"When I gaze deep into your mind, I am met with the beauty of a thousand diamonds. As I let that love and beauty flood over my body, I knew that there was nothing that I would ever trade our relationship for."
Nimfa's
"Pero Mr. Del Rio.."
Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isipan ng Tiyuhin ni Dennis Alejandro kung bakit niya ako kinuha bilang abogado ng kompanya nila. Wala naman siyang sapat na rason para kunin niya ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil isa iyong malaking oportunidad sa trabaho ko pero kahit anong anggulo ay wala akong mahanap na rason para pumasok pa sa kompanya nila gayong wala naman na akong ugnayan sa pamilya nila.
Baka naman hindi pa alam ng buong angkan ni Dennis Alejandro na hiwalay na kami?
"Hija, we need you. Kaysa naman kumuha kami ng ibang tao why not hindi ikaw ang kunin namin? Tutal kilala ka na namin. Kilala na kita at alam kong mapagkakatiwalaan kita. I hope you understand Nimfa." Wika nito at saka ngumiti sa akin.
Napakagat-labi ako.
Wala naman sigurong masama kung papayag ako na dito magtatrabaho sa kompanya nila. They're good to me. Wala naman akong masabi sa kanila.
Matagal akong natahimik bago nagdesisyon.
"S-sige po..wala naman po sigurong masama kung tatanggapin ko ang alok niyo." Wika ko.
Lumawak ang ngiti nito at saka tumayo at nakipagkamay sa akin.
"Thank you so much Nimfa. You're a big help to this company. You can start your job here tomorrow." Wika nito.
Napanganga ako.
Agad-agad?
"M-masyado po kayong nanggugulat Mr. Del Rio. Bukas na talaga ako mag-start ng work ko dito?" Wika ko.
Ngumiti siya.
"Because we need you here. Ako na ang bahala sa transfer papers mo dito. All you have to do is work here starting tomorrow. I'll double your wage." Wika pa nito.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Why all of a sudden ay ganun nalang nila ako kakailangan?
Natapos ang usapan namin ni Mr. Miguel Joaquin na walang tanging nasa isip ko kundi ang tanong kung bakit niya ako kailangan dito sa kompanya niya ng ganun nalang kadali ang lahat.
I sighed as I walked through the company's corridor when suddenly I saw Vince's glimpse. Nasa di kalayuan siya at hindi siya nag-iisa. Kasama niya iyong babaeng palaging dumadalaw sa kanya sa kulungan. If I'm not mistaken her name is Czarina.
They we're laughing at each other. Sinapak pa ng babae si Vince at si Vince naman ay ginulo pa ang buhok nito at saka nagtatawanan sila.
Suddenly, I felt so lonely. Hindi ko alam pero naiinggit ako sa kanila dahil nasanay ako noon na ako lang ang kinukulit at malapit kay Vince. Wala siyang ibang naging kaibigan na babae noon kundi ako lang. Ang sabi niya sa akin ako ang number 2 na babae sa buhay niya next to his Lola.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...