Chapter 1: Dorm

1.7K 22 5
                                    

"SEAN!"

"..."

"TEKA LANG SEAN! WAG MO KONG TAKBUHAN!" sigaw ko

Bat ka ba ganyan Sean? Bat mo ko tinatakbuhan? 

Bigla bigla mo kong nilalayuan...

Hindi mo ba alam na sobrang sakit na iniiwasan ka ng taong mahal mo bigla bigla ng walang rason?

Pero alam kong meron kaya mo ko iniiwasan...

Ayaw mo lang sabihin...

"SEAAAAAAAN!"

Lumingon si Sean... at ngumiti. Bigla naman ako napangiti dahil sa ngiti niyang nakakahawa't nagpapatibok ng puso ko.

"Lean..."

Wha-waah! Tinawag niya ko! Pinansin niya ko! Panaginip ba to?

Bat ganun, onti-onti akong nababasa. Umuulan ba?

Eh bat sa gilid lang ng mukha ako nababasa?

Lumingon ako sa kanan ko dahil dun ako nababasa at nakita kong may tsunami na parating sa direksyon ko...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"

"asdlmbladbpzxclmaerpqw"

"Hoy Lean, gumising ka na nga!"

"Uhh..."

Lintisan talaga tong si kuya oh. Ibuhos ba naman yung isang basong tubig sa mukha ko? Pati tuloy yung kama ko, basang basa. Napa-upo ako sa kama ko ng wala sa oras. -_-

"Ano ba Kuya?! Alam mo ba ang ganda ganda na ng panaginip ko?" :| 

"Hahaha! Maganda ba yun? Kanina kasi parang paiyak ka tapos bigla kang sumaya, ano ba yun?" tanong niya.

"W-wala! Sa susunod nga, alugin mo nalang ako kesa paliguan ng malamig na tubig!"

Hay. Ganyan talaga kaming magkapatid. Kahit lagi nagkaka-asaran, close pa rin kami. 

Ako nga pala si Lean Beatrice P. Santos. Isang 4th year student (actually, mag 4th year palang) sa *toot* school. Hanggang ngayon bakasyon pa rin namin, at hindi ko alam kung bat ako ginising ng kumag kong kuya na si John Enzo P. Santos. Kaming dalawa lang ang magkapatid at kahit papano maganda naman ang relasyon namin. Talagang pikunin lang ako pag inaasar niya ko kaya kami nag kaka-gulo. At ako naman, gumaganti kasi - trip ko! BWAHAHA! >:D

"Bat mo ba ko ginising? Bakasyon pa naman ah?"

 "Eh kasi diba nga..." nag isip muna siya

"Baket?"

"Diba mag d-dorm ka na? Kaya ginising kita kasi ilang araw nalang, 1st day mo na sa pagiging 4th year." sabi niya.

Actually, di naman kalayuan ang bahay ko sa school. Sadyang gusto ko lang na malapit ako sa school para hindi na ko magpapakahirap at pwede ako magpuyat any time at late pumasok. Pero di naman ako magpapa-late kasi mabait akong studyante at kailangan kong ipasa ang grades ko at dapat perfect attendance. Pag perfect attendance samin, may libre kang lunch for a month. Kahit gano karami pwede mong kainin. Oh diba? Ayos!

"Oo nga pala no... hindi ba pwedeng bago nalang mag first day ako pumunta dun?" sabay pout. 

"Hay. Bahala ka nga!"

 ♫ My heart's a stereo, it beats for you so listen close ♪

Ay shemay. Kagulat naman tong cellphone kong nag-ring. Asan ba yun?!

 ♫ You're my thoughts in every note, woaahh~ ♪

Dun... sa may bandang baba. Sa ilalim ng kama ko.

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon