Chapter 15: Fact

793 13 10
                                        

<RACHEL'S POV>

Sa wakas, bukasna ang Acquaintance Party & Induction Ceremony. Maraming na-excite samin, halos lahat yata eh. Ang hindi lang yata na-excite ay ang mga hindi nakahanap ng magandang damit dahil naagawan na sila ng marami.

Sinong hindi mae-excite dito eh nung first year palang yata kami, binabalak na nilang magka-Masquerade party ang school namen.

Luckily, nakahanap na ko ng dress at isa lang naman ang pinoproblema namen.

"Lean, may ka-date ka na ba bukas?", tanong ni Vivi.

"Anong date? Wala akong pake sa mga date date na yan. Napilitan lang naman ako ngayon eh.", sabi ni Lean. Lahat ng inattendan niya na Acquaintance party ay sapilitan lang kasi pinilit namen siya. 

Bat nga ba naghahanap ang mga date 'tong mga 'to?

Hindi lang ngayong Masquerade na ang theme pero kahit nung mga dating Acquaintance Party ay may himala daw na nangyayari. Alam niyo yung mga ganong pamahiin?

Ang mag tapat sa minamahal nila pag sapit ng 10:00 PM. Pag sapit kasi ng 10:00 PM, dun na magsisimula ang 'Clock-love-struck-10'. Ganun tawag nila dun eh, kasi pag sapit daw ng 10:00 PM. Ayun lang naman ang pinakahihintay ng lahat dahil dun na magsisimula mag-tapat ang mga naglilihim ng pag ibig sa kanilang minamahal.

Ayos mag-explain no? Pwede na kong tiga-explain.

"Alam niyo na ba yung chika this Acquiantance Party?", bulong ni Sophia. "Ang sabi nila talagang pinaghandaan ngayon ang party at may cater daw."

"Oh talaga? Eh diba nung mga past few years din naman may cater din.", sagot ni Vivi.

"Iba ngayon. Ang mga magluluto ng pagkain naten, ang mags-serve, ang entertainment at iba pa, ang mga best of HRM student daw ang gagawa nun!", ang mabuting balita ni Sophia.

Sa sobrang gulat ko, napalingon ako kay Sophia at nanlaki ang mga mata ko. Mga best of HRM students daw ang nandon?

Lumapit agad ako kay Lean at binulungan ko siya, "L-lean, best of HRM students ba kuya mo?".

"Oo. Kahit 2nd year college palang yun, napili siya."

"Ahhhh......"

"Bat mo natanong?"

"Wala wala. I'm just asking. Kasi nga diba HRM student yung kuya mo, alam ko namang magaling yun eh!"

"GUYS! GUYS! GUYS! Eto pa, eto pa. May chika pa!", umubo muna si Sophia, "May mga banda daw na tutugtog. Ang F.T. Island daw at C.N. Blue!"

Tumili tili kami at with matcing kilig effect. Fan girls kami ng bandang yon. Kahit rival bands sila, sinusuportahan namen yun ng bongga. Magaling kasi silang tumugtog at higit sa lahat, mga gwapo pa sila. At ang swerte netong bestfriend kong si Lean, ka-roommate pa ang leader ng C.N. Blue. Kaso ka-weirduhan rin netong babaeng 'to eh. Ka-roommate na nga yung pinaka gwapong nilalang e mas pinili pa yung rival band nun. Alam niya na namang taken na yun.

Nalaman laman ko pang nagu-usap pa sila. Sana lang wag mangyari 'yun'.

Ang kinae-excite ko lang naman sa party ngayon ay ang sa HRM students. Remember na tinanong ko si Lean tungkol sa kuya niya? May crush kasi ako dun at malay niyo sa party serve-an ako? Buti hindi nahahalata ng bestfriend ko kundi, malalaman agad ng kuya niya yun.

Kaya buti nalang ready na ang lahat. Ang maga-ayos sakin, dress, shoes and everything! Remember Rachel, wag kang kabahan pag nilapitan ko nun or what so ever. KERI 'TO! KERI!

"Okay listen all high school students. May ia-announce ang S.A. officers tungkol sa party bukas.", sabi nung speaker sa stage.

"Guys, bukas na yung Acquaintance Party naten and hopefully may nakita na kayong susuotin ok? At ang bayad sa foods ay kailangan nang makolekta lahat ngayon so lahat ng mga hindi pa nagbibigay ng bayad, magbayad na.", sabi nung treasurer. "Ibigay niyo nalang sakin, ok?"

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon