"It's more like you meet someone, and you fall in love, and you hope that that person is the one—and then at some point, you have to put down your chips. You just have to make a commitment and hope that you're right."
-Rainbow Rowell, LandlineVince Ismael Buenavista-del Rio's
"Vince akin ka lang please..nagawa ko lang naman iyon dahil mahal kita! I know you understand me because you knew how it felt Vince! Pinagdaanan mo rin ang pinagdadaanan ko!"
Humagolhol si Czarina. Inihatid ko siya sa bahay nila. Buti na lang wala ang nanay niya kundi ay baka kung ano ang masasabi niya sa akin.
Napahilamos ako ng mukha.
Nagagalit na ako sa kanya. Hindi niya dapat iyon ginawa. Hindi niya ako dapat ginawang mundo niya!
"Czarina, mahalin mo muna ang sarili mo..Wag kang gumaya sa akin. Wag mong iikot ang mundo mo sa iisang tao. Tama ka, ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin noon na marami pang dapat na pagtuunan ng pansin. Maraming mga bagay na kailangan ng higit na atensiyon. Hindi pwedeng sa iisang bagay o tao ka lang dumepende. Rina, tama na. Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo dahil sa mga pinagagawa mo! Natuto kang magsinungaling sakin para lang mapasaiyo ako pero hindi.. Hindi kailan man napipilit ang pagmamahal Rina and you know that!" Wika ko.
Noong nasa Batangas kami ay sumama ako sa kanya pabalik dito dahil sinabi niyang may sakit siya at may taning na ang buhay niya kaya kahit man lang raw sa mga huling araw ng kanyang buhay ay siya ang piliin ko. Wala akong nagawa. Paniwalang-paniwala ako. Siguro dahil na rin sa laki ng utang na loob ko sa kanya kaya hindi ako makatanggi sa kanya.
Ginawa ko ang lahat mapasaya lang siya..dumating pa kami sa punto na gusto niyang magpakasal kaming dalawa. Pumayag ako para na rin mapatunayan ko sa sarili ko na hindi lang kay Nimfa umiikot ang mundo ko. Kasalukuyan kaming naghahanda para sa preparation ng kasal namin sa huwis. Hindi ko alam pero nagmamadali si Czarina na maikasal kami and I thought maybe because she's sick kaya nagmamadali siya but then somethings bothering me kaya pinasundan ko siya noong nagpunta ito sa hospital para sa regular check up niya. Hindi kasi ako nakasama sa kanya nun dahil marami akong tinatrabaho sa office. The other day I found out na nagsisinungaling lang siya. Wala siyang sakit. She's physically fit. Pinaamin ko ang doctor na pinupuntahan ni Czarina at dahil sa takot ay sinabi nito ang totoo.
Czarina was blackmailing me.
I confronted her kahapon at nag-away kami. Hindi ko siya pinakinggan dahil malinaw na malinaw sa akin ang pagsisinungaling niya. Wala siyang ipinagkaiba sa mga ginagawa ko noon kay Nimfa. Ang kaibahan lang ay hindi ko naman binlack mail si Nimfa noon.
Tinawagan ko si Dad kagabi para sabihin sa kanya na walang kasal na magaganap sa amin ni Czarina. I told him everything. Wala naman na akong ibang mapagsabihan ng sama ng loob kundi ang ama ko. Natanggap ko na bahagi siya ng pagkatao ko.
Pinapunta niya ako sa victory party niya at hindi ko naman inaasahan na nandoon si Nimfa kaya ganun ang nangyari.
"Nagawa ko lang iyon Vince dahil sa laki ng pagmamahal ko sayo. Para sa akin naman iikot ang mundo mo at hindi kay Nimfa! I hate that woman!" Wika niya.
"Czarina tumigil ka! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Hindi ako ang karapat-dapat sa pagmamahal mo! At kahit anong gawin mo ay hindi mo mababago ang damdamin ko para kay Nimfa! " napataas ang boses ko.
Napasinghap siya.
"You still l-love her.." halos pabulong nalang iyon na lumabas sa bibig niya.
Hindi ako nakasagot.
"Sinasabi ko na nga ba eh! May nangyari lang sa inyo ay bumalik na kaagad ang pagmamahal mo sa kanya!" Wika niya at pinagsusuntok niya ako. Hinawakan ko siya sa palapulsuhan. Napapaiyak siya.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...