"Sometimes, people choose to leave not because of selfish reasons. But they just know that things will get worse if they stay."
-unknown
Nimfa Vein Figueroa
"L-Love?" Parehong napalingon sina Dennis at Nimfa. Kararating ko lang sa simbahan kung saan ko sila nahanap. Nagpunta ako sa bahay nila at ang sabi ng katulong ay nagsisimba raw ang buong pamilya ni Dennis kaya dumiritso na ako sa simbahan. Kailangang makausap ko si Dennis. He needs to know the truth. I need to explain everything that happens to me. He deserve to know the truth because I am still his wife and he is still my husband!
Namutla si Yumi nang makita ako. Nakita ko naman ang pagkunot-noo ni Dennis na halatang nagtataka kung bakit ko siya tinawag sa endearment naming dalawa. Nais kong maiyak. They looked goos together as a family. Siguro kung hindi ako nawala ng ilang taon ay ako sana ang nasa pwesto ni Yumi at ako sana ang ina ng anak ni Dennis. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Lahat inagaw sa akin. Lahat ipinagkait sa akin. Lahat wala na sa akin dahil sa kagagawan ni Vince.
Ang sakit-sakit!
Sobrang sakit!Tumulo ang mga luha ko na nakatitig sa asawa ko. Kumunot naman ang noo ni Dennis na nakatingin sa akin at saka ilang sandali pa ay ngumiti ito kaya napangiti na rin ako sa kanya. Did He still recognized me kahit na iba na ang hitsura ko?
"Ah Miss nagkamali ho kayo. Hindi ho kita kilala." Wika ng asawa ko. Nawala ang ngiti ko at saka napaluha. Parang pinipiga iyong puso ng paulit-ulit na para bang nahihirapan na akong makahinga.
Kinuha ni Yumi ang anak nila at saka kinaraga. I can feel the tension between us. I trembled. Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait.
Bigla kong hinawakan ang mga kamay ng asawa ko.
"A-asawa kita Dennis Alejandro.. asawa kita. Look at me please.. ako ang asawa mo.." humihikbing wika ko. Tinitigan ako ni Dennis at pagkaraan ng ilang sandali ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ng nito at saka maang na tinitigan ako ulit.
"Si Yumi ang asawa ko Miss at pwede ba wag kang gumawa ng eksena dito?" Wika ni Dennis at saka bumitiw sa pagkakahawak sa akin. Nag-iba ang hitsura niya. Nakita ko sa mga mata niya ang galit ang pangungulila.
Akmang hahawakan ni Dennis ang kamay ni Yumi para sana lumayo pero niyakap ko siya sa likuran.
"Dennis please makinig ka muna.. ako si Nimfa. I may not look like her now dahil sa hitsura ko pero ako si Nimfa! Ako ang asawa mo! Buhay ako Dennis! Buhay ako!" Pagpapaliwanag ko kahit na hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag ko sa kanya. Napahinto naman si Dennis. Napakuyom siya ng mga palad. His jaw clenched at saka dumilim ang mukha niya.
Galit siya.
Hinarap niya ang ako at saka kinuha ang mga braso kong nakayakap sa kanya.
Matalim niya akong tinitigan at nagtatagis ang kanyang mga bagang.
"Matagal ng patay si Nimfa at utang na loob wag mo kaming guluhin ng pamilya ko, ng asawa ko at ng anak ko dahil baka kung ano pa ang magawa ko sayo. Kung wala kang ibang magawa sa buhay mo pwes wag mo kaming paglaruan dahil tahimik at masaya na ang buhay ko!" Galit na wika ni Dennis at saka iwinaksi nito ang mga kamay ng ko na nakahawak sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...