TFH 14

2.7K 92 1
                                    

"You are my best friend, my human diary, and my other half. You mean the world to me and I love you."

Vince's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Vince's

"Magandang araw ho Seniorito, Ma'am."

Wala sa sariling nginitian ko si Mang Arthur na katiwala ng lupain ni Papa. Kilala na ako ng mga tauhan dito dahil dinala ako ni Papa dito makailang beses na simula nung tinanggap ko ang pagiging isang del Rio..ang pagiging anak ni Miguel Joaquin. Hindi naman kasi interesado si Migara at ang iba ko pang mga kapatid sa negosyo ni Papa kaya ako nalang ang pag-asa niya. Tanggap naman ako ng pamilya niya at wala akong kwestiyon doon. Mabait si Tita Aira. Medyo malayo ang loob ni Miro Joaquin sa akin. Hindi ko alam pero alam ko nabigla siya na meron pa palang anak ang ama niya sa labas. Wala naman silang magagawa dahil nauna akong lumabas sa mundong ito kompara sa kanila.

"Magandang umaga. Ako nga po pala si Nimfa Vein Figueroa." Wika ni Nimfa at saka naglahad ng kamay dito. Napangiwi ako at saka napapailing. Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi niya ginagamit ang apelyido ng asawa niya?!
Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Papa sa akin. Sa lahat ba naman ng ayaw kong makasama ay yun pa ang ipinasama niya sa akin. Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na mawala sa mundo ni Nimfa dahil nangako na ako sa sarili ko noon na hinding-hindi ko na siya lalapitan pa...na magsisimula ako ng panibagong buhay na wala siya..na hindi na iikot ang mundo ko sa kanya pero bakit ginagawa ito ni Papa sa akin? I really hate him!

Nauna akong maglakad at iniwan si Nimfa pero naramdaman ko naman ang pagsunod nito. Kung meron lang sana akong choice para hindi siya makasama ay ginawa ko na but I need to do this..Kailangan kong makuha ang lupa at maipanalo ang kaso para may mapatunayan ako sa buong angkan ng del Rio. Ayokong maliitin nila ako dahil isa akong bastardo. Hindi ko alam kung nalalaman na ba ni Dennis Alejandro na magkadugo kami. Wala naman akong pakialam sa mga buhay nila.

Kailangang matapos na kaagad ang kasong ito dahil ayokong matagal pa kaming magsasama ni Nimfa dito.

"Vince wait! Vince ano ba!" Muntik pa akong mapamura nang bigla nitong hinablot ang braso ko.

Napatiim ako at saka humarap sa kanya.

"What?! Pwede ba Nimfa hayaan mo ako? Do you think I like being with you here?! Kung ayaw mo dito eh di sana nagreklamo ka sa boss mo!" Naiinis na wika ko. Napakuyom siya at nabigla ako nang sampalin niya ako.

"Ang kapal naman ng mukha mo Vince! Alam kong ayaw mo akong makita at makasama kaya wag mong baliktarin ang sitwasyon! Kung ayaw mo akong makasama eh di sana ikaw ang nagreklamo tutal may relasyon naman kayo ng boss mo kaya madali mo iyong ma-uuto! Wag na wag mo akong tratuhin ng ganito!! Akala mo rin ba nasisiyahan ako na makasama kita dito?! Well, I just want to remind you that I am here for the sake of my job!!" Inis na inis na wika nito at nilampasan ako at tumungo sa bahay na pag-i-stayhan namin.

Napanganga ako.

What?!

She thinks that I am having an affair with my father?! She's so insane!

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon