Special Chapter: Reunion

2.6K 81 1
                                    

Issa's POV

Kasama ko sina Selene at Athena ngayon, kakatapos lang ng klase namin at nandito kami sa mall para bumili ng mga gifts para sa pasko. Last day na din ng klase namin ngayon kaya malaya na kaming gumala dahil tapos na ang exams. Buti na nga lang at hindi na sumama sa amin sina kuya e,

"Issa, what will you buy for the boys?" Inis na tanong ni Selene sa akin. Nandito kami sa men's section at naghahanap ng maipang reregalo kina kuya at sa mga magulang namin. Kahit na nasa senior high pa lang kami ay may mga ipon naman kami para pambili ng gifts tuwing may special occasions.

"I will buy them a shirt. Pare pareho na lang para hindi ako mamroblema kakahanap ng designs," tumango tango naman siya, mukhang nahihirapan siyang mag-hanap ng igigift sa mga kapatid at pinsan namin.

"I suggest you to buy them socks, alam mo naman na sporty ang mga yon diba.."

"Oo nga! That's a good idea! Thank you cous!"

"Syempre may bayad yan! Libre mo ako ha?" Inirapan niya naman ako ng pabiro atsaka kami nagtawanan.

"Huy Athena, may sarili ka nanamang mundo diyan!"

"Tinatapos ko lang 'tong binabasa ko.."

Napairap na lang ako sa sagot niya, ang hilig talagang magbasa nito. Yung kwarto niya nga ay tinalo na yata ang library sa bahay dahil mas madami pa siyang libro kesa sa amin.

Magkasundong magkasundo kaming tatlo sa lahat ng bagay, maliban na lang sa kaartehan, ako lang naman kasi ang mahilig mag-ayos sa amin. Selene and Athena were not really fan of make ups, but they have a good taste in fashion of course! Allergic lang sila sa mga kolorete sa mukha.

Pero kahit gaano pa kami kaclose na tatlo, kapag nakahawak na ng libro si Athena, nakahawak na ng ipad si Selene, at may mga pagkain na sa harapan ko, asahan niyong walang makakagulo sa amin.

Matapos naming mabili lahat ng dapat naming bilhin ay nagpunta muna kami sa savory, gutom na talaga ako at kailangan ko ng kumain.

"Malapit na tayong magcollege, anong balak niyong kunin na kurso?" Tanong ni Athena, ano nga bang kukunin ko? Hindi ko din alam kung anong kurso ba ang gusto ko e..

"Hindi pa ako makapagdecide, kayo ba?"

"Me too. Ineenjoy ko pa ang pagiging senior high ko, sabi kasi ni kuya cydrey ay mahirap daw ang maging college student."

Napatango tango naman ako don, nakita ko nga si kuya Cydrey noong last christmas, nakabakasyon sila sa amin pero dala niya ang mga gamit niya pang school at gumagawa ng projects habang kami ay kumakain at kung ano ano lang ang ginagawa,

Tiningnan ko naman si Athena, "Ikaw ba Athena? May naisip ka ng course na tingin mo ay gusto mong pag-aralan?"

Saglit siyang nag-isip atsaka tumango habang nakangiti.

"I want to study in the field of medicine.." agad na nanlaki ang mga mata ko, ang hirap ng kursong yon!

"Gusto mong magdoctor?" Agad na tanong ni Selene,

"Yes... bata pa lang tayo ay alam niyo na na hilig ko ang manggamot hindi ba?"

Sabagay, alam ko namang kaya niyang tapusin yon. Sa aming magpipinsan siya ang pinakamatalino sa amin e.

"Oo, pero pwede namang mag albularyo ka na lang.." agad akong sinamaan ng tingin ni Athena kaya nagpeace sign ako, ang pikon!

Matapos naming kumain ay naglibot pa kami sa mall, nagpunta din kaming bookstore dahil naghanap ng librong bibilhin si Athena,

"Ugh! Nakakainis talaga! Naubusan pa ako ng stock nung librong gusto ko!" Kanina pa siya nagmamaktol dahil hindi niya nabili yung mga librong gusto niya, out of stock na kasi at ang pinakakinaiinisan niya ay yung dalawang pinakagusto niya ay kakasold out lang.

Muntik ko na ngang hindi mapigilan yung ngisi ko kanina dahil kami lang naman ni Selene yung nakabili non, syempre yun na yung gift namin sa kanya this christmas.

Una namin siyang hinatid sa kabilang subdivision, ewan ko ba kina tita at doon pa sa kabilang subdi bumili ng bahay...

"Bye po tita! Pakikumusta na lang po kami kay tito!"

"O sure bebe girls! Thank you sa paghatid kay Athena, ingat kayo ha?"

Tumango naman kami atsaka sumakay na sa sasakyan,

"I can't forget Athena's reaction lately! She really looked like a kid that wants a lollipop!" Nagtawanan kami nung inalala namin ang pagmamaktol ni Athena. Ang sarap talagang pagtripan non, pero nakakatakot din iyon magalit kaya dapat ay hindi siya pinupuno. Nang maihatid na namin si Selene sa kanilang bahay ay natahimik na ang loob ng sasakyan at doon ko na din naramdaman ang matinding pagod at antok.

-

Kinabukasan ay abala na ang lahat sa bahay namin, dito kasi gaganapin ang pasko naming mag-anak with our other relatives and their friends. December 23 pa lang pero madami na silang ginagawa, what more pa kaya bukas, i'm sure magsisimula na ding magsidatingan ang mga kababata namin.

Every christmas ay nagkakaroon ng reunion ang barkada at pamilya nina mommy, and every reunion din ay sa iba't-ibang bahay kami nagpapasko, umiikot iyon kina mommy, tita Lovely, tita Cindy, tita Lyka, and tita Lindee. Last christmas ay kina tita Lindee kami nagcelebrate ng christmas, hindi kami nakakapagcelebrate kina tito Sander dahil lagi silang nasa ibang bansa tuwing pasko, ngayon nga lang yata makukumpleto ulit ang barkada nina mommy after how many years. Ang huli ko kasing natatandaan na nabuo sila ay nung 7th birthday ni kuya Riley.

Maghapon ay sa bahay lang ako, nagpapahinga at kumakain, i need a rest right now dahil bukas ay hindi na ako makakapagpahinga dahil alam kong maistress nanaman ako sa mga pinsan at kapatid ko.

-

"Good morning, Melissa!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa lamig na naramdaman ko sa mukha ko, agad ko itong kinapa atsaka nahawakan ang ice cube dito. Ugh!

Sinamaan ko ng tingin si kuya Riley kasama si Kuya Angelo na tumatawa ngayon. Pakiramdam ko ay mababaliw talaga ako sa mga kapatid ko!

"Pagkabilang ko ng tatlo kailangan ay nakalabas na kayo ng kwarto ko, isa... dalawa..."

Hindi sila kumilos at panay pa din ang tawa nila kaya dali dali kong dinampot ang pellet gun sa ilalim ng kama ko atsaka iyon kinasa, agad namang tumakbo palabas si kuya Angelo while kuya Riley stayed.

"Oo na! Napaka hot headed naman nito! Pinapagising ka na kasi ni mommy, nasa baba na ang mga pinsan natin at maya maya daw ay darating na din ang iba pa kaya mag-ayos ka na." Mahabang paliwanag nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

I guess that our christmas will going to be really exciting and of course, exhausting.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon