Thirty seven: Act

4.4K 188 4
                                    

Catthy's POV

May tensyong nagaganap sa pagitan nila Sander at sa 4A, teka.. ano bang nangyayari? Magkakakilala ba sila?

"Hey! Sorry late a...ko," agad na sumama ang timpla ng mukha ni Ethan pagkakita niya kila Sander, ugh! Ano ba talagang nangyayari?

"Uh... tara sa resto. Kumain na muna tayo," pambabasag ni Krystal sa katahimikan, agad naman akong um-agree,

"Oo ngaaa. Paniguradong gutom na 'tong apat!" Nakangiting sabi ko atsaka lumapit kay Sander at inakbayan siya para hilain. Mukha kasing hindi sila papatinag sa titigan nila e. Pagkatingin ko sa likod nakasunod na din sila sa amin, hayy buti na lang.

"Namiss kita Catthy," biglang sabi ni Sander kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"May i-eexplain pa kayo mamaya, kaya huwag kang ngumiti dyan ha." Sabi ko ng pabiro. Ganito naman kami parati. Natigil yung kwentuhan at asaran namin nung biglang dumaan sa gitna namin si Kevin na bumubulong bulong, problema non?

Nagkatinginan kami ni Sander, nagkibit balikat na lang siya kaya hindi ko na lang din pinansin, pagkapasok namin sa isang resto agad na nakaupo si Kevin doon sa malaking mesa. Lumapit naman kami doon, nagsiupuan na din yung iba at kami na lang ni Sander ang nakatayo. Tumabi na ako kay Kevin dahil yun na lang naman ang bakanteng upuan habang umupo naman si Sander sa upuan sa tabi ko. Pahaba itong mesa at sobrang haba talaga. Tig sampung tao kada side.

Hinayaan na naming sila ang um-order, wala din naman kaming alam sa mga pagkain dito. May tiwala din naman kami sa panlasa nila Kylie.

"So, what are you doing here?" Pag-uumpisa ng usapan ni Yuri. Kanina pa nila tinatanong sila Sander ng ganon. Magkakakilala ba sila? Pero paano at saan?

"We're here to study." Sagot ni Kris, teka study?

"Dito na kayo mag-aaral?" Agad na tanong ni Cindy,

"Yep, at gusto sana namin na doon sa school niyo." Nakangiting sabi naman ni Lander. Pero paano yon? Ngayon pa lang sila mag-eenroll kung kelan malapit ng magdecember?

"Late na late na ah, pwede ba yon?" Tanong naman ni Lyka.

"Oo naman,"

"Bakit? Hindi ba umalis na kayo?" Sabi ni Avon, natahimik naman sila. Teka, ano bang meron sa kanila dati?

"Wait, paano ba kayo nagkakilala at saan?" Nagkatinginan naman sila matapos kong magtanong, aba, dapat iexplain naman nila sa amin para hindi kami nagmumukhang tanga dito.

"Okay, ako na ang mag-eexplain," sabi ni Krystal at saka nagsimulang magsalita. "Sina Sander, Lander, Lindon, at Kris ay mga kaibigan namin...dati. Masaya ang section namin noon, buo kami at hindi mapaghiwalay. Walo ang babae at labindalawa ang lalaki. Lagi kaming napapagalitan noon dahil kung ano anong kalokohan ang mga ginagawa namin, pero wala lang naman yon sa amin. Kumbaga katuwaan lang. Everything was perfect, but then. One tragedy had happened. Hanggang sa nahiwalay na ang iba sa amin at iniwan kami ng apat na yan." Tahimik lang kaming nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya, anong trahedya naman kaya yon? Walo pala silang babae noon? Nasaan na kaya yung apat ngayon? Pati bakit sila iniwan nila Sander?

"Bakit pa kasi kayo bumalik? Tahimik na kami eh!" sigaw ni Yuri kaya napatingin sa mesa namin ang iilang tao dito sa loob ng resto. Umiiyak na sila. Halaa.

"I'm sorry, hindi namin gustong gawin 'yon, pero may dahilan kami."

"Dahilan? Dahilan na inilihim niyo sa amin?" Matigas na sabi ni Ethan, galit na galit siya. Ramdam ko.

"Oo, dahilan na hindi namin sinasabi sa inyo. I know naging makasarili kami. But we just want to protect them!"

"Protect them huh? You want to protect them? Or you just want to be with them, without us?"

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon