Lovely's POV
Papunta kami sa tindahan ng mga kaibigan namin ngayon, Inutusan kasi kami ni inno na bumili ng meryenda para sa mga magiging bodyguards daw namin na sila B1, B2, B3, at B4. Iyon daw ang itatawag namin sa kanila! At grabe, sobrang nakakatakot sila! Para silang yung mga malalaking tao sa mga pelikula!
Matagal na naming kaibigan sina Lindon, sila ang may-ari ng tindahan na nasa kabilang kanto. Malaki ang tindahan na 'yon at sa kanila halos bumibili ang mga tao rito sa amin ng mga iiimbak nilang pagkain.
"Nandyan kaya sila? Baka wala nanaman ang mga 'yon!" Sabi ni Cindy na tinanguan ko, palagi kasi silang wala. Hindi ko alam kung saang lupalop sila nagpupunta.
Pero kahit ganoon ay sila lang, bukod kay inno ang pinakamalapit sa amin. Itinuturing namin silang kapatid kahit na halos dalawang taon pa lamang kaming magkakakilala! Mabilis rin kasi namin silang nakapagpalagayan ng loob, mababait naman kasi ang mga ito. Mukha lang hindi.
"Oh, anong ginagawa niyo rito?!" sigaw ni Ethan mula sa malayo. Napangiti naman kaagad ako dahil hindi sila umalis ngayon! Hindi kasi sila sa paaralan namin nag-aaral. Hindi ko nga alam kung nag-aaral ba sila. Mukha kasi silang tambay. Gwapong tambay na tamad ganon.
"Sander!" sabi ni Catthy sabay akbay kay Sander na bigla namang namula.
Naalala ko noon, sabi nila sa amin ay type nila kami. Hindi ko pa naintindihan noong una, pano ba naman tinanong nila kung keyboard ba daw kami, at noong nagtanong naman kami kung bakit, ang sagot nila ay dahil type nila kami. Ewan ko ba! Nakakastress silang kausap minsan!
"Bakit?" tanong naman ni Sander.
"Wala lang! Ang sungit natin ah!" Sabi ni Catthy at ngumuso. Napangiwi naman ako. Kapag ginagawa niya talaga 'yon ay para siyang bibe!
"Akala namin wala kayo ngayon eh." sabi ko atsaka tumabi kay Lindon na nakaupo lang sa may upuan malapit sa tindahan.
"Oy, lumayo ka nga sakin! Sabi mo ayaw mo sakin diba!?" gulat akong napatingin sa kanya! Grabe!? Sinamaan ko siya ng tingin.
"Edi kasi! Wag na wag kang lalapit sakin ah!" sigaw ko sabay lipat sa kabilang upuan, Kainis! Sinigawan ako! Para namang ang layo ng kausap eh.
"Oy, tabi na tayo! Joke lang yun!" Hindi ko siya pinansin atsaka tumingin sa ibang direksyon. Bahala ka dyan, matapos mo akong sigawan!
"Oy ikaw! San ba talaga kayo pumupunta ha?" sabi naman ni Cindy sabay agaw ng piattos kay Lander
"Hoy akin yan e," mukha na ding bibe si Lander!
"Kumuha ka ng iyo!" at ayon naghabulan na 'yong dalawa, sila talaga ang pinakamagulo sa amin. Sila rin ang pinakamaingay!
"Oh! Pasalubong mo!" sabi naman ni Kris sabay abot ng chocolates kay Lyka. Ay hala! Sana all may pagkain! Hihingi na lang ako mamaya, walang kwenta tong si Lindon eh, pero mas walang kwenta si Kris, kaibigan niya rin naman kami kaya bakit si Lyka lang ang may pasalubong!?
"Thanks." Sabi ni Lyka sabay ngiti kay Kris. Tipid talaga nito magsalita. Pero sanay naman na kami.
Cindy's POV
Pauwi na kami galing kina Lander, at grabe! Ang bilis niyang tumakbo! Naagaw niya tuloy 'yong piattos!
"Nakakamiss sila ano?" biglang sabi ni Catthy. Oo nga, ang tagal na namin silang di nakakasama tulad nung kanina.
"Lagi na kasi silang busy eh." sabi ni Lovely na nakabusangot, dumadalas na kasi ang pag-alis nila ngayon. Mas nagiging busy sila kumpara noong mga nakaraang buwan. Halos hindi na kami makapagkita kaya ang ending ay wala ng bonding. Kanina na lang ulit 'yong pinakamatagal naming asaran.
"Napano kayo ni Lindon?" Tanong ko kay Lovely, e paano ba naman, hindi niya pinapansin iyong mokong. Ayon tuloy, badtrip ang mukha.
"Sinigawan ako eh, kapag siya sinigawan ko mabibingi yon!"
"Arte ah." Sabi naman ni Lyka. Napasimangot tuloy si Lovely.
