Twenty Eight: Booth

6.7K 260 23
                                    

Chapter 28

Catthy Vasquez

Ilang araw na din ang lumipas simula nung nangyari yung surprise birthday namin, simula nun kada papasok kami ng school lagi na lang kaming tinitingnan ng mga students dito. Gaya nito papasok na yung sasakyan namin sa University at halos lahat ng estudyante sa sasakyan namin nakafocus, ganyan sila araw-araw at nakakasawa na.

"Sinong mauunang bababa?" Tanong ko, abaa ayokong maunang bumaba no, nakakahiya kaya.

"Lindee, ikaw na." Sabi naman ni Lyka

"Ba't ako? Mauna na kayo may pahiya-hiya pa kayong nalalaman dyan eh," Sabi naman ni Lindee tsaka tumingin sa bintana, abaaaa ang sungit niya ngayon, meron ata to eh.

"LQ kayo ni Clifford ano? Kaya ganyan ka kasungit." Pang aasar ni Lyka. LQ ba sila? Naks gumaganun na tong si Lindee ah hahahahaha.

"Tigilan mo nga ako Lyka, ikaw na lang kaya ang maunang lumabas. -___-" Sabi ni lindee na namumula na hahaha.

"Malelate na tayo niyan baba na kasi kayo," Napatingin naman kami kay Cindy na nagsabi niyan, tsaka kami nagkatinginan nila Lovely at Lyka, mwehehehehehe

"Tigilan niyo yang tingin na yan, Wag ako ang pagtripan niyooooo-- aww."

"Oh Cindyy mag ingat ka kasi minsan, natumba ka tuloy, tayo na sa room."

Hahahahahaha nakakahiya talaga, inis namang tumayo si Cindy at naunang maglakad samin kaya ayun nagtawanan na kami.

***

Ang boriiiiing. Naalala ko nanaman yung mga letters sa bracelet namin, kinuha ko sa bag ko ang bracelet atsaka ito tinitigan. Ano ba kasi ang meaning ng mga letters na to? Ugh!

"Good morning class." napatayo naman ako ng mabilis ng bumati ang teacher namin. Tsaka kami bumati ng pabalik.

"So I'm here because I have an announcement to make. Don't worry for sure magiging masaya kayo sa ibabalita ko," Napaupo ako ng maayos tsaka nag abang sa sasabihin ni ma'am hehe.

"Intrams niyo na next week kaya gumawa na kayo ng booths at ng mga pampaaliw niyo para excempted kayo sa test after ng intrams

1 week ang intrams niyo, at you have 1 week to prepare din. So I hope na magiging maganda ang kalalabasan ng kung ano mang gagawin niyo. Good Luck."

At umalis na nga si Mrs. Argentina. Napatingin naman ako kay kylie nung nag 'pst' siya. Lumapit ako at ganun din ang iba. May naisip na kaya siya?

-

"Oh ano? Ayos ba sa inyo yun?" Tanung ni Avon matapos nilang sabihin samin kung anong naisip nila, maganda yung naisip nila pero parang may kulang eh.

"Maganda yung naisip niyo pero ba't di natin bigyan ng twist?" Suggestion ko.

"Anong twist ba ang naisip mo?" Napangiti ako sa tanong ni Mark. Omygeeee Nakakaexcite Hihi.

-Preparation-

Ang tagal naman nilang dumating aba 8 am kaya ang usapan at magninine na -___- Filipino nga talaga sila, Sunday na kasi at wala kaming ginawa buong week kung hindi pag handaan ang intrams namin na bukas ang simula. Last day ng pag aayos namin ngayon at sana matapos namin 'to, Kundi wala kaming maipapakitang booth bukas *pout*

"Aga niyong nagising ah" Napatingin ako sa babaeng nagsabi nun, na bumababa ngayon at lumalapit papunta samin. Sino pa ba? edi si Lindee.

"kaylangan kasi naming matapos yung booth namin para bukas eh." sabi ni Cindy na nakaupo ngayon sa sofa katabi si Lovely na kumakain ng chocolate. Laging may stock dito sa bahay ng chocolates simula nung dumating kami request daw ni inno. alam talaga ni inno kung anong gusto namin.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon