TFH 3

3.9K 78 8
                                    

"For everything in this journey of life we are on, there is a right wing and a left wing: for the wing of love there is anger; for the wing of destiny there is fear; for the wing of pain there is healing; for the wing of hurt there is forgiveness; for the wing of pride there is humility; for the wing of giving there is taking; for the wing of tears there is joy; for the wing of rejection there is acceptance; for the wing of judgment there is grace; for the wing of honor there is shame; for the wing of letting go there is the wing of keeping. We can only fly with two wings and two wings can only stay in the air if there is a balance. Two beautiful wings is perfection. There is a generation of people who idealize perfection as the existence of only one of these wings every time. But I see that a bird with one wing is imperfect. An angel with one wing is imperfect. A butterfly with one wing is dead. So this generation of people strive to always cut off the other wing in the hopes of embodying their ideal of perfection, and in doing so, have created a crippled race."
-C. JoyBell C.

Vince's

"Her condition is very complicated Mr. Del Rio. She's very weak and I'm sorry to say these..but she's in coma right now. Masyadong maraming sugat ang kanyang natamo sa aksidente and she's suffering from a third degree burn in her body including her face. Medyo mahihirapan po tayo but then, since kaibigan kita Miguel, gagawin ko ang lahat para sa kanya." Rinig kong wika ng doctor na kaibigan ng ama ko. Yes, Miguel Joaquin del Rio is my real father. Anak niya ako kay Nathalie Buenavista. Isa akong bastardo. My Mom died because of brain tumor. Ibinigay niya pa ang puso niya sa asawa ng ama ko noong kinailangan nito ng heart donor. My mom was known because of her bitchiness attitude but deep inside ay mabuti ang puso niya. Nagmahal siya kay Miguel Joaquin at isinakripisyo ang sariling kaligayahan para lang sumaya ang ama ko. Namatay ang ina ko na hindi man lang niya ako naipakilala sa aking tunay na ama. Hindi ko nakagisnan ang aking ina. Sabi ni Lola I was 6 months old when Mom died. Hindi raw alam ng ama ko na ipinagbubuntis ako ng aking ina. Hindi naman raw kasi nahahalata ang tiyan ng ina ko noon at nung lumaki na raw ang tiyan niya ay hindi muna siya nagpapakita sa ama ko at sinabing nagbakasyon siya sa ibang bansa. Ang sabi ni Lola ayaw raw ng ina ko na pakasalan siya ng aking ama dahil lang sa nabuntis niya ito kundi dahil sa mahal niya ito. But the fate is not for her dahil hindi siya mahal ng ama ko at nagkasakit pa siya at binawian ng buhay. Nalaman ko lang na ama ko si Miguel Joaquin del Rio noong high school pa lang ako. Lola told me everything at hawak niya lahat ng dokumetong nagpapatunay na siya ang aking ama..Nagulo ang buhay ko noon but then nagulat nalang ako nang isang araw dumating sa bahay si Miguel Joaquin. Nag-iisa siya at saka nagpakilala siya sa akin bilang ama ko. Hindi raw niya alam. Pinuntahan raw siya ni Lola sa tahanan nila at sinabi ang totoo. Siyempre hindi naniniwala ang aking ama pero pinatunayan iyon ni Lola. Hindi ko alam na nagpa-DNA sila. Wala naman akong pakialam kahit na hindi niya ako makilala dahil sanay naman ako na walang nakagisnan na magulang at tanging si Lola lang ang tumayo bilang ama at ina sa buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko siya matanggap bilang ama ko. Okay na sana na nandiyan siya pero parang wala pa rin naman siya sa buhay ko dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin niya ako kayang ipakilala sa buong angkan niya. Wala naman akong pakialam dahil simula't-sapul ay hindi ko naman siya kailangan. Mailap ako sa kanya. Sa tuwing gusto niya akong makita ay hindi ako nagpapakita sa kanya dahil nasusuka ako na siya ang naging ama ko. Hindi ko kailangan ng amang duwag at hindi ako kayang ipaglaban sa lahat ng tao. Nanatili akong sekreto sa buhay niya dahil ayaw niyang masira ang pangalan niya lalo na sa pamilya niya. Kinailangan ko siyang kalimutan at iwaglit sa buhay ko na buhay pa ang ama ko.

Pero talagang tadhana na rin siguro ang kumilos para sa aming dalawa dahil sa pangyayari ngayon sa buhay ko..kung saan nasa bingit ng kamatayan ang pinakamamahal kong babae. Wala na akong ibang naisip na hingan ng tulong..kung meron lang sana akong choice ay nunca na lalapit ako sa duwag na lalaking to. Pero kailangan ko siya ngayon para maisalba ang mahal ko.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon