TFH 15

3.1K 102 2
                                    

"The most confused you will ever get is when you try to convince your heart and spirit of something your mind knows is a lie."
-Shannon L. Alder

Vince's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Vince's

Isang linggo na kaming nandito sa Batangas ni Nimfa. Iniiwasan ko siya. Hangga't maaari ay hindi ko siya lalapitan kundi lang tungkol sa trabaho. Tama na..tama na ang panahong sinayang ko nang dahil sa kagaguhan ko sa kanya. Tinuturuan ko ang sarili ko na tanggapin ang katotohanang pag-aari na siya ng iba who happened to be my cousin. Hindi naman masama na maghahangad ako ng magandang buhay nang wala siya sa aking tabi. Ayokong mabaliw sa nararamdaman ko sa kanya. Tama na ang isang pagkakamali. Ayoko ng maulit pa ang nangyari sa amin noon. Ayokong makagawa ulit ng kasalanan na pagsisihan ko sa huli.

Hangga't kaya kong iwasan siya kahit na imposibli dahil magkasama kami ngayon ay gagawin ko. Ayokong maulit ang nangyari noong nawalan ng ilaw dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at madala ako sa tukso.

"Mang Arthur, gusto kong makausap ang mga residenteng nakatira sa lupain. Gusto kong marinig ang panig nila. Hindi rin naman pwedeng idaan natin sa dahas ang pagpapaalis sa kanila dahil nga matagal na rin silang namuhay sa lupaing ito." Wika ko sa katiwala ni Papa.

"Sige po Seniorito Vince pero kailangan ho natin ng makakasamang mga tauhan ng Signor Miguel dahil baka mapaano ka doon eh mahirap na lalo't mainit ang dugo nila sa Signor Miguel." Wika nito. Umiling ako.

"Hindi na kailangan Mang Arthur. Hindi naman ako natatakot at saka isa pa ay makikipag-usap ako sa kanila bilang katulad nila. Hindi naman gulo ang ipupunta ko doon." Wika ko.

Tumango nalang si Mang Arthur at saka kinuha ang sasakyan papunta roon sa mga ilegal na residenting nakatira sa lupa ni Papa.

"Mawalang galang po Seniorito, kaano-ano niyo ho ba si Ma'am Nimfa? Gerlpren niyo ho ba iyon?" Biglang tanong ni Mang Arthur habang binabaybay namin ang daan patungo sa mga residente.

Umiling ako.

"Hindi ko siya girlfriend Mang Arthur." Tipid na sagot ko.

"Eh kung hindi mo siya gerlpren bakit ho siya sumama sa inyo rito? At saka sayang naman ho kung hindi niyo gerlpren eh bagay ho kayo. Para talaga kayong men to bi po." Nakangiting wika nito. Napapailing nalang ako.

"Meant to be po Mang Arthur..hindi ko po siya pwedeng maging girlfriend. Basta Mang Arthur mahaba pong kwento. Wag nalang po natin siyang pag-usapan." Wika ko.

"Wag pag-usapan dahil iniiwasan mong malaman ang totoong laman niyan." Wika nito habang itinuro ang dibdib ko. Hindi ako nakaimik. Napapailing naman siya.

"Kayo talagang mga kabataan oh.. Alam mo Seniorito kapag itinatanggi mo ang totoong laman diyan sa puso mo ay mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. Bakit hindi mo pakawalan kung ano ang laman diyan sa puso mo para gumaan naman." Wika nito. Umiling ako.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon