"Love is when they hurt you, but you still love them with every pieces of your broken heart."
Lyka's POV
Umalis kami kaagad sa perya, nagkaroon ng iskandalo doon, walang dapat sisihin. Tahimik lang kaming naglalakad. Walang gustong umimik. Kahit si Ice ay tahimik lang din, naalala ko yung mga itsura nila kanina. Galit na galit sila at parang kahit anong oras ay makakapatay na sila.
Sinulyapan niya ako, hindi ko binawi ang tingin kong nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga siya at mas lumapit sa tabi ko.
"I'm sorry..." tinanguan ko siya at ngumiti. Lahat kami ay may kasalanan sa nangyari, pero walang dapat sisihin, nagyaya kami sa horror house, inasar nila kami at naunang magpunta sa labas, hindi kami kaagad sumunod.
Kanina... noong sinusuntok ni Ice ang lalaking humawak sa akin, kitang kita ko ang pamumula at galit na nagmumula sa kanya, kahit madilim ay nakita ko yon. Natakot ako, hindi sa kanya, kundi dahil baka ay mapatay niya yung lalaki. Ayokong makulong siya! I can't imagine that!
Mabuti na lang talaga at may mga taong pumasok doon para punagitna sa gulo, mabuti na lang din at alerto ang mga kasama naming body guards at tumulong sila sa pag-awat.
"Ayos ka na ba?" Tanong niya.
"Oo. Ikaw?" Hinawakan ko yung kulay ubeng bilog malapit sa labi niya, "May pasa ka..." agad niyang iniiwas iyon,
"Ayos lang 'to. Malayo sa bituka."
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya 'yon pinansin. Minsan talaga, ang tigas ng ulo nitong si Ice.
Mayroon naman kaming first aid kit sa bahay, pupunuin ko ng betadine ang mukha nitong mokong na 'to. Mas maganda pa nga yata kung alocohol tapos didiinan ko ang ice pack! Nakakainis kasi. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis.
"Ano? Totoo ba ang mga 'to!? Linda, ano!"
Natigil ako sa paglalakad patungong bahay ng marinig ko ang malakas na sigaw ni inno, malapit na kami at kita ko din ang mga kapitbahay na kung makasilip sa loob akala mo ay may makikita sila. Nakapalibot ang mga malalaking lalaki sa bahay kaya mahihirapan silang makichismis pero dinig na dinig ang mga sigaw ni inno.
Nanlaki ang mga mata ko at agad ng takbo nung nakarinig ako ng basag.
"Madame! I'm s-sorry!"
Hindi ko alam kung katulad ba ng reaksyon ko ang naging reakayon ng mga kaibigan ko!
Agad na tumabi ang mga taong nakikiusyosyo sa bahay namin nung nakita kami. Sinigawan sila ni Cindy at wala na akong paki doon.
Pagpasok ko ay nakita ko ang namumulang mukha ni Inno na galit na nakatitig kay nay Linda na umiiyak. Agad ko silang dinaluhan at nakita ang basag na vase sa gilid ni inno.
"Inno!"
"Nay Linda!"
"Nay!"
3rd Person's POV
Agad na dinaluhan ni Lindee ang kanyang ina na nanginginig na ngayon, takot, sakit, at pangamba ang nararamdaman ng matanda. Samantalang galit at kawalan ng tiwala naman ang nararamdaman ni madame V.
Hindi alam ng lahat kung ano ang nangyayari at hindi din sila makapag-isip kung ano ang dapat na ireact.
Agad na dinaluhan ni Lovely si Nay Linda na siyang naging dahilan ng pagsigaw ni Madame V.
"Huwag mong hahawakan ang traydor na 'yan!" Napaatras sa gulat si Lovely, ganon din ang naging reaksyon ng iba at humagulhol na lamang ang mag-ina. Niyakap ni Clifford at kanyang nobya at ganoon din si Nay Linda.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Teen FictionLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...