Love is just a word until someone will come and give its meaning.
Lovely's POV
"Good morning!" Masiglang bati ko, kaagad namang napabangon ang mga pinsan ko. Hohoho, epektib!
"Ano ba naman yan Lovely!" sigaw ni Cindy sabay balik sa paghiga, sayang lang boses ko sa pagsigaw, kung matutulog lang ulit sila! Huhu~ hindi ito maaari!
"May sunog?" Sabi naman ni Lyka.
"Ang aga mo naman mang-gising, inaantok pa ako eh." Si Catthy atsaka pa humikab.
Kainis! Sabi nila kagabi ay gisingin ko sila ng maaga para matulungan namin si inno magluto eh. Tapos.. tapos sila pa galit!
"Okay, ayaw niyo magising? Sige, kami na lang ni inno ang magluluto!" at sa sinabi kong 'yon sa isang iglap lang naguunahan na sila sa kusina hehehehe.
Bisperas na kasi ngayong araw at malapit na ganapin ang contest na sinalihan namin, madaming mga palaro ngayong araw at napakadami ding mga patimpalak na magaganap. Sabi ni inno, kapag daw di namin siya tinulungan magluto hindi niya daw kami bibigyan ng costume namin para sa sayaw kaya ayun takbuhan yung tatlo.
***
Andito na kami ngayon sa kusina at may kanya kanya kaming ginagawa. Kapag kasi dumadating ang araw ng fiesta dito sa brgy. namin isa kami sa talagang maraming hinahanda, ewan ko kung san nanggagaling ang ginagamit naming pera. Si inno naman kasi ang may alam dun.
"Lovely paabot nga ng mga gulay na nahiwa mo." sabi nitong si Catthy na nagluluto ng pinakbet at kare kare, saming apat siya ang pinakamagaling magluto, madami siyang alam lutuin at puro masasarap!
"Lovely paabot naman nung plato." Sabi ni Lyka, inabot ko naman sa kanya yung plato malapit sakin.
"Patikim!" Sabi ko saba'y lapit sa nilulutong ulam ni catthy! Pero bago pa umabit ang kamay ko sa pagkain ay hinampas niya na ako!
"Aw! Ba't mo naman pinalo ang kamay ko!"
"Para 'to sa mga bisita. Mamaya ka na tumikim." napasimangot na lang ako.
"Mga apo, may pupuntahan lang ako ah?" Tumango naman kami, saan nanaman kaya ang punta nito ni Inno. "Oo nga pala damihan at sarapan niyo yung luto niyo, may bisita tayong dadating mamaya." sabi ni inno sabay labas sa pinto.
Pinagpatuloy na lang namin ang ginagawa namin, sinunod namin yung sinabi ni inno, dinamihan ni Catthy ang luto niya. Titikim nga sana si Cindy kaso pinalo lang din ni Catthy kamay niya. At least may karamay ako.
Pagkatapos naming mag-ayos ng mga handa ay isa-isa na kaming naligo at nagbihis.
"Mga apo! Andito na kami!" sigaw ng aming napakaingay na inno! Ngayon alam niyo na kanino ako nagmana.
"Mano po--" naputol yung sasabihin ni Cindy sabay tingin sa mga kasama ni inno at...
"ANONG GINAGAWA NIYO DITO!!!???"
3rd persons POV
Pagkatapos isigaw ng ating mga probinsyana ang mag katagang 'yon ay ngumiti lang ang lola nila at nilampasan sila, ganoon din naman ang ginawa ng apat na lalaki pero bago sila lumampas,
"Laway mo..."
Bulong ni Kevin kay Catthy kaya agad niya namang pinunasan ang akala niyang may laway.
"WALA NAMAN AH!"
Pabulong na sigaw ng dalaga na saktong maririnig ng binata.
"Ang pangit mo,"
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girls Meet The Gangsters
Ficção AdolescenteLove is the greatest and scariest thing that will happen to a person. Because love can make impossible things possible. Catthy Vasquez, along with her cousins and inno are living peacefully in their province. They have a simple and happy life. They...