Ten: Rival

7.8K 288 7
                                    

Here's the next chapter :) I dedicate this one to you :) Thanks for supporting this story :)

📝📝📝📝📝📝

"Love is knowing all about someone and still wanting to be with him/her more than any other person."

Chapter 10

Lovely Dianne Lacosta

Naglalakad kami ngayon pabalik sa room. Grabe nabusog ako doon sa kinain namin. Halos kami nga lang ata kumain ng pagkain nila Mark dun eh. Aba kasalanan ba naming gutom kami? Hehehehe. Tsaka si Kevin na nga nagsabi na saluhan namin sila at hindi din naman umangal yung tatlo. Wala naman sa bokabularyo namin ang salitang hiya kaya nilantakan na namin yung pagkain nila. Hohoho.

Bukod sa pagkain ng pagkain at pakikipagbangayan sa mga lalaking yun wala na kaming ibang ginawa, hindi naman kami naboring kasi ang sarap nilang asarin mwehehehehe. Namumula kapag naiinis.

At syempre habang papasok kami hindi mawawala yung bulungan nila huhuhu~ Ang sasama pa nila makatingin samin. Nang makapasok kami sa room nagulat naman yung mga kaklase namin at mukhang nagtataka bakit kasabay namin 'tong apat. Tiningnan lang sila ni Kevin kaya bumalik na sila sa mga ginagawa nila at iniwas ang tingin samin.

"Bakit kasama niyo sila?" iritang tanong ni Kylie. Oh diba kilala ko na sila hehe. Tas yung tatlo nya pang kasama ay sina Krystal, Avon at Yuri. Magaganda din naman sila eh. Matataray nga lang. huhuhu~ Parating nakataas ang kilay.

"Ano bang pakialam mo?" Walang emosyong sagot ni Kevin. Ang sungit talaga nun.

Bumalik na lang si Kylie sa mga kasama nya at nakipagkwentuhan doon, pero samin sila nakatingin. Ano bang problema nila?

"Bakit ba ang sama-sama ng tingin ng mga yan?" Tanong ni Catthy

"Aba malay, close kami?" Mapang-asar na sagot ni Cindy kaya nakatikim siya ng sapok kay Catthy Wahahahaha!

"Bayaan niyo na lang sila." Sabi ni Lyka, ang kalmado talaga nitong si Lyka. Pero maingay at kalog din yan, lalo na kapag may sapak sa utak huhuhu~

Nagkwentuhan na lang kami habang inaantay na pasukan ng teacher ang kwarto namin, minsan nahuhuli kong nakatingin sa amin yung ibang boys tapos biglang matatakot? Bakit? Nakakatakot ba kami?

***

"Class Dissmissed." woooh! Nagsitayuan naman agad yung mga kaklase ko pero hindi agad lumabas anyare? Maya-maya tumayo na din kami mukhang wala pa atang balak lumabas ang mga tao dito eh. Yung apat na babae naman nakatingin lang samin. Okay? Ano bang problema nila? Bahala nga sila. Nakakatakot kaya mga tingin nila, tinatakot ba nila kami? Kung oo epektib kaya T-T

"Tara na." Pagkasabing pagkasabi ni Catthy nun ay dire-diretso na kaming lumabas. Bago kami tuluyang makalayo sa room ay lumingon ulit ako doon at paglingon ko sabay-sabay na lumabas sila Mark at sunod-sunod namang naglabasan ang iba pang lalake kasabay nung apat na babae. Ang konti talaga namin.

-

"Asan na ba si Lindee?"

"Ang tagal niya naman."

"Baka may klase pa."

Nandito kami ngayon sa Waiting Area at hinihintay si Lindee. Ang tagal nga niya eh. Paglabas ng room kanina dito na kami dumiretso. Dito kasi ang sinabi ni Lindee na antayan namin.

"Nagugutom ako." Nakangusong  sabi ko. Pano ba naman tumutunog na talaga tiyan ko.

"Tara punta muna tayong cafeteria." Sagot naman ni Catthy. Kaso parang ayaw ko ng mga pagkain sa cafeteria eh. Puro pangmayaman. Binigyan naman kami ni nay Linda ng kanya-kanyang pera. Pati yung credit cards. Kaso hindi pa itinuturo ni nay Linda at Lindee samin kung paano gamitin yun. At saka namimiss ko na yung mga pagkaing labas.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon