Twenty One: Trouble

5.4K 245 2
                                    

Chapter 21

Catthy Vasquez

"Lindee?"

"....."

"Bayaan niyo muna, ayaw ata tayong kausapin eh." sabi ni Lyka kaya hinayaan na muna namin siya. Dalawang araw niya na kaming hindi pinapansin simula nung hindi kami pumayag na sumali doon sa cheer leading squad.

"Ilang araw na tayong hindi nag-uutos sa mga gangsters na yun ah." Biglang sabi ni Lovely, oo nga lagi kasing tahimik kapag magkakasama kami eh, pano ba naman hanggang ngayon hindi pa din pinapansin nitong si Cindy yung si Ethan. Nasaktan daw siya eh, sabagay masakit nga naman yung sinabi ni Ethan nung nasa canteen kami.

"Oo nga, bayaan niyo sasabihin ko na lang kay Kevin na mag-uutos na tayo sa friday to sunday." Sabi ko, papalamigin muna namin tong ulo ni cindy. Sumang-ayon naman sila kaya pinagpatuloy na namin yung pagkain namin. Nandito kami ngayon sa cafeteria pero hindi namin kasama yung TBD kasi nga umiiwas 'tong si Cindy. Break time kasi namin at ito yung first time na magrerecess kami na kaming apat lang ang magkakasama at gravity ah? Nakatitig kasi samin yung ibang estudyante kaya hindi kami makakain ng maayos.

"Tanggalin ko kaya mata ng mga to?" Inis na sabi ni Cindy, kahit kelan talaga 'to.

"Manahimik ka nga dyan, bayaan mo na sila ngayon lang ata nakakita ng magaganda eh." At dahil sa sinabi ni Lyka ayun nagtawanan with matching apir-an pa.

"Ew, kumakain sila pero grabe tumawa, parang wala ng bukas."

"Ugh. Andito na po yung mga kontrabida." Bulong ni Lovely

"Anong sabi mo?" Mataray na sabi ni Krystal, jusko bubulong na lang kasi 'tong si Lovely yung dinig pa. .___.

"Wala, anong kailangan niyo?" Sabi ulit ni Lovely na patuloy pa din sa pagkain niya ng palabok  na inorder niya, buti nalang at nagbebenta sila ng palabok dito yun lang alam kong pagkain na binebenta nila eh, wala man lang street foods.

"Wala kaming kailangan sa inyo, wala lang kasi kaming mapagtripan." Tss, ano bang problema ng Kylie na 'to sakin? Sarap niyang ibaon sa lupa! Kahit naman mapagpasensya ako eh marunong pa din akong mapuno at sumabog.

"Istorbo kayo, kumakain kami." Walang ganang sabi ko, nakakainis naman kasi 'tong mga 'to eh, hindi ba nila alam na bastos yang ginagawa nila?

"Nakikita namin. Hindi kami bulag." Wala naman akong sinabing bulag sila ah?

"Sinasabi ko lang baka kasi hindi niyo alam." Sabi ko atsaka susubo na sana ulit kaso tinabig ng impaktitang 'to yung kutsara ko. Sayang yung palabok! Waaaaaaaaaaaah.

Tumayo ako atsaka pinulot yung kutsarang natapon, "Ano bang problema nyo ha!? Hindi naman namin kayo ginugulo ah! KSP kayo masyado!" Inis na sigaw ni Cindy, hayy wala na ata kaming magagawa kundi labanan 'tong mga 'to sumosobra na sila eh.

"Wow, tumatapang ka ah?" Sabi nung Avon.

"Ano bang paki mo?"

*SLAP*

Napasinghap lahat ng tao sa cafeteria ng sinampal ni Avon si Cindy, Lumapit naman kami ni Lyka atsaka tinulungan si Cindy grabe namula yung mukha niya.

"Ikaw bakit ka ba nananampal ha!?" Whoaw ngayon ko lang nakitang ganyan magalit si Lovely, never pa kasi yang nagalit eh. Pagkatingin ko sa paligid madami na pa lang nanonood samin nako gulo 'to.

"Lovely, bayaan mo na." Sabi ko habang inaawat siya

"Bayaan? Hindi! Sila naman yun nag-umpisa eh!"

"Sinampal ko siya kasi bagay lang yun sa kanya," At dahil dun hindi ko na nga pinigilan si Lovely nagcheer pa ako! Sumosobra siya eh!

"Hala! Sige Lovely kalbuhin na yang babaitang yan!" sigaw ko with matching suntok suntok pa sa hangin.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon