"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa
Lies..
Forgotten memories..
Betrayal...
How can love exists?
This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life..
H...
"I'm tormented, I'm crushed, I don't know what to do. I'm confused, I'm lost, I totally got no clue. I know I love you. Yeah, that's true. But when will you start loving me too?" -Unknown
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nimfa's
Iyak ako ng iyak. Hindi ako makapaniwala na isang prostitute ang tingin ni Vince sa akin. Dati rati ganito na ako. Hindi pa rin ba siya nasasanay sa akin? Tang inang lalaki niya! Nagbago na talaga siya. Mabuti na rin iyong alam na niya ang totoo sa amin ni Dennis Alejandro para mabawasan naman ang dumi ng utak niya. Nakakapanggigil siya! Ang sarap niyang sapakin!
"Nimfa! Please open the door! Nimfa!" It was Vince. He keeps on knocking my door. Nagkukulong ako sa kwarto ko. Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas ako at umiyak sa may puno sa labas. Para akong ewan..para akong baliw na pinaghahampas ang puno dahil sa inis. Baka nga nagalit na yung dwarf na nakatira dun. Bumalik ako sa kwarto at wala na roon si Vince kaya nagkulong ako. Iyak pa rin ako ng iyak. Gusto ko na ngang umuwi dahil ayoko na dito.
"Leave me alone! I don't need you! I hate you!" Inis na wika ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. I sobbed hard. Hindi ko naman narinig ang pagkakatok niya ng pinto. Buti naman at nakakaintindi din yung kumag na iyon. I really hate him!
Napakunot-noo ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napabangon ako.
"Let's talk.." walang pasabing pumasok ito. He uses his keys kaya nakapasok ito.
Napahawak ako sa unan at saka ibinato iyon sa kanya. Nakailag naman ito.
"I hate you! Bakit ka pumasok? Hindi mo ba alam kung ano ang PRIVACY sayo o sadyang makulit ka lang?!" Inis na wika ko. Namaywang siya.
"We need to talk Nimfa.." mahinahong wika nito. Nagtalukbong ako ng kumot.
"I don't want to talk to you." Wika ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Okay..but you have to eat. Kanina ka pa hindi kumakain." Mahinahong wika niya. How can he be this calm despite of what happened earlier?
"Kumain kang mag-isa mo!" Inis na wika ko at saka tinakpan ang mukha ko ng unan.
"Aahhhhh!!" Napasigaw ako nang bigla akong umangat sa kama. Only to find out na kinarga na pala niya ako. Nanlalaki iyong mga mata ko.
"What are you doing?! Put me down!!" Inis na wika ko.
"Ang tigas ng ulo mong babae ka! Hindi ka pwedeng hindi ka kakain dahil may ulcer ka! Para kang bata!" Wika nito at saka inis na inis na inilabas niya ako sa kwarto at dinala sa dining. Ini-upo niya ako sa upuan doon at saka naglatag siya ng mga pagkain sa harapan ko.
Biglang tumunog ang tiyan ko. Gutom na gutom na yata ang mga bulate sa tiyan ko. Natatakam ako. Masarap naman kasing magluto si Vince. Alam ko yun dahil noong pinaniwala niya akong mag-asawa kami ay siya iyong nagluluto para sa akin. He really makes sure na lahat ng kinakain ko noon ay luto niya.