"And when you're weak I'll be strong
I'm gonna keep holding on
Now don't you worry, it won't be long
Darling, and when you feel like hope is gone
Just run into my arms"
-One Call Away
Vince's
Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko lalo na nang makita kong nasa harap ko ang babaeng pinakamamahal ko while hugging me. She's really beautiful. I touch her face.
"I love you..I really love you Vein and I fight for this feelings till the end.." I whispered. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. Umungot siya.
"I love you too my habibi.." napangiti ako when I found out that she's awake. She pouted her lips. Oh how much I love to kiss that sinful lips of hers and so I did.
"Ihhh! Bad breath ako.." simangot niya.
"I don't care..I just love to kiss you but by the way what's habibi?" I ask. She giggled.
"My habibi..My husband..you are my habibi." She happily said. Nawala ang ngiti ko. Kung sa ibang pagkakataon siguro magiging masaya ako pero sa pagkakataong ito ay hindi ko mawari kung ako ba ang tinutukoy niyang husband dahil baka iba ang nasa isip niya. She cupped my face marahil ay naramdaman niya ang pagkalungkot ng mukha ko.
"What's wrong my habibi? Don't you like me to call you my habibi?" Nagtatanong na wika niya. I sighed and then I hugged her. Pinahiga ko siya sa dibdib ko dahil gusto kong maramdaman niya ang itinitibok ng puso ko. We are still both naked under the sheet.
"Of course I like you to call me like that or whatever you want to call me because it was you but.." I sighed.
"But why?.." she asked while kissing my jawline. Nakikiliti ako sa ginagawa niya.
"Wag na nating pag-usapan. It's nothing..ang importante ay anf ngayon at ang bukas natin." Wika ko. Hindi ko alam kung ano pa ang magiging bukas namin ni Vein pagkatapos nito. Kung hawak ko lang ang oras at panahon ay sisiguraduhin kong dito nalang ihinto ang lahat--iyong kaming dalawa lang, masaya at magkasama.
She touch my face."I don't know..kahit wala akong naaalala ay naramdaman ko naman na mahal kita. Iyon nalang ang pinanghahawakan ko sa ngayon though maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko. Hindi naman ako nagmamadali. I know someday maalala ko rin ang lahat. Maalala ko yung mga moments nating dalawa..kung gaano mo ako kamahal." Napalunok ako. Sumisikip ang dibdib ko. Kapag bumalik na ang alaala niya ay alam kong hinding-hindi niya ako mapapatawad sa ginawa ko sa kanya.
Niyakap ko siya ng mahigpit and then I kissed her lips. Lumalim ang halik na iyon and then make love again.Mga tanghali na kaming lumabas ng kwarto. Bukas ay aalis na kami. Pupunta na kami ng Europe at magpakalayo-layo na dito sa Pilipinas at magsimula ng panibagong buhay.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami sa garden ng bahay para makalanghap naman ng preskong hangin si Vein. Inalalayan ko siyang makaupo sa may duyan at nakaharap kami ngayon sa may pool."I love you.." I said to her. She smiled. Nangingislap iyong abuhin niyang mata. Inipit ko ang takas niyang buhok sa kanyang tainga. Ang ganda talaga ni Vein. She's almost perfect. Wala ng makakapantay sa kanya sa buhay ko.
She cupped my face.
"I love you more Vince..ikaw lang. Thank you for taking care of me lalo na nung naaksidente ako at naging pabigat sayo sa loob ng limang taon. Now that I can walk and talk, I promise to take care of you..ako naman ang mag-aalaga sayo. Ako naman ang magpaparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Ibibigay ko sayo ang buong buhay ko." Wika nito. I don't know but my tears fell. Para bang pinupunit ang puso ko sa narinig. I cried because I am not worthy. Hindi naman ako dapat ang pag-aalayan niya ng buhay..this is too much.

BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...