Thirty six: Pissed

4.7K 198 7
                                    

Cindy's POV

Pagkaalis nila Lyka ay inayos na namin ang room, medyo magulo at makalat kasi. Nasa baba ang ilang unan at kumot, may mga balat din ng pagkain. Naghati hati kami sa gawain.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok nanaman, napataas ang kilay ko. Duh, ano bang meron sa pinto ng room namin at parating kinakatok? Kaasar ha. Lumapit naman doon si Catthy kaya ipinagpatuloy ko na lang yong pag-aayos ko. Mula sa pinto dinig ko na ang ingay at tawanan ng mga lalaki, oo nga pala. Nagyaya silang maglibot.

"Wooooa, anong pinakain niyo kay Cindy at nagsisipag yan?" Natatawang sabi ni Ethan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka na don," asar kong sabi kaya napasimangot siya.

"Okay, okay. Just askin'," sabi niya at ngumisi. Ngisi ngisi ka dyan, batuhin kita ng unan e.

Pinagpatuloy ko yung pag-aayos ko, ganon din naman ang iba. Samantalang umupo naman sa couch, sahig at dumiretso sa may kusina ang ilan. Mahigit 30 minutes din ang inabot bago kami matapos sa paglilinis at pag-aayos.

"Tara na!" Sigaw ni Kai, kanina pa sila excited na lumabas, madami daw kasing mabibili sa labas, at madami din daw babae at lalaki don. Nung una nagloading pa sa akin yung about sa lalaki at babae hanggang sa nag-sink in siya sa akin at napairap na lang ako.

Pagkalabas namin agad silang nagyaya doon sa bilihan ng mga pasalubong. Bibilhan daw nila yung mga prof namin at yung iilang kaibigan nila sa ibang section, wala naman akong kakilala sa ibang section maliban kay Lindee, at doon sa mga kasamahan namin sa chhering squad. Atsaka bumili na kami ng iilang souvenirs kahapon pati pasalubong, nabilhan na din namin si Nay Linda at ang iilan pang kasama namin sa bahay. Ewan ko ba dito kila Krystal at parang pupunuin yung sasakyan namin ng mga gamit at pagkain. Pag yon napuno sa bubong talaga sila uupo.

Matapos nilang mabilhan halos lahat ng tindahan dito ay nagpasya silang maglaro. Ano nanaman kayang kalokohan ang naiisip ng mga 'to?

"We'll play hide and seek!" Excited na sabi ni Yuri na nagpanganga sakin. Taguan? Wow ha. Ang exciting naman nung naisip nila, sa sobrang exciting hindi ko alam kung babatuhin ko ba ang mga to o ano. Sige nga, kahit bigyan pa nila ako ng isang araw para hanapin sila sa buong resort na 'to ay hindi ko sila makikita. Hindi ko alam kung nakahithit ba ang mga 'to o ano.

"Ano ka ba Yuri? Sa tingin mo makakapaglaro tayo ng hide and seek dito? Malaki ang resort kaya baka maburo yung taya," nakasimangot na sabi ni ibon. Tama, buti pa ang isang 'to, nag-iisip naman pala kahit papano.

"Atsaka hindi pa pamilyar sa amin ang bawat lugar dito," dagdag ni Catthy kaya tumango tango ako,

"Okay okay, so what do you want to do?" Pagsuko niya, ano nga ba? Mas gusto ko namang maupo lang sa tabing dagat kesa lumakad ng lumakad.

"Ako uupo lang muna don," sabi ko sabay turo sa pwestong medyo malilim.

"Boring kaya don,"

"E gusto ko don e. Paki mo ba?"

"Here they go again." Napailing yung mga kasama namin sa patuloy na bangayan namin ni Ethan, ewan ko ba sa damuhong 'to at mas dumadalas ang pang-aasar sa akin. Nakakainis na ha!

Ako lang naman ang madalas niyang inisin saming magkakaibigan, hindi ko alam kung natutuwa ba talaga siyang nakikitang galit ako o may gusto na siya sakin. Okay, ang kapal ko. Pero duh! Maganda kaya ako, hindi lang talaga kami magkasundo kaya imposible ngang magkagusto yon sakin. So, hula ko gustong gusto niya lang talagang bwisitin ako.

Lumakad na ako papunta don sa pwestong tinuro ko kanina, habang busy naman sila sa pagk-kwentuhan. Hindi ko lang trip na makisali sa kwentuhan nila ngayon, ngayon lang kasi kami nagpunta sa beach. Nags-swimming naman kami pero sa maliliit na resort lang. Kaya gusto konamang damdamin yung dagat. Wow Cindy, damdamin talaga? Napailing at natawa ako sa pambabara ko sa sarili ko atsaka pinaglaruan ang buhanging kinauupuan ko,

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon