Chapter 16: Suspension

811 18 11
                                    

AUTHOR’S NOTE: IMPORTANTE TO! Kung mabagal net niyo, i-load niyo na yung kanta na nasa right at i-play nalang mamaya okay? Tapos lalabas ulet yung Author’s Note at saka niyo i-page up at i-play sabay scroll ng mabilis. Para masaya yung storya. May kanta. XD 

***

<LEAN'S POV>

Sa wakas dumating na rin ang pinakahihintay nameng lahat na high school students, ang Aquaintance Party & Induction Ceremony. Maraming nagaabang ng araw ne'to dahil sa mga dinagdag na events ng S.A. Talagang pinaghandaan nila. I salute them. (> v O)

"Kyaaah! Mag c-confess ako mamaya kay Kevin mamaya. Sana siya ang maka-last dance ko mamayang party."

"Mukhang kumpleto ang F.T. Island mamaya sa party. Lahat sila high school na. Sayang yung sa C.N. Blue, si Shin kasi college na..."

"Sana makasayaw ako ng isa sa mga F.T. Island o kaya C.N. Blue."

Ang daming nag uusap tungkol sa party na mangyayari mamaya. At mostly na naririnig ko ay tungkol sa banda ni Darren at Kevin. Ganun ba talaga sila kasikat? Hindi ko alam. Hindi naman ako updated sa mga ganyan sa school. Wala naman ako masyadong pakealam dyan. Makikinig lang naman ako pag may bagong balita sila Sophia.

May pumasok na octopus sa loob ng classroom at nilapitan ang mga grupo ng octopus. Syempre, san ba belong ang mga octopus? Edi sa kapwa octopus.

Octopus kasi ang kakapal ng makeup nila sa mukha. At ang pouty pa. Ano sila, octopus? Aisshh.

"Girls! Remember mamaya, bantayan niyo ng mabuti ang C.N. Blue at F.T. Island. We'll dance with them until the lights are off."

"I know. Girls, kahit anong gawin niyo wag niyo silang bibitawan. Remember the plan, okay?"

Napalingon ako sa side nila at kitang kita ko ang evil aura na lumalabas sa kanila. Grabe, mukhang mahahalay ang dalawang bandang magpeperform mamaya. Pano na yung Darren ko? Bahala na si Kevin sa buhay niya.

*DIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGG*

"Class, uwian na."

Maaga nga pala kaming palalabasin ngayon kasi bibigyan kami ng time na mag ayos. Sila Sophia, Vivi at Rachel nauna na kasi daw magpapaayos pa sila sa parlor kung san sila naka-appoint. Buti pa sila talagang todo effort. Samantalang ako may iba pang nagbigay sakin ng susuotin ko.

Si mystery guy lang naman kasi habol ko.

Bahala na nga, sa bahay naman may mga makeup dun si mama. Heheram nalang ako.

"Miss, sumama ka po samen.", may dalawang maid na humarang sakin ng papalabas na ko sa gate. Bago pa ko makapagsalita, hinawakan nila ng mahigpit ang magkabila kong braso at hinila sa isang limousine na black.

"T-TEKA! SAN NIYO KO DADALHIN?!", tinutulak nila ako papasok sa limousine pero pinigilan ko sila.

"Sabi ni young master aayusan ka po namen for the party."

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon