TFH 5

3.1K 82 1
                                    

"Why can't I say that I'm in love?
I wanna shout it from the rooftop
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
'Cause I'm yours"
-Secret Love Song-

Vince's

Ang bilis ng panahon. Nanatiling nurse ni Vein si Yumi. I didn't know about Yumi dahil ang sabi sa akin ng kaibigan ko na nagrekomenda sa kanya sa akin ay Masipag talaga yung apelyidong dala niya. Nagtanong ako kung bakit pero ang sabi ng kaibigan ko na nagrekomenda sa kanya ay masyadong private raw sa personal life itong si Yumi. Nalaman niya lang na may asawa na pala ito one year ago dahil nabanggit nito minsan kanya. Mula raw noon ay hindi na siya nagtanong pa dahil parang iniiwasan raw ni Yumi na magkwento tungkol sa asawa nito. He respect her privacy kumbaga. Basta ang ipinangako ng kaibigan ko ay mapagkakatiwalaan at mabait itong si Yumi which I found it true. Mapag-alaga si sa asawa ko kahit na hindi siya stay-in sa bahay. Gusto raw kasi niyang maalagaan din ang asawa niya. Naiintindihan ko naman siya because she's also pregnant. Nakikita ko naman sa mga ikinikilos niya na sobrang mahal niya iyong asawa niya.

Lumipas ang mga araw naging mabuti ang kalagayan ni Nimfa. Nakakalakad na siya una na gamit ang saklay niya. Naging matiyaga si Yumi kasama ang assistant niyang nurse na si Cocoi para palakarin si Nimfa until unti-unti na siyang nakakalakad at nakakapagsalita na siya.

Ngunit dumating ang araw na tinawagan ako ng kaibigan kong doctor na nagrekomenda kay Yumi sa akin. We talked about Yumi and then we found out that her husband's name is Dennis Alejandro Fajardo del Rio. I got the biggest mistake of my life. Agad akong umuwi. We need to go back to Europe habang hindi pa nalalaman ni Yumi ang totoo lalo na ngayon na nakakapagsalita na si Nimfa. Baka mahuli pa ako. Pagdating ko sa bahay ay nandoon si Yumi pero hindi na niya kasama iyong assistant niyang si Cocoi dahil nagbakasyon raw ito at pansamantalang pumalit ang ipinakilala niyang Zion. I looked at Yumi. Napaka-inosente niya pero nakikita ko iyong sakit sa mga mata niya at kahit gusto kong magtanong ay hindi ko magawa dahil wala naman akong pakialam sa personal niyang buhay.

"Sir, heto na po ang gamot ni Miss V." Wika ni Inday.

"Ako na po ang magpapainom ng gamot kay Miss V, Attorney." Bulontaryong wika ni Yumi. Napatiim ako. I need to get rid of her para hindi na siya makakalapit pa kay Nimfa. She's the wife of Nimfa's husband. Tadhana na ang kumilos para sa aming apat at handa akong kalabanin ang tadhanang iyon para hindi lang mawalay sa akin si Nimfa.
Kinuha ko ang gamot at tubig na dala ni Inday.

"Hindi, ako na Miss Yumi. Bukas dapat wala ka na dito. Ako na ang mag-aalaga sa asawa ko." Wika ko. Napakunot noo naman ito. Kailangan ko siyang paalisin ngayon na. Wala akong pakialam kung ano ang iniisip niya at ng kasama niya basta hindi ko na siya kailangan pa.

"P-pero Attorney--"

"Hindi mo ba ako naririnig Yumi? Bukas hindi ka na babalik dito kasama iyang alalay mo! I don't need you anymore! Sa panahon ngayon ay wala na akong mapagkakatiwalaan." Tumaas ang boses na wika ko. Napatitig sa akin si Nimfa. I just sighed.

Napaawang ang bibig ni Yumi. Nagkatinginan pa sila ng alalay niya.

Biglang tumunog ang phone ko kaya nagkaroon ng pagkakataon si Yumi na kunin sa akin ang gamot ni Nimfa.

Walang pasintabing sinagot ko ang tawag at hinayaan si Yumi na painumin ng gamot si Nimfa but I made a note to myself that this is the last time na makikita ko si Yumi at ang alalay niya sa mansiyon ko.
The call was all about my client. Kailangan na kailangan raw niya ako ngayon dahil hindi siya tinitigilan ng dati niyang asawa sa pambubug-bog at harassment. Na-ifile na niya ang kasong iyon at nasimulan na namin. I need to finish it before this day ends at pagkatapos nito ay aalis na kami ni Nimfa at hindi na kami babalik pa dito at isasama ko na lang si Lola para wala na talaga akong rason para bumalik pa dito sa Pilipinas.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon