TFH 12

2.7K 93 3
                                        

"We destroy ourselves when we stop feeling. If you bury your feelings within you, you become a graveyard."

-Bernie S. Siegel

Vince's

"Makakalaya ka na bukas Mr. Buenavista so prepare your things because tomorrow you're going to be free." Napamaang ako. Nakatitig ako sa abogado ko. Napakunot-noo ako at pagkaraan ng ilang sandali ay napatawa ako ng pakla.

"Nagbibiro ka ba Attorney Cuaresma? Matagal pa akong makakalaya dito at--"

"I am not joking Mr. Buenavista." Wika nito and he handed me an envelope. Kunot noong kinuha ko ang envelope na yun at saka binuksan iyon. It was a receding letter. Pinalaya na ako.

"Si Miss Nimfa Figueroa ang nag-proseso ng lahat ng iyan. Pinalaya ka na niya. Pinawalang bisa niya ang lahat ng kasalanan mo at good news naman dahil inaprubahan iyon ng korte. Malaya ka na Vince and congratulations." Wika nito. Hindi ako nakahuma sa mga naririnig dito. Hindi ako makapaniwala na ginawa iyon ni Nimfa.

Bakit niya ginawa to?

"P-pero bakit?" Takang tanong ko.

"Hindi ko alam Vince. Don't you happy? Makakalaya ka na. Makakapagsimula ka na ng bagong buhay." Wika nito. Napapailing ako.

Hindi ko alam kung ano ang nakain niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Tatlong buwan na ang nakalipas nang magkita kami at simula nun ay hindi na siya nagpakita pa sa akin.

At heto ngayon, nagugulat nalang ako sa mga desisyon niya.

Bumalik ako sa selda na puno ng mga tanong ang isipan ko. Hindi ako makapaniwala. Bukas ay laya na ako. I know I have to start a new life..without her. Nangako akong hindi ko na siya guguluhin kaya tutuparin ko ang pangako kong iyon sa kanya. Bago dumilim ay bumisita sa akin si Miguel Joaquin. Araw-araw naman siyang dumadalaw sa akin kaya lang ay hindi ko siya hinaharap sa tuwing bumibisita siya sa akin. But this time I think we need to talk.

"Vince, ginawa ko na lahat para makalaya ka d--"

"Makakalaya na ako bukas." I interrupted him. Napatitig siya sa akin at saka napakunot noo.

Tumango ako.

"Nimfa did..pinalaya na niya ako." Mahinang wika ko. Nagulat ako nang bigla niyang tinapik ang balikat ko. He sighed.

"Anak.., h-hanggang kailan mo ba ako mapapatawad? Palayain mo na rin ang sarili mo sa mga galit mo sa akin para tuluyan kang maging malaya." Wika nito. I saw tears in his eyes. Hindi ako nakakibo.

"Sa loob ng tatlong taong nakakulong ka dito at sa bawat araw na dumadalaw ako dito ay ngayon mo lang ako hinarap..Anak, oo hindi ako naging mabuting ama sayo pero lahat ng nagawa ko noon sa mama mo ay pinipilit kong ituwid lahat para sayo..dahil gusto kong makapasok diyan sa puso mo. Araw-araw na nandito ka ay gumagawa ako ng paraan para makalaya ka pero hindi ako pinalad. Isa akong suwail sa mga anak ng ama ko pero hindi ko ginamit ang kapangyarihan ng pamilya para makalaya ka dahil ayokong maulit ang dating ginawa kong pagtulong para mamuhay kayo ni Nimfa na parang tunay na mag-asawa dahil ayokong masaktan ka na naman dahil sa consequences sa mga ginawa natin. Bawat araw na nandito ka sa kulungan ay wala akong ibang layunin sa buhay kundi ang maipakilala ka sa pamilya ko because you deserve the best anak. Yes it's hard for me too. Nahihirapan din ako na nakikita kitang ganyan that's why I told my wife Aira about you. Nabigla siya pero tinanggap ka niya. Makailang beses ko na siyang dinala rito para ipakilala ka sa kanya pero hindi mo kami hinarap.. Anak, embrace us in your life because we are your family too." Wika nito at saka pinahid ang kanyang mga luha. Tumayo ako at saka iniwan siya.

The Fake HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon