TFH 2

4.1K 115 2
                                        

"It's a very dangerous state. You are inclined to recklessness and kind of tune out the rest of your life and everything that's been important to you. It's actually not all that pleasurable. I don't know who the hell wants to get in a situation where you can't bear an hour without somebody's company."

— Colin Firth
Vince's

Lumipas ang mga araw, buwan at taon na hindi ko na nakakasama pa si Nimfa. Nakikita ko siya ng malapitan pero pakiramdam ko ay ang hirap-hirap  niyang abutin.

May mga araw na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa aming dalawa. Kung hindi lang sana ako nagmamadali ay sigurado ako na masaya kami ngayon at palagi ko siyang nakakasama pero hindi ko na maibabalik ang lahat. Nasabi ko na sa kanya at sa tingin ko naman ay masaya na siya sa buhay niya ngayon. Balita ko ay going strong ang relationship nila  ni Dennis Alejandro. Mukhang mabait naman iyong tao. Halos nasa kanya na ang lahat kaya sino ba  naman ang babaeng hindi magkakagusto sa kanya. Bukod sa sobrang yaman ng angkan niya ay makisig ito at mabait.

Dumating ang araw ng graduation namin at akala ko ay hindi na makikipag-usap sa akin si Nimfa pero nagulat ako nang dumating siya sa bahay at may dalang regalo para sa akin. I was shocked and at the same time I was overwhelmed.
Umiiyak siyang niyakap ako.

"I don't want to lose you Vince. You are my bestfriend and I can't afford to lose you forever. Wala na akong bestfriend kapag nagkataon. I'm sorry, nilayuan kita but I'm okay now. Naiintindihan mo naman ako diba?" Wika niya sa akin. Nasaktan ako pero dahil sa laki ng pagmamahal ko para sa kanya ay tinanggap ko siya. Humingi ako ng tawad sa kanya. Hanggang mag-bestfriend lang talaga kami. Okay na rin siguro yun kaysa naman habang buhay siyang mawawala sa akin.

Simula nang araw na yun ay tinanggap ko ang pagkatalo ko. Nagpatuloy ang mga buhay namin na ako pa rin ang bestfriend niya. May kanya-kanya na kaming mga trabaho at sa tuwing nag-aaway sila ni Dennis ay ako agad ang unang makakaalam. Mahirap pala ang magkunwaring hanggang bestfriend lang ang turing ko sa kanya.
Mahirap iyong mahal na mahal mo ang isang tao higit pa sa isang matalik na kaibigan.

Nagpatuloy ang buhay namin hanggang sa may nakatanggap ako ng isang invitation- a wedding invitation to be exact and guess what? It's a Del Rio- Figueroa Nuptial and I am the bestman of my bestfriend.
Nanginginig ang buong katawan ko nang mabasa ko ang imbitasyong iyon dahil iyon na rin ang panahon na para na akong mamatay.
Nilunod ko ang aking sarili sa alak. Gusto kong makalimot kahit sandali. Gusto kong makalimutan kahit sandali na minahal ko si Nimfa. Gusto kong kalimutan na nagmahal ako sa bestfriend ko na kahit kailan ay kaibigan lang talaga ang turing sa akin. Well, I am not just the one on earth that is inlove with their bestfriends. Maraming tulad ko na nagmahal ng lihim sa bestfriend nila. Hindi ko lang aakalain na ganito pala kasakit. Alam ko wala akong karapatang humarang sa kaligayahan ng bestfriend ko. God knows how much I wanted to be his groom pero hindi ako ang gusto niya kundi ang night and shining armor niyang si Dennis Alejandro del Rio.

Tanga na kung tanga pero mahal ko si Nimfa. Siguro panahon na para tanggapin ko na ng lubusan na hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Siguro panahon na para bitawan ko na ang konting pag-asa sa puso ko. Panahon na para lumayo ako sa kanya.

Dumating ang araw ng kasal ni Nimfa. Hinanap niya ako. Hindi ako sumipot sa araw ng kasal niya. Hindi ko kayang maging bestman sa kasal ng mahal ko. I can be his bestfriend but be the bestman in her wedding day? Hindi ko maaatim yun. Andun lang ako sa malayo, nakatingin sa kanya habang naglalakad siya papasok ng simbahan. Ang ganda niya at ang swerte ni Dennis na magiging sa kanya na si Nimfa. I can't compare her to another woman because she's incomparable. Lahat na yata nasa kanya na.

The wedding end at saka pumunta na ang lahat sa reception. I was there! Pretending to be another person dahil gusto kong masaksihan ang kaligayahan niya even if it means me dying of so much pain.

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si  Nimfa.

Natapos ang kasiyahan at nakita ko siya kasama si Dennis na nagpaalam sa mga bisita. Umalis sila maybe they're going to the place where their honeymoon takes place.

Hindi ko alam kung bakit ko sila sinusundan. Wala naman na akong karapatan pero heto akong tanga sumusunod sa kanila. Siguro ito na ang huli.. siguro pagkatapos nito ay makakapag-move on na ako. Siguro kapag nakita ko na okay na siya ay mapapanatag na ang kalooban ko at hindi ko na siya gagambalain pa.

But then isang aksidente ang sumira sa araw na yun. Nabangga ang sasakyan nila Nimfa at Dennis sa isang ten wheelers na truck at sumalpok ang sinasakyan nila.  Kitang-kita ko kung paano nagsalpukan ang dalawang truck at ang kotse nila Nimfa. Hindi nagtagal ay sumabog iyon. Nanlalaki ang mga mata ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay tanging naidasal ko ay maligtas si Nimfa. I am so fucking worried about her. I am so shocked of what had happened to them. Mabilis akong bumaba ng kotse at saka tumakbo palapit sa kotse nila na naipit sa malaking truck. Agad kong hinanap si Nimfa. I found Dennis at wala itong malay. Hindi ko alam kung buhay pa ba ito o hindi na basta ang inaalala ko ay si Nimfa. I found her. Nasunog ang mukha niya at iba pang parte ng kanyang katawan. Naipit siya at duguan. Nahintakutang nilapitan ko si Nimfa. Kabang-kaba ako. I wanted to cry pero hindi ito ang tamang panahon para umiyak ako. I checked her pulse at nakapa ko iyon pero nag-alala ako dahil mahina iyon. Kinakabahan ako ng sobra. Ginawa ko ang lahat makuha ko lang siya dun sa kotseng iyon bago pa man mahuli ang lahat.

I was crying that time. Hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak at ang tanging nasa isip ko noon ay ang mailigtas siya. Ginawa ko ang lahat. Kinuha ko siya at pinalitan ng ibang katawan. Tinanggal ko ang wedding ring at ang necklace na nasa leeg niya at saka inilagay dun sa sunog na bangkay na driver na nakabangga sa kanila. May isa pang bangkay ng tao na nasunog katabi ng driver. Hindi na sila makikilala dahil sa sobrang sunog ng katawan nila. Mabilis kong dinala si Nimfa sa kotse at nanginginig ang buong katawan ko na lumayo sa lugar na iyon. Hindi ko na naisip si Dennis. Ang importante ay mailigtas ko si Nimfa sa bingit ng kamatayan.

"Nimfa, please hold on..please hold on baby.." napapaluhang sambit ko habang nagmamaneho palayo sa lugar.

Masyado akong nahintakutan at kinakabahan. Hindi pwedeng dalhin ko si Nimfa sa hospital dahil baka magtaka ang mga magulang niya kung bakit ako ang nagdala sa kanya. Baka pagdudahan nila ako.

I have no choice!

Kailangan kong ilayo si Nimfa!

Inihinto ko ang kotse ko sa isang firm. Tinawagan ko ang kaisa-isang tao na alam kong tutulong sa akin at hindi ako matatanggihan sa gusto ko.
Nagtataka ito kung bakit ako napatawag dito.
"Why? Is there something wrong?" Nahimigan ko agad sa boses nito ang pag-alala.

"You want to father me Mr. Del Rio, right? then help me. Andito ako sa harapan ng firm mo. " Wika ko at saka pinatay ang phone ko.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Ayaw na ayaw kong makita ang taong to pero kailangan ko siya ngayon.. Isasantabi ko na muna ang galit ko sa kanya para kay Nimfa.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang nagmamadaling lumabas sa firm niya at mabilis na nilapitan ang  kotse ko at saka pumasok.
Kulang ang salitang "gulat" nang makita niya ang hitsura ko at ang duguang katawan ni Nimfa sa kotse ko.

"Vince! What the hell were you doing!?" Dumadagundong ang boses niya. Napatiim ako.

"Hindi ako lalapit sayo kung hindi ko kailangan ang tulong mo Mr. Del Rio. Now help me find a doctor that can heal my life!" Wika ko. Napapatitig siya sa katawan ni Nimfa.

Napakunot noo siya.

"I-is that Nimfa?" Gulat na tanong niya.

Tinabig ko ang kamay niya na akmang hahawak kay Nimfa.

"Kung hindi mo ako kayang tulungan then leave! Leave! Mahalaga ang bawat oras ko del Rio!" Galit na galit na wika ko.

Bigla itong nanlumo at saka tinitigan ako.

"Then let's go..I'll help you Anak.." wika niya. Agad kong pinaharurot ang kotse palayo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na siya ang tatay ko. I'll forever hate him!

I'll forever hate him because I am his bastard son!

The Fake HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon