"And the danger is that in this move toward new horizons and far directions, that I may lose what I have now, and not find anything except loneliness."
-Sylvia Plath
Nimfa Vein's
I woke up feeling so giddy..Napakunot-noo ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid and it's all white.
"Ay diyos ko po! Salamat naman po na nagising ka na Ma'am Vein. Dalawang araw ka nang hindi nagigising eh." Wika ng isang babae. Her face is so familiar to me. Napakunot noo ako.
"W-who are you?" I asked her. Bago pa man makapagsalita ang babae ay pumasok ang isang lalaking may edad na.
"T-Tito Z? What are you doing here?" Takang tanong ko. Lumapit siya sa akin.
"How's your feeling hija?" Tanong niya nang makalapit sa akin.
"Luh! Sir Bakit hindi ako natatandaan ni Ma'am Vein? Nagka-amnesia ba siya nang mabagok ang ulo niya sa semento ng pool?" Biglang nagsalita iyong babae-- teka, I remembered her.
"Inday?" Wika ko. Napaawang naman ang bibig nito.
"Ma'am Vein! Hay salamat naman at hindi ka nagka-amnesia. Kaya lang po ay nalulungkot po ako sa inyo kasi po nasa kulungan ho si Sir Vince. " wika nito. Napakunot noo ako and then suddenly my memories flashed in my mind.
Lahat naaalala ko noong ikinasal kami ni Dennis Alejandro hanggang sa maaksidente kaming dalawa. Nagising ako pero si Vince ang una kong nakita. Depressed ako. Hindi makapagsalita at hindi ako makakalakad. Then there's a moment I remembered that Vince told me that I am his wife...he took care of me like his own wife and then she told me he loves me very much.. naalala ko na ang lahat ng nangyayari hanggang sa nakilala ko si Yumi Masipag and then yung may mga pulis na dumampot kay Vince dahil..dahil itinago niya ako sa loob ng limang taon?! Oh my God! I remembered everything!!
Napakuyom ako ng mga palad. Napaiyak ako."Hija, are you okay?" Natatarantang tanong ni Tito Z sa akin. Of course kilala ko siya dahil minsan na siyang naipakilala sa akin ni Dennis Alejandro. Lalo akong napahagolhol.
"I..I remembered everything.." I whispered. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na nagagawa sa akin ni Vince ito. Nanginginig ang buong katawan ko. Niyakap ako ni Tito Z. I cried and cried. All this time ay niloko niya ako.
"Hija, calm down..masama sa iyong kalagayan ang malungkot." Wika nito. Kumalas ako dito. Hindi pa rin maampat ang mga luha ko.
"Tell me Tito Z, paano ako kakalma sa sitwasyon kong to kung totoong limang taon na pala akong wala sa piling ng totoo kong asawa?! I missed everything! I missed my husband! Iyong totoong asawa ko! I missed Dennis Alejandro! I missed my life with him pero ninakaw ni Vince ang pagkakataong iyon at pinaniwala niya ako sa lahat ng kasinungalingan niya! Para ano? Para matupad ang pangarap niya na mahalin ko siya at maging bahagi siya ng buhay ko?! That's bullshit! I loathe him for doing this to me! At hindi ako tutunga-nga lang dito at walang gagawin. Kailangan kong makita ang asawa ko! Please Tito Z..please gusto kong makita si Dennis Alejandro. Magpapaliwanag ako sa lahat..I want to go home with him. Gusto kong makita ang asawa ko..please.." umiiyak na wika ko. Kinasusuklaman ko si Vince. Kung hindi lang sana siya naging makasarili ay kasama ko sana ang asawa ko. Si Dennis sana ang nag-aalaga sa akin sa loob ng limang taon na yun and I hate the fact that Vince took me! Siya ang unang lalaki sa buhay ko and I really really loathe him for that! Lahat inagaw niya kay Dennis Alejandro kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng ginawa niya. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya!
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...