"Tse! Pahingi naman ako chocolates, buti pa yun si Kris kahit pikon ang sweet naman. Sana all!" pang-asar na sabi ni Lovely, tsaka ko naalala na marami nga palang tsokalate ang babaeng ito! Hindi naman mahilig si Lyka sa matatamis kaya sure akong mamimigay siya ng tsokolate.
"Mamaya na sa bahay, bigyan na rin natin si Inno." napatango na lang kami.
Habang naglalakad pabalik ay nag-aasaran kaming apat. Nag-isip pa kami ng kung ano-anong pwedeng ipangalan sa mga bodyguards kuno na dala ni inno,
"BG!"
"Ano yon?"
"Boy gurang! Matatanda na sila eh."
Kaagad namang humagalpak ng tawa ang mga pinsan ko, at sa di ko maintindihang kadahilanan ay natawa na lang din ako.
Lyka's POV
Kanina ko pa napapansin na parang may nagmamatyag samin... Hindi ko alam pero mukhang napagod lang siguro ako. Nakauwi na kami mula sa pagbili ng merienda, nakaalis na rin iyong mga bisita ni Inno kaya nakakapagpahinga na kami ngayon. Hindi kami nakapaghanda ng kahit ano para sa kumpetisyon, naoagdesisyonan kasi naming bukas na lang maghahanda at bukas na magsisimula. Hindi rin muna kami magtitinda hanggang sa matapos ang sinalihan namin.
"Anong sayaw ang gusto niyong ipractice natin?" tanong ni Catthy na nakahilata na sa kama,
"Ewan, pero dapat yung sayaw na alam nating magugustuhan ng lahat." Sagot ko.
"Hm, si inno lang ang maaasahan natin diyan." Sabi ni Lovely. May point siya, si inno lang kasi talaga ang laging nagdedesisyon kung ano ang sasayawin namin, siya din ang tagatama sa mga steps na nagagawa namin kapag may mali o pangit roon. Sumasayaw naman talaga kami, pero ngayong pista lang na 'to kami sumali sa ganoong competition.
"Tara na't sugudin si inno!" sigaw ni Cindy sabay takbo kayo sumunod na kami,maaga pa naman kaya siguradong gising pa si inno.
Kumatok muna kami ng dalawang beses bago ipinihit ang door knob para bumukas. Naabutan naming nakaupo si Inno at may isinusulat. Itinabi niya ito noong nakita kami.
"Oh mga apo..." bati ni inno samin,
"Mukhang may napakalalim kayong iniisip ah." sabi ni Lovely sabay tabi kay inno kaya sumunod naman kami.
"Sa sobrang lalim di namin alam kung anong iniisip niyo." sabi naman ni Catthy sabay lapit sa bintana ng kwarto at tingin sa mga bituin.
"Gusto niyo hukayin namin?" sabi ko sabay ngiti kaya ayun sinapok tuloy ako ni inno. Ano ba 'yon, nagsusuggest lang naman ako!
"Bakit ba kayo nandito? Ginugulo niyo pagtulog ko mga ineng," kung titingnan mo ang itsura nito ay hindi mo aakalaing matanda na talaga ito. Mas bata kasi ang itsura niya kumpara sa edad.
Ngumuso ito kaya napailing ako. Nakikita niya sigurong ganyan palagi ang itsura ni Lovely.
"Wag ka ngang gumanyan inno nagmumukha kayong bibe di bagay, mas bagay samin yun."
Gulat kaming naoatingin kay Lovely noing nahulog siya sa kama, paano ba naman ay bigla siyang hinampas ni Inno!Ayan, salita pa. Two points!
"Nakuuu sabihin na nga natin kung bakit nandito tayo sa kwarto ni inno." sabi naman ni Catthy na orenteng nakaupo sa tabi ni Inno.
"Ganito kasi yan inno wala kaming alam na pwedeng sayawin para kami ang manalo sa pista natin, mukhang bigatin po kasi talaga ang mga hurado eh." sabi ni Cindy sabay tingin kay inno
"Oh anong kinalaman ko dyan? Kamag-anak ko ba sila? Sasabihin ko ba sa mga hurado na ipanalo niyo mga apo ko ha?------"
"INNO!"
Humagalpak ng tawa si Inno kaya kahit na hindi naman kami natatawa ay nahawa na rin kami! Para tuloy kaming mga baliw rito na patawa-tawa lang!
Napatitig ako sa repleksyon namin sa salamin, may malaking salamin kasi rito si Inno. Sa tuwing nakikita ko ang nakangiti naming mukha ay pakiramdam ko sobrang swerte namin sa buhay. Hindi man kami mayaman ay masaya naman kami, nagkakaproblema man ay sinosolusyonan naman namin iyon nang maayos.
Dito ko masasabi na hindi talaga nabibili ng salapi ang kasiyahan. Maliban na lamang siguro kung kayamanan ang kailangan ng isang tao para sumaya.
===end
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Roman pour AdolescentsLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...