Chapter Nine
Lyka Padilla
Hindi na 'ko nakatulog matapos ko mapanaginipan yun. Hindi ko alam kung panaginip lang ba talaga yun o nakaraan namin yun. Pero kung nakaraan namin yun bakit hindi namin maalala? Bakit sa panaginip ko lang siya maalala? Ugh! Tama na nga ang pag-iisip! Nababaliw lang ako.
Nakatitig lang ako sa kisame ng kwartong 'to... na kwarto ko na. Ganito din ang gawain namin doon sa bahay ni Inno nung nandoon kami eh. Tningnan ko yung orasan na nakasabit sa dingding at mag-aalisingko na pala kaya tumayo na 'ko at pumasok na sa banyo.
Catthy Vasquez
*Kriiiiiing*
Waaaah nakakaasar 'tong orasan huhu tumutunog ng tumutunog ToT Sarap ihagis kaso sayang naman. Nasira na nga ni Cindy yung alarm clock namin sa probinsiya eh. Nabigla daw kasi siya kaya nabalibag niya. Astig nga eh. Nagkahiwa-hiwalay yung parte ng orasan.
Bumangon na ako sa kama tsaka dumiretso sa banyo. Kailangan sa unang klase pa lang hindi na kami malate, hindi dapat kami magpasawaaay.
Lunes! Pinaka-ayaw na araw ng mga estudyante. Bakit? Kasi papasok nanaman sila ng klase at makikinig sa mga ituturo ng boring na teachers nila. Yep lunes na ngayon. Wala naman kasi kaming gaanong ginawa noong linggo maliban sa pagsisimba at pagkukulitan at panonood ng TV. Madami-dami din kaming nalalaman kay Lindee ang daldal nya eh.
Sinabi na din ni nay Linda yung mga dapat naming gawin sa school. Dapat daw umakto kami ayon sa kilos ng mga kaklase namin, wag daw kaming pahalata na lumaki kaming uh? Hindi mayaman. Mapang mata daw kasi ang mga tao sa lilipatan naming school, baka daw mapagtripan kami kapag nalaman nilang probinsiyana kami.
Nalaman din naming puro magaganda, gwapo, matalino at mayayaman ang nag-aaral sa KRAMSIE university, at may isang grupo ng mga kalalakihan silang kinatatakutan at yun daw ang the black death. Noong una akala namin babae ang mga yun ang weird kasi nung name ng grupo nila eh. Pambabae tapos parang pambata pa. Gangsters daw ang mga iyon at binubuo daw sila ng labindalawang kalalakihan. At pinamumunuan sila ng apat na lalaki. Para ngang narinig ko na yung the black death eh, kaso di ko na matandaan kung saan. Paalala pa ni Lindee wag na wag daw kaming lalapit sa grupo nila o sa kahit anong pagmamay-ari nila.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Pagkalabas ko ng banyo nakaready na sa kama ko yung uniform na gagamitin ko, bumalik na nga pala yung mga kasama namin sa bahay. Ewan anong nakain at bumalik bigla, hehe. Yung itsura ng uniform namin ay... mahirap iexplain basta isang puting damit na may halong kulay pula ang gilid at may ribbon sa bandang leeg ay bandang leeg nga ba? Basta may ribbon siya. Tapos isang super ikling palda na may disenyong stripe na kulay pula tapos tinernohan ng mahabang medyas. So yun ang uniform namin.
Matapos kong mag bihis dumiretso na 'ko sa baba at naabutan silang nag-aalmusal. Ang babastos nila e no? Hindi man lang ako hinintay.
"Oh, gising ka na pala?" Biglang sabi ni Cindy ng mapansin niya ako.
"Ay hindeee! Imagination mo lang yan! Nakikita mo na ngang gising na itatanong mo pa." Nakooo ayan na po silaaa >____<
"Aba! Aba! wag mo nga akong agawan ng korona sa pagiging pambara queen!"
"Sino bang nagsabing inaagawan kita?"
"Kahit walang magsabi halata naman -___- utak please."
"Bakit ka nanghihingi ng utak? Nawawala ba yung iyo?"
Sinamaan na lang ng tingin ni Cindy si Lovely at nagpeace sign naman tong si Lovely. Ang sakit nila sa ulo ano? Silang dalawa lang talaga ang nagpapaingay samin. Pano kaya kapag wala tong dalawa siguradong mababaog na kami sa sobrang boring.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Teen FictionLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...