Hello guys! I know, I know. Ang tagal kong hindi nag update. Mag iisang taon na ata na hindi ako nag uupdate. I know ang sudden ng pag update ko pero I hope you guys understand. Yes, naging tamad ako. Yes, naging busy ako. Fortunately, hindi ko pa nadedelete yung drafts and especially yung documents ko na nandun ang plot ng story. Wala pang ending so just stay tuned? ;)
PS: My writing style have changed pero I'll still focus on its genre and story
---
<KEVIN'S POV>
It's been 3 days since nangyari ung incident na yun. Oo, hanggang ngayon hindi pa rin kami nag uusap ni Lean. Every morning umaalis agad ako at nagt-take out nalang or nag d-dine in sa mga karinderya na malapit sa school namin. Kahit pag dinner, kasama ko lang ung iba kong mga kaklase at uuwi na ko ng late. Pag may quiz, hindi na ko nag aaral. Hindi na kailangan. Nasa school lang ako for the sake of na magkaron ng record na grumaduate ako ng high school.
Late na ko umuwi ngayon and pagkapasok ko sa room namin, wala ng ilaw na bukas. Tulog na siguro siya.
Pumasok na ko sa kwarto namin at nadatnan ko siya na natutulog na at may hawak na box na kasyang kasya sa kanyang mga palad.
"Bat hindi kita matiis, Lean?"
Umupo ako sa kama ko na katapat lang naman ng kama niya at tinitigan ko siya. Napaka-kinis ng balat niya at ang mga labi niya'y pinkish. Hindi na kailangan ng make-up ng isang 'to.
Dahil...
Dahil pangit pa rin siya kahit mag make-up siya!
OO. Yun ung dahilan ko. Psh. Tumingin ako sa side table at di rin nag tagal, bumalik ulit ang tingin ko sakanya.
"Lean, kelan mo ba ko ulit kakausapin? Hinihintay lang naman kita eh"
Napa buntong hininga ako. Tumayo nalang ako at lumabas muna sa kwarto upang makuha ang gusto ko munang titigan. Yung pampawala ko ng lungkot.
Inilabas ko yung maliit na box sa cabinet at binuksan ito. Sa tuwing nakikita ko ang laman nito ay tuwang tuwa ako. Naalala ko ung mga panahon na kasama ko pa rin siya. Bata man kami noon pero alam kong totoo ang nararamdaman ko para sakanya. Pero bat ganto ang nangyayari sakin? Bat ako nagkakaganto sa isang babae na ka-room ko lamang?
Impossible naman na siya yun diba?
Bumalik nalang ako sa kwarto namin at nahiga na sa kama. Bago ako matulog, tinignan ko muna si Lean at hindi rin nag tagal at nakatulog ako.
<LEAN'S POV>
Uwaaa Sabado na at you know what it is!
May date kami ng prince charming ko~ ... este, si Darren
Pagkabangon ko, napansin ko na tulog pa rin 'tong mokong na 'to. Sino pa ba, edi si Kevin. Kahit kailan talaga napaka tamad. Pero ever since nag away kami, hindi kami nag uusap. Sa tuwing gigising ako sa umaga, wala na siya. Kumakain nalang siguro somewhere. Nagaalala nga ako minsan pag tipo mga 11 PM wala pa rin siya pero kahit anong hintay ko, nakakatulog pa din ako.
Ayun, nagluto lang ng scrambled egg para naman may laman ang tiyan ko. May tinapay pa naman diyan, pwede ko palamanan ng butter at sugar! Naalala ko noong bata pa ko, lagi ako ginagawan ng lola ko ng tinapay na may butter at sugar.
Pagkatapos kong kumain, naligo na din ako at nag ayos na. Sa kwarto ako nag aayos at kahit anong ingay at paghulog ng mga burloloy ko, hindi pa rin nagigising 'tong bugok na 'to. Simple lang naman ang sinuot ko. Nag sleeveless ako na color white at nagsuot ng cardigan na yellow. Then nag shorts ako na hindi super short shorts. Yung sakto lang. Color orange naman siya. Nag dala naman ako ng leather sling bag na may kung ano anong laman.
BINABASA MO ANG
Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)
Teen FictionPano kung minsan ka na nga lang umibig, dun ka pa sa taken na? Ano ba mas pipiliin mo, pilitin na magmahal o mahalin ka? Ako nga pala si Lean at kahit anong gawin ko, mali pa rin. Kahit nag papaktanga ako, hindi ko alam na marami palang nasasaktan s...