Hello guys! Alam kong naaalala niyo pa na sinabi ko na 60+ ung chapters na 'to pero dati lang yun! Balak ko sana mga ilang chapters lang either 30-40. Sana magustuhan niyo yung ending (na hindi pa nakaayos pero saka nalang yon)
Ib-bold ko na pala yung conversation para mas madaling makita~
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE ~~
Btw, sinusulit ko na ang paguupdate ko dahil magiging busy na ko next week. Regular classes na po ako at araw2 whole day = A =
----
<LEAN'S POV>
"Hoy bruha. Ang saya mo ata!" pag batok sakin ni Rachel, "Ikaw napaghahalataan ka ehh. Siguro may nangyari sa inyo ni Kevin no?"
Hay etong bestfriend ko talaga napakabilis makapansin. Pero kahit ganyan, hindi ko pa rin sasabihin sakanya ang nangyari. Especially na nagdate kami ni Darren! Jusko. Ka-daldal pa naman niyang babaeng niyan. Saka na siguro pag mejo trip ko na. ^_^ v
"Wala no. Manahimik ka nga! Nag bati lang kami, yun lang" hiya kong sabi. Teka, bat ba ko nahihiya? -__-
"Jusko 'te. Ikain mo nalang yan. Mag aral ka muna!" parang nanay naman 'tong bestfriend ko.
Anyway, lunch time na at sa wakas! Gutom na gutom na kaya ako. T_T
Dahil nagluto ako, balak ko sanang kumain sa rooftop ng mag isa pero paglabas ko...
Anong kaguluhan 'to?
May artista ba at nagkakagulo ang mga babaeng 'to?
Teka, mga familiar ang mga mukha netong mga babaeng 'to. Diba fans 'to ni...
<KEVIN'S POV>
"Papa Kev, picture naman tayo!"
"Lunch time mo na diba? Tara sabay ka na sakin!"
"Bat ka nandito Kevin? Diba class A ka? Anyway, tara kain tayo!"
Bat nga ba ako nandito sa tapat ng class ng babaeng yun? Sino pa ba edi si Lean. -__-
Hayy, mga babae talaga. Makakita lang ng pogi kung makatrato sila kala mo ngayon lang nagkaron ng gwapo sa paningin nila. Heto lang naman ako, pinagkakaguluhan. Bakit? Gwapo eh.
Di nag tagal nakita ko na rin ung pangit na yon. At dali dali akong lumapit sakanya at kinuha ang kamay niya. Hinawakan ko 'to ng mahigpit at hinila siya papunta ng rooftop.
BINABASA MO ANG
Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)
Teen FictionPano kung minsan ka na nga lang umibig, dun ka pa sa taken na? Ano ba mas pipiliin mo, pilitin na magmahal o mahalin ka? Ako nga pala si Lean at kahit anong gawin ko, mali pa rin. Kahit nag papaktanga ako, hindi ko alam na marami palang nasasaktan s...
