"I would not be able to remain as your friend any longer. My heart is bursting with love for you, and I do not know how to contain it."
Nimfa's
When will you be home?
Missing you already💖💖From: Czarina
Napakuyom ako nang mabasa ko ang text ni Czarina kay Vince. Hindi ko alam kung nasaan si Vince. Ilang araw na niya akong iniiwasan. Hindi na rin kami nagkakasabay kumain at hindi na niya ako pinapansin o di kaya'y iniiwasan niya akong makasalubong kahit na nasa iisang bubong lang kami.
Siguro nagpunta iyon kay Mang Arthur at naiwan niya ang phone niya.Muntik pa akong mapaigtad nang mag-ring iyon at it's Czarina again. Inis na sinagot ko iyon. Hindi ko alam pero nagpupuyos talaga ang kalooban ko. Ang kapal ng mukha niyang tumawag-tawag kay Vince gayong may inaasikaso kaming trabaho dito.
"Hey! I'm sorry to disturb you. Na-missed ko lang boses mo eh." Maharot talaga tong babaeng to. Siya talaga iyong unang nagpapakita ng motibo sa lalaki.
I cleared my throat.
"V-Vince.." I heard her on the other line. Marahil ay napansin niyang hindi si Vince ang kausap niya. Napangiti ako.
"I'm sorry Miss..Vince is taking his bath. Anong kailangan mo? Kaano-ano mo ba si Vince?" Wika ko.
"A-akala ko ba may trabaho siyang inasikaso why the hell may babae siyang kasama?" Ang tono nito ay para bang nagseselos. Napangiti ako.
"Excuse me Miss? Mali ho yata ang natawagan niyo. Kaano-ano mo ba si Vince at kung bakit ganyan ka kung makaasta at maka-text sa kanya?" I was bitching her out.
"I'm soon to be his girlfriend! Bakit? Wala ba akong karapatang magselos sa taong mahal ko at alam kong mamahalin din ako pagdating ng araw?! Who are you by the way?! Ang lakas mong maka-epal sa buhay namin ni Vince ah!" Galit na ito sa kabilang linya. My lips twitched.
"Oh! So you're soon to be his girlfriend..Oh I feel pity for you darling because it won't happened anymore..kaya kung ako sayo ay tigilan mo na ang paglalandi mo sa kanya." Wika ko.
"Ang kapal ng mukha mong babae ka para pagsabihan akong itigil ko na ang paglalandi kay Vince!! Sino ka ba ha? Mas malandi ka dahil ako iyong niligawan! Siguro isa kang bayaran at sinubukan mong akitin si Vince ano?!" Galit na wika nito. Nahigit ko ang aking hininga at saka napakuyom.
"Ikaw ang makapal ang mukha! Layuan mo si Vince kung ayaw mong mapahiya!..Oh by the way you're just SOON TO BE his girlfriend but I'm his WIFE so back off of my husband!" Wika ko at saka inis na pinatay ang phone.
That woman! She's getting into my nerves!
Hindi ako papayag na mapupunta sa babaeng iyon si Vince. Hindi ko siya gusto para kay Vince. Tingin ko ay hindi siya makakabuti para kay Vince. She's a bitch!
"What are you doing?" Napaigtad ako nang biglang dumating si Vince at dahil nabigla ako ay nabitawan ko ang phone niya at nabasag iyon. Nanlaki ang mga mata niya.
"What the hell have you done?!!" Galit na lumapit siya at saka tiningnan ang phone niya pero nag-black out na iyon at hindi na ma-open.
He looked at me with that murderous face.
"Bakit mo ginalaw ang phone ko? Anong ginagawa mo ha?!" Galit na galit na wika nito.
"I-I'm sorry..hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako kaya nabitawan ko. Kinuha ko lang kasi..kasi ibibigay ko sayo dahil naiwan mo to..b-baka may importanteng tawag para sayo." I stuttered a bit.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...