TFH 19

3.4K 110 2
                                    

"That's what a dare does. It taunts you to take a different direction, to do something you never thought you could do, to jump, knowing that a million consequences could be on the other side of that dare, but that if you don't do it, you'll always wonder. And sometimes wondering is worse than consequences."
-Rebekah Crane, The Upside of Falling Down

Nimfa's..

Metro..

I was greeted by the empty house at the metro. Nagbakasyon sina Mama at Papa sa Tita ko sa Visayas noong isang araw lang at sa makalawa pa sila uuwi. Napahiga ako sa kama at saka nagmumuni-muni. Tatlong buwan na ang nakalipas buhat nang iniwan ako ni Vince sa Batangas. Isa lang naman ang ibig sabihin nun..hindi ako ang pinili niya. Tumulo ang mga luha ko. Why would I think na ako ang pipiliin niya gayong sobra ko siyang nasaktan noon? Totoo nga iyong sinabi niya na huli na ang lahat. I should move on. Ang sakit pala. Ngayon ko nga lang na-realized na mahal ko siya pero basted kaagad ako.

Napabangon ako nang mag-ring ang phone ko. It was Tito Miguel.

"Sir Miguel.." wika ko. Sir talaga ang tawag ko sa kanya lalo na sa trabaho. Kapag nasa labas naman ng trabaho Tito ang tawag ko sa kanya.

"Nimfa? Where are you? Bakit hindi ka pumasok sa trabaho?" Nag-alalang tanong nito.

"Uhm..k-kasi Sir m-masama po ang pakiramdam ko." Wika ko dahil iyon naman ang totoo.

"Oh! Siya sige magpahinga ka pero kung kaya mong sumama sa victory party mamaya para sa kasong naipanalo mo tungkol sa lupa ko sa Batangas pwede kang humabol. I threw a party with some of our boards and it would be better if you could come." Wika nito. Napabuntong-hininga ako.

"I'll try Tito." As if naman may magagawa ako. Ang totoo hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko sadyang wala lang akong ganang magtrabaho dahil nga sa katangahan ko kay Vince.

"That's good hija! See you later." Wika niya at saka pinatay ang phone. I sighed. Kung bakit ba naman kasi hindi ako tumanggi sa alok niyang trabaho sa akin. Hindi sana kami nagkasama ni Vince at hindi ko mare-realized na mahal ko pala siya. I sighed. I guess it's destiny again.

I shooked my head.

I'm so damn hurt right now because of this feelings I have for him. Siguro kailangan kong intindihin si Vince. Kailangan kong tanggapin ang naging desisyon niya. Ang dami ng nangyari sa aming dalawa. We're so closed but now we separated by the destiny.

I sighed.

Nakatulog ako sa isipang iyon at nang magising ako ay seven na ng gabi. I stretched myself before preparing my bath. Pupunta ako sa victory party ni Tito. I'm so glad naipanalo ko ang kasong iyon plus nabigyan pa ng kabuhayan ang mga taong naroon. I proposed to Tito na bigyan ng trabaho ang mga tao roon at nang sa ganun ay hindi sila magrerebelde sa itatayong extension doon sa lugar na yun. After I gave him the benefits pumayag si Tito at naging masaya naman ang mga residente doon dahil nabigyan na sila ng trabaho at may bahay pa silang matitirhan dahil ire-relocate sila sa pabahay ng kompanya ni Tito. Bali salary deduction ang mga bahay nila. They'll be transfered to the company housing na mas komportable sa kanila. Wala namang reklamo ang mga tao basta may matitirhan at may mapagkukunan lang sila sa araw-araw na pangangailangan nila. Sa araw-araw na nakasama ko ang mga tao roon ay mas lalo kong naiintindihan ang pangangailangan nila. Kawawa iyong mga anak nila.

Ilang sandali pa ay ready na akong pumunta sa party. I was wearing a casual green-tea dress at saka nilugay ko ang mahaba kong buhok. I put on a light make up and a light lipstick. Simple lang naman ang dating ko.

Nakarating ako sa convention center ng hotel na sinasabi ni Tito. I was greeted by some boards na sa tingin ko ay kanina pa dumating. Kanina pa rin sila umiinom ng drinks. Agad naman akong kinawayan ni Tito Miguel at saka ipinakilala sa mga board of directors. Nakisalamuha ako sa kanila. Simple lang naman ang victory party.
Inuman. Kainan. Dancing. Singing.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon