"There is beauty in truth, even if it's painful. Those who lie, twist life so that it looks tasty to the lazy, brilliant to the ignorant, and powerful to the weak. But lies only strengthen our defects. They don't teach anything, help anything, fix anything or cure anything. Nor do they develop one's character, one's mind, one's heart or one's soul."-- José N. Harris
Seven Years Later...
Vince's
Kakatungtong lang namin ng College ni Nimfa. Ang kinuhang course ni Nimfa ay Law at ganun rin naman ang gusto ko kaya sabay na kaming nag-aral sa kursong iyon. Malaki ang pagpapasalamat ko dahil pareho pala kami ng gustong kurso. Mas lalo akong napalapit sa kanya kasabay nun ay ang lalo kong pagpapahirap sa sarili ko na maging bakla sa harapan niya at mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.
"Besty, nahirapan ka ba kanina sa lesson natin?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa parking lot kung saan naghihintay ang susundo sa kanyang sasakyan.
"Hindi naman. Besty, may sasabihin ako sayo. May nanliligaw sa akin pero gusto ko rin namang malaman kung sino ang secret admirer ko na palaging nagpapadala ng bulaklak at letters sa akin." Wika nito. Biglang parang may gumuhit na sakit sa dibdib ko nang malaman na may nanliligaw na sa kanya. Ibig sabihin nun ay may karibal na ako sa kanya.
"Sinong nanliligaw sayo?" Seryosong tanong ko at saka huminto kami sa tapat ng kotseng sasakyan niya pauwi.
She sighed.
"Si Dennis Alejandro del Rio. Iyong fourth year student sa Business Administration. You know what? I like him kasi mabait naman siya at saka ang gwapo-gwapo niya pa. Marami nga ang nagka-crush sa kanya eh." Wika pa nito at halatang nangingislap pa ang mga mata.
Napakuyom ang mga palad ko. Kilala ko ang Dennis Alejandro na yun. Anak siya ng isang haciendero ng Sto. Domingo. Kilala ang buong angkan nila dahil sa sobrang yaman na meron sila. Hindi ako makakapayag na manliligaw siya kay Nimfa.
"Sasagutin mo? Mahal mo? Sigurado ka ba Nimfa?" Sunod-sunod na tanong nito.
Napatitig naman ito sa akin at saka napakunot noo.
"Plano ko siyang sagutin this week. Bakit Besty? Hindi mo ba siya type para sa akin?" Wika nito. She pouted her lips. Lalong gusto ko siyang halikan dahil sa ginawa niya.
Pakiramdam ko ay lalong sumikip ang dibdib ko. Sasagutin niya, ibig sabihin nun ay mahal niya.
"Paano ang secret admirer mo na palaging nagpapadala ng flowers and letters? Ipagpapalit mo na lang ba ang secret admirer mo sa bago mo lang nakilalang lalaki?" Wika ko.
She laughed.
"Alam mo Besty, tama ka, bago ko nga lang nakilala si Dennis Alejandro pero atleast, he's being honest. Nakikilala at nakikita ko siya sa paligid kaysa naman iyong secret admirer ko na naduduwag dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala sa akin. Pipiliin ko na lang si Dennis Alejandro at saka gusto ko naman iyong tao." Wika nito. Lalong nagpupuyos ang kalooban ko. Mahal ko siya at nasasaktan ako ngayon dahil sa ginagawa niya.
"Wala na ba akong magagawa sa desisyon mo?" Wika ko.
She cupped my face.
"I love Dennis Alejandro. I know I am too young at hindi ko pa alam ang tunay na love but then I feel it. I hope you'll be happy for me Besty." Wika nito.
Gusto kong maiyak.
"I thought it will only be me and you in this world Nimfa. I just can't accept the fact that there's someone who will enter in your life maliban sa akin. You know I love you.." wika ko.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...