"Love is unexpected."
Catthy Vasquez
Nung naging okay na si Lyka ay pumasok na kami sa loob, nahilo kasi yata siya. Pagkapasok namin sa loob puro ilaw lang ang nakikita ko, ang dilim. Yung mga ilaw lang na gaya sa disco ang nagbibigay liwanag sa nilalakaran namin. Naks nagbibigay liwanag, agad kong hinanap kung nasaan sila. At ang mga mokong nasa isang table at may kasamang mga babae. Agad agad!
"Aba't! May mga babae na sila kaagad!?" Inis na sabi ni Avon.
"At mukhang enjoy na enjoy pa sila! Ugh!" Dagdag naman ni Cindy.
Bakit kaya inis na inis ang mga 'to? Pero sabagay naiinis din ako e. Porket gwapo sila kailangan manlalandi sila pag badtrip? Kainis!
"Akala nila sila lang ang may kayang magsaya? Nah," sabi ni Kylie atsaka tumingin sa amin, "Let's enjoy the night girls. Just don't mind them," nakangising sabi niya. Taray!
Naglakad kami papunta doon sa isang malaking mesa na katabi lang ng mesa nila Kevin, may katabi siyang isang babae at yung babae kung makadikit akala mo naman magnet. Sabagay, mukha naman kasi siyang magnet.
May kinausap si Krystal na isang lalaki na mukhang nagtatrabaho dito, ngumiti at tumango naman yung lalaki,
"Sino 'yon?" Tanong ko nung makaupo na si Krystal at umalis na yung lalaki.
"Bar tender 'yon, kinausap ko lang para bigyan tayo ng light drinks." Napatango tango na lang ako kahit wala naman akong naintindihan.
Maya maya may dinala na ngang mga inumin sa mesa namin, hindi ko alam kung anong klaseng inumin yon. Ang dami e, tapos iba iba yung kulay, juice yata, may payong pa yung iba.
"Ano 'to?"
"Cherry yan."
"Juice ba 'to?"
"Ba't may payong?"
"Hahahaha, basta masarap yan. Tikman niyo."
Tinikman ko yung kulay blue na inumin, inamoy ko muna siya. Hindi ko maintindihan kung ano 'yung amoy. Nung tinikman ko na masarap naman kaso parang ang init tapos nung nalunok ko na medyo mapait, ano ba 'to?
"Ugh! Ang paiiit!" Sabi ni Lovely, hindi ko nga maintindihan expression ng mukha niya.
"Hahahaha, ganyan talaga yan. Alcohol yan e."
"Alak 'to!?"
"Chill Cinds, low alcohol lang yan."
Tumahimik na lang kami, uminom pa ulit ako. Biglang sumarap e. Maya maya tumayo na sila Lindee, niyaya pa nga nila kami na magpunta sa gitna para sumayaw pero syempre tumanggi kami. Hindi kami sanay sa ganitong mga gimikan e. Napatingin naman ako sa paligid, ganito pala talaga sa mga bar. Ang daming malalaswang nagaganap, ang maganda kong mga mata! Nagkakasala! Huwaaaaa!
Napatingin ulit ako sa mga kasama ko at ang sama ng tingin nila sa mesa kung nasan nakaupo sila Kevin,
"Ang lalandi!" Inis na sabi ni Cindy sabay inom nung kulay pulang inumin,
"Sasapakin ko yang si Mark, kapag sa malalandi ang bait! Porket maganda ako e!" Natawa na lang kami sa sinabi ni Lovely na talagang may pataas taas pa ng kilay na nalalaman.
"Psh, what a flirt." Napatingin kami kay Lyka nung um-english siya pero inirapan niya lang kami. Halaaa. Tumataray na din 'to! Agad namang nag-init yung ulo ko nung pagkatingin ko kay Kevin e may kahalikan na siya. Yaaaaak!!!
"Ugh!" Agad kong tinungga yung inumin na hawak ko, huwaaa ang init sa lalamunan at tyan huhu.
"Tara nga don kila Lindee! Mag-enjoy din tayo! Woooh!" Sigaw ko at wala akong pakialam kung makita man nila kami, mukhang wala na ding pakialam yung mga kasama ko. Tumingin muna ulit ako sa table nila at nakita kong nakatingin na sila sa amin, tumingin naman ako kay Kevin, nakakunot yung noo niya at ang sama ng tingin niya sa akin, inirapan ko nga. Magsama sila nung babaeng kahalikan niya!
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Novela JuvenilLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...