Chapter 3: Roommate

1K 22 3
                                    

Taken na.

Oo, may syota na siya. Psh, badtrip. Ang nakakadepress ba dun, ang ganda ng girlfriend niya.

Magaling sumayaw, panigurado magiging president yan ng Performing Arts club, mabait, matalino, matangkad, skinny, makinis ang balat at ang ganda ng buhok. ANSAVEH ng girlfriend niya?! Siya na nabiyayaan. =_=

"A-ah ehh..." ano ba yan, nanginginig ako. Kinakabahan ako! Ikaw ba naman kausapin mo ang matagal mo ng crush tapos ngayon lang kayo nakapag-usap. 

"Ang galing mo kumanta. Tiga-Glee club ka ba?"

"Ha? Eh... Oo. Bakit?" ay suskopo Lean, halatang ninenerbyos ka.

"Wala lang. Bat ka nga pala andito? Diba next week pa first day?"

 "W-wala lang. Nag inquire kasi kami ng... uhm... ng dorm..."

"Ahh. Wag kang kabahan!" then he gently slapped my back, which made me startled. "Di ka ba sanay na may kausap? Socially awkward?"

"H-hindi no! Nagulat lang ako kanina... tsaka... Nilalamig ako kaya ninenerbyos ako! Brr!" palusot level -78 ka na Lean. Onti nalang 99 ka na. Pero malamig naman talaga, kahit di ko alam kung bakit. Ang lakas siguro ng ulan kaninang umaga.

"Ahh... Gusto mo painitin kita?" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mata ko.

HA?! Ano tong pinagsasabi ni Darren? TEKA! BATA PA KO! BATA PA KAMI!! Kahit paninindigan niya ko, ayoko! Teka, baka naman nag f-feeling lang ako. Pero... kahit na... parang, seryoso pa rin siya. Tsaka... gusto ko lang gawin yun sa taong mahal ko. >///<

 Nagulat ako ng tinanggal niya yung jacket niya. 

 SERYOSO BA SIYA?! O//////O

Pero pagkatanggal niya nun, nakita ko na naka-fit siya na shirt at... m-muscles... bakat siya... sobrang fit kasi eh. Shocks... Ganito ba siya magpainit ng tao? Well, effective... este... GISING NGA LEAN!

O TUKSO, LAYUAN MO KO!

May kinuha siya sa bag niya at napanganga ako.

"Bakit ka nakanganga?"

Thermos lang pala yung nilabas niya. Hihi, kala ko kung ano na eh...

"Eto oh, hot chocolate. Mainit pa yan, nasa thermos naman eh. Eto din jacket ko." sabay bigay nung thermos at jacket niya.

"Ay. S-salamat! Di mo na kailangan hubarin ung jacket mo, ginawin ka pa eh"

"Hindi, ayos lang. Nakapag hot choco na naman ako kanina eh. Medyo nainitan na sikmura ko." sabay ngiti sakin.

♪ Minamasdan kita

Nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

"Alam mo ba na the best uminom ng hot chocolate pag malamig ang panahon?" sabi niya habang nilalagyan ng hot chocolate yung cup ko.

♪ Mapupulang labi

At matinkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit 

"Oo nga... masarap nga. Sarap nung timpla niya" nginitian ko siya. Pero mas masarap ang makapiling siya. :)

♪ Huwag ka lang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik 

"Haha! Talaga? Gusto mo pag timpla kita ulet next time?"

"Sige ba!" tapos tumawa kaming parehas.

♪ Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon