"You can close your eyes to the things you do not want to see, but you cannot close your heart to the things you do not want to feel."
-Johnny Depp
Seven Hundred and Thirty-two days later....
Nimfa Vein's
Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay nagulo ang mga buhay namin lalong-lalo na ang buhay namin ni Dennis Alejandro bilang mag-asawa. Thanks to God dahil sa lahat ng pagsubok na sumira sa pagsasama namin ay andito pa rin kami para sa isa't-isa. Nagsama kami ulit as husband and wife. He chooses me over Yumi and his son. I should feel the happiness dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay mas matimbang pa rin ako sa puso ni Dennis dahil mas pinili niya higit pa sa lahat pero heto ako, hanggang ngayon ay nagtatanong sa pa rin sa aking sarili.
Masaya nga ba talaga ako?
Bakit pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko? Dahil ba hanggang ngayon ay hindi ko napapatawad si Vince at hindi kami nakapag-usap ng matino? Siguro kailangan ko lang ng closure. Sa loob ng limang taon na itinago niya ako ay wala naman siyang ibang ipinalasap sa akin kundi ang maging isang reyna. Inalagaan niya ako ng higit pa sa buhay niya. Nakakasakit lang isipin dahil hindi magbabago ang kagandahan ng kanyang kalooban dahil at the end ay niloko niya pa rin ako.
Napabuntong-hininga ako at saka pilit na iwinawaksi ang nasa isipan ko. Dapat hindi ko na iniisip ang nakaraan. Dapat isipin ko ang asawa ko dahil tulad ko parang bawat sandali na titigan ko siya ay balisa siya sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Love, what are you thinking about?" Nilapitan ko si Dennis Alejandro. Nag-angat ito ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya basta ang alam ko ay may dahilan iyon sa pagiging balisa niya.
We're having our vacation here in St. Louise, Missouri States. Isang buwan ang bakasyon namin. Hindi ko alam kung bakit kami dito nagbakasyon. Well, dapat hindi ko na kinukwestiyon iyon dahil simulan nang magkabalikan kami ni Dennis Alejandro ay palagi kaming nagbabakasyon to make up the five years that we're not together as husband and wife.
He sighed at saka naihilamos nito ang mga palad sa sariling mukha. I felt worried. Sa muling pagsasama namin ay hindi ko na nakikita iyong dating Dennis Alejandro. May nagbago na sa kanya.
"Is there any problem, Love?" Tanong ko ulit dito. Umupo ako sa tabi niya and then I cupped his face and kissed him hard. He kissed me too with the same intensity. I want to feel the magic again..yung magic na hinahanap ko noon pa. Yung feeling na para akong nakukuryente tulad dati but then he stopped kissing me. Tumahimik lang ako.
We fell silent for a moment.
"I just.. I'm sorry, I just remembered my son. I wonder if he's fine. I missed him." Wika nito. Napatitig ako dito.
"Ang anak mo lang ba ang na-missed mo?" Napamaang ito sa naging tanong ko.
"W-what do you mean?" He said.
I chuckled and then I faced him and then I looked into his eyes.
"It's been three years that we're back together as husband and wife and I knew you Dennis for a long time. Kilalang-kilala kita. Simula nang bumalik ako sa buhay mo at bumalik ka sa buhay ko, I felt everything has changed.. it's different now. Hindi naman ako manhid Dennis. I may lost my memories but not how I feel for you. Nag-iba na ang lahat sa ating dalawa." Wika ko. Napaawang ang bibig niya and then he cupped my face.
"You knew that I love you, right? And nothing can change that." Wika nito as he stared at me.
Ngumiti ako at saka hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
Romance"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...