Prologue: Choices

11.6K 147 3
                                    

"Sometimes the best and worst times of your life can coincide. It is a talent of the soul to discover the joy in pain--thinking of moments you long for, and knowing you'll never have them again. The beautiful ghosts of our past haunt us, and yet we still can't decide if the pain they caused us out weighs the tender moments when they touched our soul. This is the irony of love."-- Shannon L. Alder

We met at the school. Grade five pa lang kami ay crush ko na siya. Mabait kasi siya at saka matalino pa at bukod sa katangian niyang iyon ay napakaganda pa niya. For me she's an epitome of a perfect girl. Hindi ko alam pero sabi ng ilan na 'Nobody's perfect' at hindi na ako naniniwala sa kasabihang iyon nang makilala ko si Nimfa Vein Figueroa. Perpekto talaga siya sa paningin ko lalo na sa puso ko.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya nung minsang malapit na siyang ma-kidnap ng dalawang lalaki. Kung hindi pa ako dumating at humingi ng saklolo ay malamang na wala na siya at tinangay na siya ng mga taong iyon. Umiiyak siya na yumakap sa akin. I was eleven years old that time and she was ten years old. Kahit sa murang edad ko ay natutunan kong umibig sa kanya at para mas mapalapit pa ako sa kanya ay nagpanggap akong isang bakla kasi noon pa man ay ayaw na ayaw niyang makipagkaibigan sa mga lalaki dahil sakit daw iyon ng ulo.

Dahil sa katangahan ko sa kanya ay ginawa ko ang lahat mapalapit lang sa kanya kahit na niloloko ko lang ang sarili ko.

"Anong gagawin mo Vince? Eh ayaw niyang makipagkaibigan sa mga lalaki? Natulungan mo nga siya dahil kung hindi ka dumating nung malapit na siyang makidnap ay malamang wala na yun ngayon pero hindi pa rin nagbabago ang paniniwala niya na ayaw niya sa mga lalaki. " Wika ng kaibigan kong si Dion. Nalungkot ako sa sinabi ng kaibigan ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Ahhhhh!! Diyos mi! Andiyan na ang crush kong si Vince at Dion!!" Napalingon kaming pareho ni Dion sa mga nagkukumpulang mga bakla sa school. They were looking at us. Napapailing kami. Grade six na kami at uso na ang crush-crush at landi-an sa school namin. Hindi na talaga mapipigilan ang mga kabataang tulad namin ngayon.

Aalis na sana kami ni Dion nang mamataan namin si Nimfa na lumapit sa mga bakla at saka nakipag-apir pa sa mga ito at pagkaraan ng ilang sandali ay nakipagtawanan siya sa mga ito. Napapansin kong mas malapit siya sa mga bakla.

Dahil sa nakita ko ay nagkaroon ako ng idea. Bahala na!

The next day ay pumasok ako sa school na nagpakending-kending na at saka iba na ako kung magsalita.

"Anong nangyari sayo Vince?" Takang tanong sa akin ni Dion.

"Basta go with the flow na lang Dion para hindi ako mabisto. Gusto kong mapalapit kay Nimfa." Wika ko. Halos lumuwa iyong mga mata niya sa gulat.

"Seryoso ka? Vince, ang tanga mo!" Wika pa nito.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Wika niya at saka iniwan niya ako.

Buo na talaga ang desisyon ko. Ginawa ko ang lahat para mapansin ako ni Nimfa. Noong nahirapan siyang magdala ng mga gamit niya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan siya.

"Hoy Sista! Ako na ang magdadala ng gamit mo. Keri ko yan." Wika ko pa dito. Napatitig siya sa akin.

Ang ganda niya talaga.

"Teka, kilala kita ah. Diba ikaw iyong humingi ng tulong nung minsang malapit na akong makidnap ng dalawang tao?" Wika niya pa. Napatango-tango ako. I'm glad she recognized me.

"B-bakla ka pala?" Hindi makapaniwalang wika niya. I smiled and then I nodded. Pinapakita ko talaga sa kanya na bakla ako. Hindi nga lang ako nagpapahalata kunwarina bakla ako.

"Yeah Sistah! Pero atin-atin lang ito ha kasi hindi pa alam ng lola ko. Alam mo na, hindi keri ng lola ko na may apo siyang shukla." Wika ko. Natawa siya.

"Marami pa namang nagka-crush sayong bakla eh yun pala isa ka din pala sa kanila." Wika nito. Natatawa na rin ako kahit na nagmumukha akong tanga.

Mula noon ay naging magkasundo kami. Naging malapit kami sa isa't-isa at palagi na lang kaming magkasama. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang naninirahan sa mundo at pagmamay-ari namin ang isa't-isa.

Ipinakilala niya ako sa pamilya niya at sa tingin ko naman ay wala silang problema sa akin dahil mainit nila akong tinanggap.

Ipinakilala ko naman si Nimfa sa Lola ko at wala namang problema si Lola kay Nimfa dahil mabait itong bata at masunurin pa. Ang sabi ni Lola Conching mas mabuti na raw iyong si Nimfa ang palagi kong nakakasama kaysa naman mapabakarda pa ako at malulong sa kung anu-anong bisyo and worst baka ma-adik pa raw ako sa kakasama ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko naman gagawin yun. Adik nga ako pero hindi sa droga kundi kay Nimfa. Magpapakabait ako para hindi ako iiwan ni Nimfa.

She's my world. And even if I looked like an idiot okay lang basta kasama ko siya.

Saka ko na sasabihin sa kanya na hindi ako bakla kapag okay na ang lahat. Kapag handa na akong ligawan siya. Maghihintay ako sa kanya kahit na ilang taon pa ang aabutin ko makasama ko lang siya.




The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon