Fifteen: Pizza

7.3K 280 7
                                    

Chapter Fifteen

Lindee Rivera

"Kayo!?" Nabigla naman daw ako sa sigaw nitong si Catthy, actually inaasahan ko na talaga na mabibigla sila. Pero hindi ko naman inaasahang sisigaw siya, sinabi ko na din sa kanila na hindi na ako maga-ate, mas okay kasi kung tatawagin ko na lang sila sa mga pangalan nila eh.

So ayun nga ng dahil sa pagsigaw ni Catthy lahat ng tao dito sa Starbucks samin tuloy nakatingin ngayon. At dahil nakakahiya binulungan ko na siya,

"Uh? Catthy, chill. Nakakahiya... pinagtitinginan na tayo." Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko kaya namula siya.

"Sorry," Bulong niya naman sakin kaya natawa ako.

Pagkatapos ng nakakahiyang scene sa starbucks hindi na muna kami umorder kahit na gustong gusto na namin, kasi nga bibili pa kami ng gadgets at napaka excited nila Catthy. Una naming pinuntahan yung sa shop ng mga Cell phones. At syempre hindi sila makapili. Ang dami daw kasing magagnda eh. Pero sa huli samsung phone ang napili nila, at parepareho pa sila. Natatawa pa nga yung mga staffs sa shop eh, pano ba naman nag-away away sila sa iisang phone akala siguro iisa lang yung ganong phone.

"Nakakahiya! Nag-agawan pa tayo kanina madami naman palang ganong style na cell phone eh!" pagmamaktol ni Cindy. Tapos lahat ng tao sa kanila nakatingin, pati nga 'tong mga lalaking kasama namin natatawa na eh.

"Kasi naman 'tong si Lindee hindi sinasabi na madami pa palang ganung phone! Nakikitawa lang siya kasama nung mga sira ulong 'to!" Inis na bulyaw naman sakin ni Catthy. Na-peace sign na lang ako. Wehehehe. Tsaka tumingin kila Kevin.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin?" painosenteng sabi ni Kevin Pero nagpipigil na siya ng tawa. Minsan lang kaya tumawa o ngumiti 'tong mga gangsters na 'to.

"Huwag ka ngang painosente look diyan!" Inis namang bulyaw ni Catthy, akala ko si Lovely lang ang maingay sa kanila, actually lahat sila, mas matindi lang talaga ang lakas ng boses ni Lovely.

Iling lang ang isinagot ni Kevin, sayang hindi ko siya nakitang tumawa. Sunod na pinuntahan namin yung mga bilihan ng iba pang gadgets, cyber zone shop kasi yung pangalan nitong pinuntahan namin.

Pagpasok mo dito para siyang isang uh? Basta mahirap iexplain, cyber zone shop dito mo kasi makikita yung iba't ibang stores ng gadgets so ayun nga pagkatapos naming bumili ng phone nagpunta pa kami sa ibang stores para bumili ng kung ano-ano kaso inabot kami ng isang oras wala naman pala silang gustong bilhin. -____-

Si nay Linda naman hindi na sumama samin, dumiretso kasi siya sa market dito sa mall para mag grocery, dagdag stocks daw. Text ko na lang daw siya kung tapos na kaming maglibot.

Nagtataka ba kayo bakit kasama namin yung mga sikat na gangsters na 'to? Ganito kasi yun.

Flashback

"Because you belong to the Black Rose Gang." Hah? oo nga, pero dati 'yon. Tsaka anong kinalaman ng dati kong gang dito?

"Oo nga, Pero ano naman ngayon? Porket ba kasama ako sa gang na 'yon eh magagawa ko ng patayin sila Catthy?" Inis na sabi ko kay Kevin,

Gaya kasi ng Gang nila sikat din ang Black Rose. Kami yung babaeng kinakatakutan noon sa school, yeah napasama ako doon, and kaibigan ko din yung mga member nun. Sikat kami sa KRAMSIE UNIVERSITY dahil nga sa kami lang ang gang members na babae at minsan na din kaming napaaway sa ibang school kaya kinatakutan na kami.

They called us bitch, war freaks, walang puso, bad girl, brats at kung ano ano pang mga katawagang hindi ko gustong itawag sakin. Pero kahit naman ganun kami eh pag kami lang ang magkakasama parang normal lang din kami. Mga babaeng fashionista, may mga kahinaan din. At itinuring ko silang best friends. Ang kaso nag migrate na sila eh.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon