TFH 8

2.5K 79 2
                                    

"You gain strength, courage and confidence by every experience in which you really stop to look fear in the face. You are able to say to yourself, 'I have lived through this horror. I can take the next thing that comes along.' You must do the thing you think you cannot do."
--Eleanor Roosevelt

Vince's

"Mr. Beunavista may bisita ka." Wika ng pulis na lumapit sa seldang kinalalagyan ko. Ilang araw na ba akong nandito? Sampung araw na ako dito at hindi ko naman itinatanggi ang naging kasalanan ko. Dumating si Lola limang araw matapos ang pagpapatunay sa kasalanang nagawa ko. Iyak ito ng iyak at hindi niya matanggap na nagawa ko yun. Hindi raw kasi ako yun dahil kilalang-kilala niya ako dahil siya ang nagpapalaki sa akin. Halos madurog ko ang puso ni Lola nang sabihin kong nagawa ko ang mga bagay na yun dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Nimfa at handa naman akong pagbayaran ang lahat.

Napahinga ako ng malalim at saka tumayo at sumunod sa pulis at tumungo sa bisitang naghahanap sa akin. Halos manlamig ako nang matanaw ang bulto ng bisita ko. Tumayo siya nang makita ako.
Dahan-dahan akong lumapit dito. Umalis naman ang pulis na naghatid sa akin.

"How are you?" Oh how much I want to kissed her. I really missed her so much pero hindi na pwede. Nakita ko ang pagkuyom nito at saka naupo. Naupo na rin ako.

"I remembered everything..wala na akong amnesia. Now, explain everything to me Vince." Nagtatagis ang mga ngiping wika nito. "Why and How did you do that to me?" Halos pabulong nalang ang huli niyang sinabi na tila ba tinitimbang niya ang kanyang sarili kung kaya ko ba talagang gumawa ng mga ganung bagay.

Dumating na talaga ang panahong matagal ko ng kinakatakutan. Natahimik ako. Matagal kaming natahimik pareho.

"Mabuti't magaling ka na.." mahinang wika ko ngunit natigagal ako nang dumapo sa aking pisngi ang isang matunog na sampal mula sa kanya. Kaliwa't kanan ang sampal na iyon..I deserved that.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin na mabuti't magaling na ako! Iyan lang ba ang kaya mong sabihin?! After all these years iyan lang ba ang kaya mong ipaliwanag sa akin? Gusto mong malaman ang totoo? Pwes hindi pa ako magaling Vince at hinding-hindi na ako gagaling dahil sa lahat ng ginawa mo sa akin! You took everything from me! You ruined my life! You ruined everything that I have! You ruined the relationship that we had! At kahit anong gawin mo ay hinding-hindi na ito maibabalik pa sa dati! I loathe you! Kulang pa ang makulong ka! Pagdusahan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin!" Galit na galit na wika niya at saka tumulo ang mga luha niya.

I can't say a word. I am shattered after seeing her like this..so miserable at nang dahil iyon sa mga kagagawan ko.. sa katarantaduhan ko.

"A-ano bang nagawa ko sayong kasalanan at nagawa mo akong gaguhin. Malaki ang tiwala ko sayo. Mahal kita Vince..mahal kita dahil kaibigan kita but right now, kahit iyong pagiging magkaibigan natin ay naglaho na sa puso ko. Galit na lang ang natitira sa akin. Lampas hanggang langit ang galit ko sayo dahil sa ginawa mo sa buhay ko." Wika nito at bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila ba isang milyong punyal na tumatagos sa buong pagkatao ko.

Tumayo ako saka hinawakan siya sa kamay pero iwinaksi niya iyon.

"Wag na wag mo akong hahawakan dahil nandidiri ako sayo!" Nandidiring wika niya. I trembled. Hindi ko alam pero bigla nalang akong lumuhod sa harapan niya.

"I know it is unforgivable but still I'm sorry Nimfa..I'm so sorry..it's..just I'm so inlove with you so I grab the chance to have you in my arms without thinking the consequences. Mahal na mahal kita." Wika ko. Nanginginig ang buong katawan ko. I tried holding her pero inagaw niya ang kanyang kamay. She's still crying.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon