Forty six: Horror house

4.5K 180 4
                                    

Cindy's POV

Maaga kaming bumyahe patungong Sta. Lucia. Dalawa ang sasakyang dala namin, isang Van at isang kotse, iba pa yung dalawang van na may lamang body guards at iilang mga gamit namin. Nauuna yung isang kulay berdeng van, sumunod ang kotseng sinasakyan nina Inno Nay Linda, Lindee, at Clifford. Tapos ay ang sasakyan kung nasaan kaming lahat, at sa likod namin ay ang isa pang van na kulay puti.

Hindi ko alam kung paanokami nagkasya dito sa isang van, pero sabagay malaki naman ito. Si Ice ang nagmamaneho kaya nasa front seat si Lyka para ientertain ang boyfriend niya. Kami nina Avon, Lovely, at Krystal ang nasa unang set ng upuan. Si Kylie,Yuri, Catthy, Kevin, at Kai naman ang sa sumunod. At yung mga natitirang boys naman ang pumesto sa iba pang upuan. Kasya naman ang higit benteng tao dito. Mukha na nga siyang bus pero van naman daw ito.

Si Lovely, Avon, Kai, Lindon, at Ethan lang ang maingay sa amin. Tulog ang iba, yung iba naman ay nangingiti lang, ako naman ay nakikigulo na din sa kanila.

Pinag-uusapan nila kung saan kami mamamasyal pagkadating roon. Kung ano-anong lugar ang sinusuggest nina Lander, at agree naman ng agree ang mga kasama namin.

"May hot spring doon! Gusto niyo ba don?" Tanong ni Lindon.

"Sige! Sige!"

"Wala bang ibang mapapasyalan doon? Gaya ng mga coffee shops ganon?"

"Ano ka ba naman, Avon! Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga napuntahan nating coffee shops kapag gumagala tayo sa atin?"

"E, malay ba natin kubg mas masarap ang mga ganoonsa probinsya!"

"Anong tanong, ay meron nga bang ganoon kina Cindy?"

"Hindi ko alam e, hindi naman kami madalas na lumayas ng bahay no! Kung aalis man kami, kasama namin sina Lander! Tapos sa kanila lang din ang tambay namin," nakataas kilay kong pagpapaliwanag.

Alam kong may city din sa amin, pero hindi naman kami nagagawi doon, atsaka malayo na iyon kung sa bahay namin manggagaling.

"So... ganoon kayo kaclose noon?" Napatingin ako kay Kevin, nakita kong seryosong nakinig sina Ethan sa sasabihin ko, alam ko ang mga ganitong galawan! They're jealous! Napangisi ako sa inisip ko, kasabay ng pagkunot ng noo ng boyfriend ko.

"Yup! They'd been our best friend, actually until now. Ewan ko ba sa mga yan at dumidistansya ngayon." Tumawa ako, natawa din ang girls at si Kai lang ang tumawa sa boys.

"Ayokong magkapasa ha!" Agad na sabi ni Lindon kaya humagalpak na kami.

"Hindi naman ako dumidistansya," tumatawang sabi ni Kris,

Agad akong napamura ng pumreno ng malakas si Ice! Shit!

"Kris!"

Humagalpak ng tawa si Kris kasama ang mga boys. Umiling naman kaming mga babae habang inis na inis si Lyka doon sa front seat.

"Chill dude!"

Nagpatuloy ang byahe namin ng ganon pa din ang set-up, ang kaso ay wala ng maingay. Nadidinig ko na lang na nag-uusap si Kevin at Catthy sa likod habang tulog naman ang mga maiingay.

Mainit na at magtatanghali na. Hindi kami nag stop over kahit isang beses dahil puno din naman ang sasakyan namin ng mga pagkain, ganoon din naman sina Inno kaya alas nuebe pa lang ng umaga ay malapit na kami sa bahay. Nasa bayan na kami at higit trenta minutos na lang ang kailangan naming ibyahe para makauwi na.

Malayo pa lang ay kita ko na ang mga batang naglalaro sa daan kahit na tirik na tirik ang araw, may naglalaro ng tumbang preso, patintero, step palda, at kung ano ano pang larong kalye. Napangiti ako. Agad silang tumabi at tumitig sa sasakayan namin, tinted ito sa loob kaya hindi kami kita. Sino ba naman ang hindi mapapatimgin kung apat na magkakasunod na sasakyan ang makikita mong dadaan sa lugar namib, diba? Hindi naman kasi lahat ng tao dito sa amin ay may sasakyan.

Probinsyana Girls Meet The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon