TFH 10

2.8K 90 9
                                    

"The truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward."

-Steve Maraboli

Vince's

"Mr. Buenavista, may bisita ka." Wika ng pulis. Kaagad naman niya akong sinamahan sa visitor's area. Malayo pa lang ay kilala ko na kaagad ang taong naghahanap sa akin. And of course I know why he's here. Maybe he knows everything at nandito siya para sumbatan at ipamukha sa akin na panalo siya at napakaswerte niya dahil bumalik sa kanya ang tunay niyang asawa na mahal ko naman.

I sighed deeply.

Nilapitan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Nag-angat ako ito tingin. Napatiim ito.

Kalmado akong umupo sa katapat na silya at saka malungkot na tiningnan siya.

"Andito ka because of your wife.. the original wife I mean." Kalmadong wika ko. Nakita ko ang pagkuyom at pag-tiim niya.

Galit na galit siya sa akin. Wala akong pakialam kahit na patayin niya pa ako ngayon din mismo sa harapan niya. Hindi ko na maibabalik pa ang panahon. It really happens. That's it!

"Ninakaw mo ang pagkakataon na makasama ko ang asawa ko hayup ka! Muntik na akong mabaliw dahil nawala siya sa akin habang pinagsasamantalahan mo ang pagkakataon na nagkaroon siya ng amnesia! Ano?! Masaya ka na ba na nasira ang buhay ko at ang buhay na meron ako ngayon?! Gago kang putang ina mo! Kung pwede lang kitang patayin ngayon ay ginawa ko na!" Galit na galit na wika nito.

Nanatili akong kalmado. Tinitigan ko siya. We have the same blood. I am also a del Rio. Pero magkaiba kami ng pananaw sa buhay. I am still hating the del Rio's. Hindi ko matanggap na nabibilang ako sa pamilya nila.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga.

"Pareho lang tayong nagmahal Dennis. Ginawa ko ang sa tingin ko ay tama para sa sarili ko. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka diba? Minsan hindi mo na naiisip ang kapakanan ng ibang tao basta ang importante ay magiging masaya ka. Matagal ko ng mahal si Nimfa simula noong mga bata pa kami. She is my ideal woman. I want her to be the mother of my kids and I want her to be my wife pero bestfriend niya lang ako at hindi magbabago ang pagtingin niya para sa akin lalo na nang dumating ka sa buhay niya at sinabi niya sa akin na mahal ka niya. Lalong gumuho ang pag-asa ko na mahalin niya ako. Galit ako sayo pero kinailangan kong tanggapin ang desisyon ni Nimfa dahil mahal ko siya at kaligayahan ko ay ang kaligayahan niya. Nung nagpakasal kayo ay nadurog ang puso ko. Hindi nga ako umattend sa kasal niyo. I was supposed to be the best man but I refused her at sinabi kong may pupuntahan ako. Habang ikinakasal kayo ay nakatingin ako sa malayo, umiiyak dahil kahit anong gawin ko ay hindi mapapasakin ang mahal ko. Pagkatapos ng kasal niyo ay sinundan ko kayo. Tanga na kung tanga pero gusto ko lang makita sa huling sandali ang mahal ko but then that accident happened. Nagulat ako. I saw everything. Tumakbo ako sa kinalalagyan niyo. All I was thinking was Nimfa. I saw her bleeding at alam ko buhay pa siya. I was crying that time at ang tanging nasa isip ko noon ay ang mailigtas siya. Ginawa ko ang lahat. Kinuha ko siya at pinalitan ng ibang katawan. Tinanggal ko ang wedding ring niyo at saka inilagay dun sa sunog na bangkay ng driver na nakabangga sa inyo. Wala akong pakialam sayo kasi okupado ang isip ko para kay Nimfa. Dinala ko siya sa malayong lugar at dahil nasunog ang mukha niya at ng ibang parte ng katawan niya ay ipinasailalim ko siya sa plastic surgery. I've done everything para mabuhay siya and I did kaya lang ay nagka-amnesia siya. She remembered nothing even you and even me. Madamot na kung madamot Dennis pero nagawa kong pagsamantalahin ang panahon. Sinabi ko sa kanya na ako ang asawa niya. Naisip ko na may dahilan siguro ang panginoon kung bakit nangyayari iyon. Mahal ko siya at ang pagmamahal na yun ang ipinaglalaban ko. Itinago ko siya at hinayaan kong maniwala kayo na patay na talaga siya." Mahabang salaysay ko dito. Wala akong pakialam kung ayaw niyang maniwala sa akin basta sinabi ko na sa kanya ang totoo. Tanggap ko na ang pagkatalo ko. Ito na ang tadhana ko.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon