasok na yung subject teacher namin.
"Good afternoon Section A, so bago tayo magsimula sa klase, may magaannounce muna." Sabi ni Ma'am tsaka sya sumenyas dun sa tao dun sa pinto.
Pumasok naman yung impakta girls tsaka si Lindee at yung dalawa pang cheering squad na lalake. Alangan namang dalhin nila yung buong cheerleaders, siguro hinati-hati nila yung mga cheer leaders para mapabilis yung pag-aannounce.
May hawak silang papel at ballpen, buti pumayag yung impakta girls na mag-announce pa dito sa section namin eh alam naman nilang aapat lang kaming babae dito, ibig bang sabihin nun payag silang mag audition kami? Pumunta si Lindee sa harap naming lahat. Sa pagkakaalam ko kasi siya yung president ng cheering team ngayon eh.
"So hello guys! I'm Lindee rivera III-A, I am the president of our cheering team. We're here to announce some important announcement. Our team needs cheerers, at alam naman nating walo lang ang girls sa classroom na 'to at kasali na yung apat so apat na lang yug girls na hindi pa kasali. So pwede na bang makuha yung names nila?"
Teka kukunin agad yung names? Diba volunteer dapat yun? Tumingin siya samin kaya napatingin din yung iba, tumayo na kami at sinulat yung mga names namin doon sa paper na hawak niya. Di ko alam pero mukhang nagulat siya nung kinuha namin yung paper at sinulat yung pangalan namin. Akala niya siguro magrereklamo kami. Pagkatapos naming isulat yung mga pangalan namin ay umupo na ulit kami. Sunod namang nagsalita sa harap ay yung lalakeng member ng cheering team. Pero bago pa siya makapagsalita ay sumabat na agad si Mark, Bastos to eh no?
"Wag ka ng magsayang ng laway, Hindi kami interesado." Tumango na lang yung lalaki at saka bumalik sa tabi nung isa pang lalaki. "Okay so yun lang, Ma'am thank you po." Pagkatapos nun ay umalis na sila.
"Wow, sana makuha kayo girls!" Masiglang sabi ni Ma'am argentina, Ngumiti na lang ako kaya nagsimula na siyang maglesson.
Buong period wala na akong ginawa kung di tumunganga. Nakakaantok talagang magturo yung mga teachers namin. Ewan ko ba pero naboring ako ngayon sa subjects namin I mean sa pag-aaral parang nakakawalang gana na ewan! Ay!
"Bla bla bla bla, Class dismissed."
****
Naglalakad na kami ngayon palabas ng university, Ngayon ko lang narealize na ang dami pala talagang students ng school na 'to. Ang cool nga kasi pwede kang mag-aral dito simula elementary, high school up to college eh.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Teen FictionLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...