Nineteen: Win? Lose?

6.4K 266 2
                                    

Chapter19

"WOW! Ang haba ng sinabi mo Lyka!" Nakakabinging sigaw ni Lovely. Grabe makasigaw. Pero sabagay nakakaloka naman kasi yung mga sinabi ni Lyka eh. Ngayon lang yan nagsabi ng mga ganung salita.

Pagkatapos naming magsalita ng kung ano-ano ay bumaba na kami. Pagkababa naman namin naabutan namin doon si nay Linda na kumakain ng cake. Kung nagtataka pala kayo kung anong oras pa lang, mag lulunch time na po. At doon na daw kami kila Ice kakain para daw masaya sabi nila.

"Oh, aalis na kayo? Hindi pa kayo naglulunch ah." Sabi ni Nay Linda na nakatingin saming apat ngayon.

"Ay doon na daw po kami maglulunch sa kaklase namin nay Linda." Sabi naman ni Cindy

"Ah ganoon ba, Osige ingat kayo ah?"

"Okay po, asan po pala si Lindee? Sasama daw po siya samin eh." Sabi ko, "Ah may pinuntahan eh, may sumundo nga sa kanya. Yung babaeng yun talaga. Lalaki pa nga yung sumundo." sabi naman ni nay Linda sabay kain ulit nung cheese cake. Tumango na lang kami atsaka nagpuntang garahe. Sino kaya yung sumundo sa kanya? Baka si Clifford yun.

Nagpahatid na kami kay kuya driver sa bahay nila Ice, buti na lang at alam niya kung saan yun. Kasi kami hindi. Ang haba din pala ng byahe, twenty minutes din pano ba naman malapit lang pala sa school yung subdivision kung nasan ang bahay nila, pagkalabas ko ng sasakyan, napanganga ako sa bahay nila! Ang ganda, parang yung mansyon lang. May mga maids na sumalubong samin at siguro sampo silang lahat. Nakangiti lang sila samin hindi ba sila nangangalay kakangiti? Ngumiti na lang din ako kasi baka pag hindi ako ngumiti isipin nilang maldita ako.

Lyka Padilla

Ang laki pala ng bahay ng malanding lalaking yun. Rich kid. Pero nakakawindang pa din yung mga sinabi ko kila Cindy kanina, Seriously? Nasabi kong nilalandi ako ni Ice? Nakakahiya kapag may ibang nakarinig nun. Buti na lang pala at kaming apat lang nakarinig nung mga kahihiyang sinabi ko. Binati kami nung mga maids na kanina pa nakangiti samin. At Sinamahan kami sa court nila.

Naabutan namin silang nagkukwentuhan, habang nagtatawanan. Ano kayang pinag-uusapan ng mga 'to? Lahat sila nandito na. Pati si Lindee, sabi na eh, si Clifford sumundo sa kanya. Nung napansin naman nilang papalapit na kami tumigil na sila sa pagkukwentuhan at tsaka tumayo. Bastos mga to ah.

"Kayo na lang hinihintay eh, tara kain na." Ah kaya pala kala ko naman ano na eh.

May isang malaking carpet ang nakalatag doon sa grass nila malapit sa court, nandoon lahat ng pagkain at sa sobrang laki nung carpet nagkasya kaming lahat ang luwang pa nga eh, ang dami din pagkain para kaming nagpipicnic. Masaya lang kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Matatakaw din pala ang mga 'to hindi lang halata. Madami din kaming napagusapan habang kumakain, nag-asaran din kami. Parang nagbonding yung section namin, kulang na lang yung apat na babaeng galit ata samin. Kailan kaya sila babait?

Pagkatapos naming kumain nagpahinga na kami saglit kasi maya-maya ay magsisimula na yung laro namin. I know, we can do this.

***

"Oh, pano? Tuloy pa ba ang laban?" Mapang-asar na sabi ni Mark na kaharap ngayon ni Lovely sabay smirk, yabang.

"Why not? Takot na ba kayong matalo?" Nagulat na lang kami ng biglang tumawa yung apat na ugok -_- Yung totoo? Nababaliw na ba sila?

"Umpisahan na nga natin yung laban! Baka mabaliw pa kayo sa kakatawa diyan!" Sigaw ni Cindy at tsaka na kami nagsimula.

***

Last quarter na namin to at lamang sila ng tatlo samin, oo tatlo lang. Kapag kasi napunta sa amin yung bola hirap silang umagaw, try lang nilang sikuhin kami tingnan ko lang kung wala silang makukuhang pasa. 1st quarter lamang sila samin, nung 2nd quarter naman lamang ulit sila ng isa, pero nakabawi kami sa third quarter ewan bigla na lang silang nadistract nung nahawakan nila kami.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon